Chapter 32

22.5K 337 6
                                    

NIYAKAP ni Phylbert si Joaquin pagdating nito sa bahay nila. Hindi na siya sumama sa pagsundo rito sa airport. Idinahilan niyang masama ang kanyang pakiramdam. Kaagad namang nag-alala si Mommy Bianca kaya nagpaiwan na rin ito upang may makasama siya kahit na in-assure na niya ito na okay lang siya. Kapansin-pansin daw ang pananamlay niya nitong mga nakaraang araw.

"How are you?" tanong ng kapatid niya nang pakawalan siya. "Ang sabi ni Daddy, masama raw ang pakiramdam mo kaya hindi ka nakasama sa airport."

Nginitian niya ito. "I'm okay. Kumusta ang biyahe?"

"Boring," tugon nito habang nilalapitan si Mommy Bianca. "Hi, Mommy. You're looking good!"

"I'm so happy you're finally home for good," sabi ni Mommy Bianca habang pinanggigilan nito ng yakap ang anak.

Sandaling nawala sa kanya ang atensiyon ni Joaquin dahil abala ito sa mga magulang nila. Binati rin nito ang ilang kawaksi na matagal na sa kanila. He obviously missed being home.

"Ate, nasa linya po si Sir Jace," anang isang kawaksi na hindi alam na hindi gustong naririnig ni Joaquin ang pangalang nabanggit nito.

Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ni Joaquin at nalipat muli sa kanya ang atensiyon nito.

"Pakisabing wala ako," sabi niya sa kawaksi na sa pasasalamat niya ay kaagad na tumalima.

"May tampuhan ba kayo ni Jace?" kaswal na tanong ni Daddy Hiram. Alam naman ng mga magulang niya ang magandang relasyon nila ni Jace bilang magkaibigan. Aware din ang mga ito sa damdamin ni Joaquin ukol doon, ngunit umaasa ang mga ito na magkakaayos pa ang dating matalik na magkaibigan, lalo na ngayong sa bansa na uli mananatili ang kapatid niya.

"Wala po," sagot niya kahit na halata namang mayroon nga silang tampuhan. Mula nang ihatid siya ni Jace sa bahay nila ay hindi na niya sinasagot ang mga tawag nito. Madalas na nagkukulong lang siya sa kanyang kuwarto. Kahit na si Juan Cristobal na ilang libong milya ang layo sa kanya ay napansin ang katamlayan niya tuwing mag-uusap sila. Nag-uumpisa na yata itong mag-alala.

Hindi niya masabi sa pamilya niya o kay Juan Cristobal ang totoong nangyari sa pagitan nila ni Jace. Magagalit ang pamilya niya. Tuluyan nang masisira ang relasyon ng dalawang pamilya. Her family witnessed how much she cried and suffered after their painful break-up. Hindi nakatulong na nag-uumpisa na ang treatment niya. It was painful for her both physically and emotionally. And it was painful for her family to watch.

Hindi siya sanay na nagsisinungaling kay Juan Cristobal ngunit ayaw rin naman niyang masaktan niya ito. Hindi niya nais na magkaroon ito ng pagdududa sa kanyang nararamdaman. He had been there for her when she needed someone to help her heal her wounds. Mahal niya ito at pakakasalan niya ito. Hindi iyon masisira ni Jace.

"Kung bakit naman kasi nakikipagkaibigan ka pa sa lalaking iyon. Wala siyang ibang gagawin kundi ang pasakitan ka, guluhin ka. Get rid of that friendship already," galit na sabi ni Joaquin.

"Joax!" saway rito ni Mommy Bianca. "'Wag mong idadamay si Phyl sa away n'yo ni Jace. And, anak, it has been five years. Ayusin n'yo na ang relasyon n'yong magkaibigan."

Umasim ang mukha ni Joaquin. "I'll never forgive him."

"Kuya—"

"I don't wanna hear it, Phyl," agap nito sa nais niyang sabihin.

Huminga siya nang malalim. "I went to Penelope. Nakatira na siya ngayon sa Pangasinan at mina-manage ang negosyo ng pamilya niya. Kung gusto mo siyang makita at makausap, ibibigay ko sa 'yo ang address at sketch papunta roon."

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now