Chapter 31

21.2K 311 6
                                    


PAGBUKAS ni Phylbert ng pinto ng silid na inokupa niya kinabukasan ay nakita niyang nakaabang sa labas si Jace. He looked like he didn't get any sleep last night. Worry was very evident in his eyes. May bahid pa iyon ng takot. Siya man ay hindi nakatulog. Mataman niyang pinag-isipan ang mga gagawin at sasabihin niya. She spent the night calming her heart, her whole being.

Huminga siya nang malalim. "Okay, here's what we're gonna do," aniya bago pa man ito makapagsalita. "We're gonna forget about what happened between us last night."

"Can you do that?" hamon nito sa kanya.

"Yes, I can easily do that, damn you!" Totoong galit na siya. Hindi man lang ba ito naaawa sa kanya? Kahit sana paano ay isipin nito ang kanyang kalagayan. She was getting married and he knew it! Wala itong karapatang guluhin ang damdamin niya. Wala siyang panahong sariwain ang mga damdaming naibaon na niya sa limot.

"Phylbert, you kissed me back. You still feel something special for me," mariing giit nito.

Namasa ang kanyang mga mata. "Don't make me hate you for real, Jace," aniya sa munting tinig. She tried so hard not to let the tears fall. "Pinatawad kita noon kahit na masakit na masakit. Kahit na halos ikamatay ko, pinakawalan kita. Inintindi ko ang nararamdaman mo. Tinanggap ko na hindi mo ako mamahalin kagaya ng pagmamahal ko sa 'yo. Hindi ako nagalit. Tinanggap ko lang at lumayo na ako. Do the same thing for me now. Don't make me hate you."

Natigilan ito nang mahabang sandali. "I love you."

"No, you don't," she snapped. "You never did. Why are you doing this to me?"

"Because I love you."

Sinampal niya ito. Kung noon niya narinig ang mga katagang iyon, siya na marahil ang pinakamaligayang babae na nabubuhay. Ngunit hindi na siya ang dating disiotso anyos na babaeng umiibig at nagkakandarapa rito. She had changed. Her heart had changed. Imposible ang sinasabi nito. Iilang araw pa lang mula nang magkita uli silang dalawa nang personal.

"If you really love me, don't do this to me," she pleaded. "Let's pretend the kiss never happened. I'll pretend I didn't hear you telling me you l-love me. JC will soon be here and I don't want things to be awkward between us. I don't want any conflict, Jace. I'm marrying JC, no matter what you say or what you do. I love him and he makes me happy. He had me at my worst. He loves and adores me the way I want to be loved and adored."

"Phylbert..." Inabot siya nito ngunit umatras siya.

"You owe me this, Jace. After everything you put me through, you owe me this. Why can't you be happy for me? Don't ruin our perfect friendship over some guilt. Please, kalimutan na lang natin. Let's not mention anything about the kiss or about the past. Do we have a deal?"

Matagal siyang tinitigan ni Jace bago ito tumango.

Bahagya siyang nakaramdam ng relief. Alam niya na mahihirapan siyang kalimutan ang lahat. Alam niya na kahit na paano niya iwasan, mag-iisip at mag-iisip pa rin siya. Ngunit sa ngayon, kailangan niyang siguruhin na magiging maayos silang dalawa. Iisip siya ng paraan upang tuluyan nilang makalimutan ang lahat ng iyon.

Hindi rin niya hahayaan ang kanyang sarili na maguluhan sa kanyang nararamdaman. Masyado lang siyang nadala sa nakaraan kaya siya tumugon sa halik ni Jace. Hindi niya hahayaan na umasa o maniwala ang kanyang puso sa mga sinabi nito. Hindi mauuga ng isang halik at simpleng salita lang ang pag-ibig niya para kay Juan Cristobal.

Walang imikan sina Phylbert at Jace habang pabalik na sila sa Maynila. May mga pagkakataon na nagkukunwari si Phylbert na tulog upang hindi sila magkaroon ng pagkakataong makapag-usap. Hindi kailangang maligalig ang buong puso at pagkatao niya dahil lang sinabi sa kanya sa wakas ni Jace na mahal siya nito.

001pt;te3R4

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon