Chapter 20

23.2K 393 16
                                    


PABILING-BILING sa higaan si Phylbert. Madaling-araw na ngunit hindi pa rin siya makatulog. She was tipsy. Juan Cristobal indulged her by letting her drink but he made sure she didn't have much. sometimes, her Juan Cristobal was more of an overbearing protective doctor than a boyfriend. But she loved him with all of her heart.

Hindi siya makatulog dahil masyado siyang masaya. Kanina, nang dumating sila sa party ng ina ni Juan Cristobal ay inulan sila ng pagbati. Apparently, the party was their engagement party. Her mommy and daddy even surprised her by coming. Ang alam niya ay abala ang mga ito sa Pilipinas at ilang buwan nang hindi nakakabisita sa kanila ni Joaquin. Her family was very happy for her. They totally approved of Juan Cristobal.

Pinagmasdan ni Phylbert ang kumikinang na singsing na nakasuot sa daliri niya. The diamond sparkled prettily. She couldn't wipe that stupid lovesick grin off her face. The proposal was perfect. Noong mga panahong halos sa ospital na siya nakatira ay madalas niyang panoorin nang paulit-ulit ang Sweet Home Alabama. Crush na crush niya si Patrick Dempsey na gumanap sa karakter ni Andrew Hennings. Hindi niya gaanong pinapansin si Josh Lucas na gumanap sa karakter ni Jake. Hanggang ngayon nga ay bihira niyang palagpasin ang Grey's Anatomy para lang masilayan ng kanyang mga mata ang kaguwapuhan ni Doctor McDreamy.

Habang inieksamin siya noon ni Juan Cristobal ay nakita nitong pinapanood niya ang Sweet Home Alabama sa kanyang laptop. Ang sabi niya ay nais niyang may mag-propose din sa kanya kagaya ng ginawang pagpo-propose ni Andrew kay Melanie na ginampanan ni Reese Witherspoon.

"Get well and I'll marry you." Iyon ang pabiro nitong sabihin sa kanya.

"If I survive, you have keep that promise," pabirong tugon din niya. She was too hung up on Jace to be serious about what he said then. He was just indulging an ill patient.

Ngunit sino ang mag-aakala na hindi mananatiling biro ang mga salitang binitiwan nila noon? They learned to love each other. Ito ang nagpalimot sa kanya ng lahat ng nararamdaman niya para kay Jace. Ito ang tinutukoy ni Tita Rachelle na lalaking naghihintay lang sa kanya.

Bahagyang nabura ang ngiti ni Phylbert nang maalala ang kuwento ng Sweet Home Alabama. The film was a story of first love and soul mates. Kuwento iyon ni Melanie na isang papasikat na fashion designer sa New York. She suddenly found herself engaged to the most eligible bachelor in the city, Andrew Hennings. Ngunit hindi ganoon kasimple ang happy ever after nito. May nakaraan pala ito na itinatago. May asawa ito—si Jake—na ayaw itong hiwalayan. Pag-uwi ni Melanie sa Alabama, nanariwa ang nakaraan. Home started to tug at her heartstrings, and what she thought she wanted was not what she wanted after all.

May nais bang ipahiwatig si Juan Cristobal sa ginawa nitong proposal bukod sa pagtupad sa sinabi nito noong nasa ospital siya? Ipinilig niya ang kanyang ulo. She was not Melanie. Jace was not her Jake.

Juan Cristobal knew all about her. She told him everything. She believed he was her "the one," her "Mr. Right." Alam nito ang lahat ng tungkol kay Jace at minsan na nitong sinabi sa kanya na nakakaramdam ito ng selos at insecurity kapag nagkukuwento siya ng tungkol sa binata. She had assured him that her feelings for Jace belonged in the past and they were just friends now.

She and Jace had their closure. Maayos silang nagkahiwalay at nanatili silang magkaibigan kahit na limang taon na silang hindi nagkikita. Walong buwan pagkatapos niyang umalis ng Pilipinas ay dumating sa kanya ang isang sulat galing dito through the traditional snail mail. Hindi naman ganoon kahaba ang sulat. Nangungumusta lamang ito at muli itong humingi ng tawad sa pananakit ng damdamin niya. Noong dumating ang sulat, hinang-hina siya, hirap na hirap sa kanyang karamdaman, at halos sumuko na siya. The letter gave her something to hold on. Nagkaroon uli siya ng pag-asa.

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now