14

1.1K 35 10
                                    

👑14👑


Kalila's P.O.V

"Bumaba muna tayo sa isang convenience store para bumili nang snacks" tumango naman kami sa sinabi ni Jay

Kakaalis lang naming sa Hadria at kasalukuyan na kaming papunta sa isang private beach para mag-celebrate nang birthday ni Adreanna, si Jay ang nagda-drive tas katabi naman nya si Mia

Sa likod nila ay si Adreanna na nasalikod nang upuan nang driver, katabi ni Adreanna ang bintana tas ako katabi nya tas katabi ko naman si Draven, sa likod namin ay si Albri na nasa tabi nang bintana at katabi naman nya si Astrid, tas sa likod nila ay puro bagahe na

Kung nagtatanong kayo kung bakit kami lang ang nandito ay dahil kakaalis lang namin sa Hadria, at ang mga parents naming ay papunta na sa beach ganun din ang iba pang bisita,

Time check 4:03am Saturday, at malamang sa malamang weekend ngayon... common sense MADALING ARAW NA 'AM' nga ehhh alangan naman na hapon na, (charrr lang)

Sabi nila malayo daw yung pupuntahan naming at para ma-enjoy namin ang celebration mas maganda na bumiyahe nang maaga para maaga din ang dating.....

Ohhhh diba dami nilang KNOWS!

Napatingin naman kami kay Jay nang mag-salita ito "Guys! Babana tayo, bili na tayong snacks" gigisingin sana ni Jay ang bestfriend nyang si Draven nang umiling ako para sabihin na huwag na nyang gisingin, kasalukuyan kasing naka sandal saakin si Draven na mahimbing na natutulog, tumango na lang sya at bumaba na nang sasakyan

"Kali ako nalang bibili nang snacks para sainyo nila Kuya, Draven, at Albri" tumango na lang ako sa sinabi ni Adreanna sabay baba nya nang sasakyan,

Natutulog din kasi sina Astrid at Albri katulad ni Draven mahimbing na natutulog din ang dalawa, 11 hours kasi ang biyahe, mga bandang 3:00pm pa kami makakadating sa beach, sa susunod na tigil nang sasakyan namin ay si Albri na ang magmamaneho, kaya kailangan nya talagang matulog para may lakas syang mag maneho mamaya...



Pababa na kami para kumain sa isang restaurant para mag lunch

Time check 10:48am

Ginigising ko na si Draven dahil nag-uumpisa nang bumaba sina Adreanna

"uy Draven gising na kakain na tayo" mahinang sambit ko dito habang yinuyugyog ko sya

"hmmmm...." Yan lang ang sambit nya

"uy..." pangungulit ko sa kanya

"5 minutes more" aba tumawad pa, natawa na lang ako sa inasal nang isang ito, nag-puyat siguro ito, napa-iling-iling nalang ako,

Tinawag naman na kami nila Mia at parang sinasabing bumaba na kami, tinext ko nalang siya na 5 minutes pa, nag-okay na lang siya sa text para hindi na sya bumalik pa rito sa sasakyan dahil nakapasok na sya sa loob nang restaurant at dahil alam kong wala rin naman syang magagawa kung pag pipilitan nya kaming pumunta na doon dahil hindi sya papansinin ni Draven



Katatapos lang namin kumain, lahat naman kami kumain pwera lang kay Astrid, Hindi daw kasi sya gutom at huwag na daw namin syang gisingin kasi pagod sya...

ANO BANG PAKI KO SAKANYA *irap*

Palapit na kami sa sasakyan kami ni Draven ang nahuhuli sa paglalakad, nakasakay na ang lahat pwera na lang saamin ni Draven, si Albri na ang nakatokang magmamaneho ngayon at katabi nya si Andreana,

nagulat naman ako nang umupo sina Mia at Jay sa pwesto namin kanina nila Andreana, itinuro naman nung dalawa yung upuan sa likod habang nakangisi, napairap na lang ako sa inasal nang dalawa, ano pa nga bang magagawa ko...

Mga siraulo alam naman nilang ayoko nang 'awkward moments' tas gusto pa nila na makatabi ko si Astrid, nang-aasar nanaman sila...

Umupo na ako sa tabi ni Astrid na nakaupo sa tabi nang bintana habang natutulog, tumabi naman saakin si Draven at sumandal sa balikat ko at nakakasigurado akong nakapikit na ang mga mata nito at nag-uumpisa nang managinip, Bali napapagitnaan ako nila Astrid at Draven, si Astrid sa Kaliwa ko nakaupo katabi nya yung bintana at si Draven sa kanan ko naman nakaupo

Hindi naman pala awkward kasi mga tulog sila at ang tanging gagawin lang sa biyahe ay matulog nang matulog nang matulog...

What a TULOG DAY!

Habang tumatagal yung biyahe, nararamdaman ko na yung pagbigat nang talukap nang mga mata ko,



Nagising naman ako nang may gumalaw sa tabi ko, at napag alaman kong si Draven pala iyon, umayos lang sya nang pagkakaupo habang naka sandal sa balikat ko pero alam kong tulog sya umayos Lang siguro talaga nang pagkakaupo para maging komportable sya sa pagtulog, at si Astrid naman naka sandal narin sa balikat ko, napansin ko naman yung blanket na nakatalukbong o nakakumot saakin--- ay saamin pala ni Astrid para hindi kami lamigin, si Draven naman solo sa blanket nyang maliit na sakto lang para sa sarili nya, ito kasing si Astrid malaki yung blanket nya kaya sakto saaming dalawa,

Wow naman sweet naman nang lalaking ito, naisip pa akong kumutan, hahahaha Charrot Lang!

Natulog na ulit ako, dahil malayo panaman ang biyahe...

The Princess (Book 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora