Nanigas ito nang marinig ang pangalan ni Penelope. His face turned to stone. Hurt was in his eyes. Ganoon ito tuwing naririnig ang pangalan ng unang babaeng minahal nito nang totoo. Ang intensiyon lamang niya kanina ay iligaw ang paksa kay Jace. Hindi siya kumportableng marinig ang pangalan nito. Ngayon ay naisip niya na kailangan din ng closure nina Penelope at Joaquin. Kailangan ng mga ito na mag-usap. Baka sakaling sa pagkakataong iyon ay mapakawalan na nito ang galit nito. Baka sakaling mabuksan na nito sa iba ang puso nito kagaya ng nangyari sa kanya.

"She can go to hell for all I care," he muttered before leaving them.

Napabuntong-hininga siya. Apologetic na napatingin siya sa mga magulang niya. "I'm sorry. I didn't intend to spoil his first day at home."

Nginitian siya ni Mommy Bianca. "It's okay. Ganyan naman talaga siya kapag nababanggit ang pangalan ni Pen. He'll get over it. Mayamaya lang, aakto na 'yan na parang walang nangyari, na parang walang Penelope na dumaan sa buhay niya. A reminder would help him. Gusto kong harapin din niya si Penelope para matapos na ang lahat ng ito."

"Ang gusto kong malaman ay kung ano ang problema n'yo ni Jace," sabi sa kanya ni Daddy Hiram. "Okay naman kayo bago kayo umalis. May nangyari ba na dapat naming malaman?"

Umiling siya. Sinikap niyang ngumiti kahit na mahirap magkunwari sa harap ng mga magulang niya. "We're okay."

"Sigurado akong ipapanalo na niya ang lahat ng sayaw mo sa pagkakataong ito," ani Mommy Bianca.

Muntik na siyang mapaungol nang maalala niya na bukas na ng gabi ang party ng kanyang ina para sa charity. Kasama na naman siya sa mga babaeng naka-auction ang lahat ng sayaw sa buong gabi.

Paano pa siya makakatakas kay Jace bukas kung ito ang highest bidder? Handa na ba siyang makipag-usap? Masasabi na ba niya rito nang harapan na nakalimutan na niya ang lahat ng nangyari sa kanila sa Pangasinan?

SINIKAP ni Phylbert na magpakakaswal kahit na ramdam niyang nakatingin sa kanya si Jace. Nakikipaghuntahan siya sa ilang mga kaibigang babae na dumalo sa party ni Mommy Bianca.

Nang makita niyang dumating sa pagtitipon si Jace kasama ang mga magulang nito ay ginawa niya ang lahat upang makaiwas dito. Kung sino-sino ang kinausap niya upang hindi ito makalapit. In all fairness to him, hindi naman ito nagpumilit. Nang minsang magkasalubong ang mga mata nila ay nginitian lang siya nito.

"Hi, Phylbert."

Napatingin siya sa ginang na bumati sa kanya. "Hello, Tita Rachelle," nakangiting bati niya rito. Hinagkan niya ito sa pisngi. "You look great."

Tila bahagya pa itong nagulat sa paraan ng pagbati niya. Maybe, she didn't expect her to be so nice after what happened between them. Kung inaasahan nito na isang galit na Phylbert ang babati rito, madidismaya lang ito. Dahil sa mga sinabi nito sa kanya noon, mas naintindihan niya ito. Alam na niya ngayon ang pinanggalingan nito.

Dahil din sa mga sinabi nito, nagising siya sa kabaliwan niya. Kung naituloy niya ang balak niya noon, hindi niya alam kung saan na sila humantong ngayon ni Jace. Maybe, they'd already be married and be hating each other so much. Kung anuman siya ngayon, utang-na-loob niya iyon kay Tita Rachelle.

"You look great, too, Phylbert," anito habang may tipid na ngiti sa mga labi. "Kumusta ka na? I heard you were getting married."

"I am. I've met the most wonderful man in the planet and he loves me so much."

"Are you happy?"

Tumango siya. "Yes, Tita. Very." Muli niya itong niyakap na ikinagulat nito. "Have I ever told you how thankful I am to you?"

"Huh?"

"Thank you, Tita Rachelle. Maraming salamat dahil tinulungan n'yo akong magising sa kahibangan ko. You were right about so many things. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko matatagpuan si JC. Hindi ako muling magmamahal. Thank you."

Gumanti ito ng yakap. "Hindi ko alam kung matutuwa ako diyan sa sinabi mo, hija. Hindi ko nga alam kung tama ang desisyon ko noong pigilan ka sa dapat mong ginawa. Mas makabubuti yata kung hinayaan ko na lang na pikutin mo si Jace."

Kumalas siya sa pagkakayakap nito. "Tita!" Namilog ang kanyang mga mata. Hindi ganoon ang inasahan niya mula rito.

Malungkot itong ngumiti. "Mula nang lumayo ka, hindi na uli siya naging masaya. Kumikinang lang ang mga mata niya tuwing nakakatanggap siya ng sulat mula sa 'yo, tuwing nakakausap ka niya sa Skype. He has been miserable without you."

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ni hindi siya makapag-isip ng kahit na anong salita.

"Siguro ay dapat din akong magpasalamat sa 'yo. Marami rin akong na-realize noong magkausap tayo nang gabing iyon. Na-realize ko na wala akong karapatang pagsisihan ang lahat ng nagawa ko. Nagdesisyon ako noon at kailangan kong panindigan iyon. Mali na maghanap ako ng masisisi. Maling makipagkompetensiya pa rin ako sa patay, sa mommy mo. I realized I had to be a good mother to Jace. We talked, you know. Medyo maayos na kaming mag-anak. Nasabi na sa amin ni Jace ang mga sama niya ng loob. He looks every inch of a man but he's still a boy inside. I love that boy so much. I'd do everything for his happiness. You are his happiness."

Sunod-sunod ang naging pag-iling niya. Tila may malaking kamay na pumipiga sa kanyang puso nang mga sandaling iyon. Her throat constricted. She couldn't utter a word. She was not Jace's happiness. He was not hers. Not anymore.

Hinawakan nito ang kamay niya at banayad na pinisil. "I know I'm being such a terrible and awful mom right now. Alam kong wala akong karapatang gawin ito sa 'yo. I don't intend to ruin things for you, Phylbert. Alam mo na hindi kita gusto noon para sa kanya dahil sa nakaraan namin ng mommy mo. Pero nakaraan na iyon at hindi na mahalaga. Ayokong maging makasarili. Ang pinakamahalaga na lang sa akin ay ang kaligayahan ng anak ko. Hate me for doing this, but I'll say it anyway."

"Don't..." pagsusumamo niya. Hindi niya kailangang marinig ang mga bagay na lalong makakapagpagulo sa kanya.

"He loves you. He's in love with you. Jace would give up everything just to be with you again."

Naikuyom niya ang kanyang mga kamay. Mariin niyang nakagat ang kanyang ibabang labi. Pinigilan niya ang pag-alpas ng mga luha sa kanyang mga mata.

"I understand that you're happy now and you love this JC. Hindi ko naman sinasabi na iwan mo siya para sa anak ko. All I want is for you to give him a chance to win you back. Just another chance."

"How can you ask me that?" tanong niya sa tinig na puno ng hinanakit. She was the one who practically pushed her away from her son. Now, she wanted her? Nababaliw na ba ito? Ano ang karapatan nitong guluhin ang damdamin niya nang paulit-ulit?

"Because I'm his mother. If you have any doubts about your feelings, huwag ka munang magpapakasal, Phylbert. Give him another chance. He'll make you the happiest woman this time."

Muli siyang umiling. "No, I'm sorry." Iniwan na niya ito bago pa man ito makapagsalita uli. Labis siyang naiinis kay Tita Rachelle. Bakit ito ganoon? Mas maigi na noon na hindi siya nito gusto para sa anak nito. Noon, pinangarap niyang magustuhan siya nito, ngunit iba na ang sitwasyon ngayon.

Nagkulong siya sa banyo hanggang sa oras na para sa auction. Kinakabahan man, kailangan niyang mag-participate. Para sa mga cancer patients ang malilikom na halaga.

n-bo=3R}

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now