15

1K 33 9
                                    

👑15👑

Astrid P.O.V

Naalimpungatan naman ako, pagmulat ko nang mata ko nakasandal pala ako sa balikat ni Kalila at ganoon din si Draven na mahimbing na natutulog, umayos ako nang pagkakaupo, at kinumutan sya gamit itong malaki kong blanket,

At bumalik na sa pagkakatulog habang nakasandal sa balikat ni Kalila para mas maging komportable ako sa pagtulog,

After 30 minutes...

Habang natutulog naramdaman ko naman na may gumalaw sa pagkakaupo, Hindi si Kalila iyon kundi si Draven, Hindi ko na pinansin at natulog na lang.....



Naalimpungatan nanaman ako dahil nananakit na ang aking leeg, umupo ako nang ayos at naawa naman ako sa pwesto ni Kalila dahil nakatungo sya habang komportable kaming nakasandal ni Draven sa balikat nya, sya tong babae pero parang sya pa ang lalaki saamin tatlo ni Draven, dapat ang babae ang sumasandal sa lalaki at hindi ang lalaki ang sumasandal sa balikat nang babae, kaso siguro alam nyang mga puyat at pagod kami kaya hinayaan nya kami sa ganoong position...

Mas inuna nya pa kami kaysa sa sarili nya...

Umupo ako nang maayos at sumandal sa bintana, isinandal ko na si Kalila sa balikat ko, para naman maging komportable sya sa pagtulog at para hindi na mangalay o manakit ang kanyang leeg, Bali ang position namin ay ako nakasandal sa bintana habang nakasandal saakin si Kalila habang nakasandal naman si Draven kay Kalila, share kami ni Kalila sa blanket at si Draven naman solo lang...



Kalila's P.O.V

Nagising naman ako at tinignan ang oras,

Time check 4:12pm

Agad akong umayos nang upo at napagtanto ko na nakasandal pala ako sa dibdib ni Astrid, kami nalang dalawa ang naririto sa loob nang sasakyan,

Naisipan ko naman na bumaba na nang sasakyan at hanapin sina Andreana

Ilang segundo pagkababa ko nang sasakyan ay sumunod naman saakin si Astrid sa pagbaba habang hawak ang susi nang sasakyan,

"Bakit tayo nalang yung nandito? Asan sila?" tanong ko sa kanya habang kinukusot-kusot ko ang aking mata na inaantok pa

Grabeee nakakapagod ang biyahe!

"Sight seeing" sambit nya habang, binubuksan iyong camera nya

Napaka naman nung mga iyon, Hindi man Lang kami hinintay bago mag sight seeing, masarap panamang mag-gala at tignan yung mga view nang maraming kasamang kaibigan...

"I told them na mauna na doon kanina dahil natutulog ka pa" sambit nito

"Ehhh Bakit naiwan ka?" Tanong ko

Napatingin naman sya saakin "I can't" sarcastic na pag-kakasabi nya, sabay lakad nya kaya sumunod ako

"I can't?" Tanong ko sa kanya, ehhh Bakit naman kasi hindi nya kaya " why you can't?" Tanong ko ulit

Tumigil naman sya sa paglalakad at humarap saakin, kaya tumigil din ako sa paglalakad

"Dahil nakasandal ka saakin kanina nung natutulog ka" sarcastic na sambit nya, sabay lakad ulit

Ahhhhh oo nga pala kaya siguro kami na lang yung natira dito sa sasakyan, Napa 'ahhhh' nalang ako, kasi wala na akong masabi at dumiretso na naman sya sa paglalakad kaya sumunod na ako sa kanya sa paglalakad 

The Princess (Book 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin