Sinagot niya ito at ipinadala rin niya iyon through snail mail. Doon nagsimula ang pagpapalitan nila ng sulat. Mabagal ang dating ng mga iyon ngunit ayos lang sa kanya. Bawat sulat ay pinananabikan niya. Naikukuwento nila sa isa't isa ang nangyayari sa kanilang buhay. Maraming bagay siyang itinago at hindi binanggit sa mga sulat niya tungkol sa totoong kalagayan niya, ngunit kumbinsido siyang mas mabuti na ang ganoon.

He didn't have to know she was suffering from leukemia. Kung binanggit niya iyon sa mga sulat niya dati, alam niyang ora-orada itong lilipad patungo sa kanya. Aalagaan siya nito at paliligayahin. It would be a dream come true during those times, heaven even. Ngunit napagtanto niyang hindi iyon ang gusto niya. Nagdesisyon na siya bago siya umalis ng bansa at kailangan niyang panindigan iyon. His letters were more than enough. It kept her going from one chemotherapy session to the next. Those letters made her smile after the so many painful treatments she had undergone.

There were so many times when she wished he was there beside her. She wanted to see him and hold his hand. Ang gagawin niya ay titingnan niya ang kanyang sarili sa salamin at sasabihin niyang hindi niya kailanman gugustuhing makita siya ni Jace sa gaanong estado—kalbo at namumutla.

Ang snail mail ay naging express mail paglaon. Hindi nagtagal ay hiningi na niya ang e-mail address nito. They started e-mailing each other. Hindi pa siya gaanong magaling noon kaya hindi siya pumayag na makita siya nito sa web cam. Kung ano-ano ang dahilang sinasabi niya rito upang makaiwas. Isang taon pa lang mula nang mag-umpisa silang mag-usap sa pamamagitan ng Skype.

They were good friends. Magkalayo man, napanatili niya ang magandang pagkakaibigan nila. She was cancer-free and Jace-free—totally. Mahirap noong una, ngunit natutuhan din niya kung paano ito mahalin nang tama.

Malaki ang naitulong sa kanya ni Juan Cristobal. He made her fall in love with him. He was there when she needed someone. Hindi siya nito iniwan. He did everything he could to save her. He loved her like no one else did.

Hindi na marahil siya makakatulog kaya inabot niya ang kanyang laptop at binuksan iyon. She checked if Jace was online. Luckily, he was.

"Hi!" masiglang bati niya nang bumungad ito sa screen ng laptop.

He was smiling vibrantly. "Hello, lovely!" He looked so gorgeous in his typical neat office boy look. Maayos ang suot nitong suit. And not a hair out of place. He was beautiful.

"Mukhang masaya kang makita at makausap ako, ah," tudyo niya rito.

"Mas magiging masaya ako kung hindi lang sa web cam kita makikita, Phylbie." Matagal na nitong inuungot sa kanya na magkita sila nang personal. He wanted to visit her and Joaquin but she refused. Hindi sa hindi pa siya handang makita ito o apektado pa rin siya sa nakaraan nila. Joaquin was still mad at him. Hindi pa rin nito napapatawad sina Jace at Penelope kahit na limang taon na ang lumipas.

Nang magsimulang dumating ang mga sulat ni Jace sa kanya ay hindi nito itinago ang pagtutol nito, ngunit hindi siya nito pinagbawalan. Alam nito na kailangan niya ang mga sulat na iyon noong mga panahong iyon. Nang gumaling na siya ay lantaran na nitong sinasabi na hindi na dapat siya nakikipag-communicate sa lalaking traidor. Kahit na ilang beses na niya itong kinausap na pakawalan na ang galit nito ay ayaw nitong makinig sa kanya. Nagagalit pa ito sa kanya tuwing ipinapaalala niya na matalik nitong kaibigan si Jace mula pagkabata.

Nakakalungkot isipin na nagkasira na nang tuluyan ang magkaibigan dahil kapwa umibig ang mga ito sa iisang babae. Kahit paano ay naiintindihan naman niya si Joaquin. Nasaktan ito nang husto. He felt so betrayed. So much so that he wouldn't let himself get over it. He nurtured the hate. Hindi nito hinayaang maghilom ang mga sugat nito.

He loved Penelope so much. He let no one else came close after her. He dated several women after her but he was never serious with any of them. He was determined not to get his heart involved again. Hindi na niya alam minsan ang gagawin niya sa kapatid.

"Let's talk about that some other time," aniya. "I wanna show you something." Nangalumbaba siya. Siniguro niya na makikita nito ang magandang singsing na nakasuot sa kanya.

She was so happy and she wanted to share it with him. Madalas niyang naikukuwento rito si Juan Cristobal. Hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong magkakilala ang dalawa ngunit alam niyang magugustuhan ng mga ito ang isa't isa.

Natigilan si Jace. Natahimik ito nang ilang sandali habang nakatitig sa screen, sa kamay niya. "Y-you're getting m-married?" malungkot na sabi nito pagkalipas ng ilang sandali.

Nabura ang kanyang ngiti sa naging reaksiyon nito. Tila ito pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ganoon ang inasahan niyang magiging reaksiyon nito. "Yes, I'm getting married. Is something wrong?"

Tila bigla itong natauhan. "C-congratulations!"

She smiled. "Thank you."

"Are you h-happy?"

"Very. Kaya nga ako hindi makatulog dahil masaya ako. I wanna share it with you. It's the most wonderful and romantic proposal. It's not very original but still the most wonderful."

"I'm h-happy for you." He didn't look like it but she was too happy to ask why. Tumikhim ito. "Listen, I have a meeting in five minutes. 'Will talk to you later." Bago pa man siya makapagpaalam ay naputol na ang connection at nawala na ito sa screen.

Nadismaya siya ngunit hindi niya ito maaaring abalahin sa trabaho nito. Hindi bale, makikita rin naman niya ito kaagad. Juan Cristobal wanted to marry her in the Philippines. He wanted to marry her in the place she considered home.

She was coming home.

pt;m(3R�g� 

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now