[23] The One With The Surprise Visitor

Start from the beginning
                                    

5PM nang bumaba ako sa visitor’s area ng dorm namin. Magtatanong sana ako kung saan niya nilagay yung mga sinampay ko. Last time kasi nilipad ng hangin yung favorite kong bra. Sayang, regalo pa naman sa’kin ni Mima yon.

“Ate Mel? Asan po yung sinam—“

“Saysay!” a familiar voice shouted behind me.

I froze. Mga taga San Ignacio lang naman ang tumatawag sa’kin ng Saysay. Wala rin akong pinagsabihan dito sa dorm ng nickname ko. Pero.. yung boses na yun.. hindi pwede. Nasa New York siya. I immediately turned around and..

“Oh my god, Mima!!!”

Hindi nga ako nananginip. Nandito na ulit ang nanay ko. After almost six years nandito na ulit siya! She ran towards me and squeezed me into a tight hug. “Say! My goodness, ba’t ang payat mo! Hindi ka ba kumakain?” sabi niya sa’kin. Trust my mom to say food related things first!

Bawal umiyak, yan ang sabi sa’kin ni Mima nung huli kaming nagkita sa airport. Pero ngayon na yakap ko na ulit siya.. hindi ko na napigilan ang luha ko. Six years din ha! Di biro yun! “Mima naman!” inuntog ko ang noo ko sa noo niya. “Kumakain naman ako! Ang dami nga eh!”

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa’kin at kinurot ako sa pisngi. Thank goodness at namana ko ang height ni Papa, hanggang tenga ko lang kasi si Mima. “Yung pisngi at braso mo lang ang tumataba! Sabi sa’yo wag kang masyadong kumain ng noodles!”

“Ba’t di ka nagsabi na uuwi ka?” nagtatampo kong sabi. “Sana nasunod kita sa airport!”

Mima shrugged. “Nasan ang element of surprise dun, ha?” Ayaw lang talaga niya na hinahatid at sinusundo siya sa airports, masyado raw madrama yun at di bagay sa kanya. Baka raw hindi na siya umalis.

Pinagpaalam ko muna kay Ate Mel na papasok si Mima sa kwarto namin ni Kesh. Sayang, wala ang napakagaling kong roommate ngayon dahil shift niya sa café. Once na nakapasok na si Mima sa kwarto namin, humiga siya sa kama ko. Inusog ko siya at sumiksik ako sa tabi niya.

“Ma, hanggang kelan ka dito?”

“One week lang. Malapit na matapos yung renovation ng restaurant tsaka break ko rin from the Academy. Yun lang free time ko.” Sous chef si Mima sa isang restaurant sa New York at nag-aaral din siya sa isang culinary academy dun. Ewan ko ba sa kanya, gustung-gusto talaga niyang matuto.

“Eh pupuntahan mo sina Nana?”

“Yeah. Sa Tuesday ako pupunta sa kanila. C’mon, join me. Absent ka na lang sa klase mo for the whole week!”

Kinurot ko siya sa braso. “Wow ha, parang ikaw yung nagsabi sa’kin na wag akong umabsent!”

“Ehh.. legit naman dahilan mo. Why not? Bakit, excessive ka na ba?”

Ganyan talaga kami mag-usap ni Mima, parang magkapatid lang. Actually, maraming nagugulat kapag sinasabi naming mag-ina kami. Just like Ms. Marisse, maraming nag-aakalang nasa late twenties lang ang nanay ko. Ang totoo niyan, 20 years old lang si Mima nung pinanganak niya ako, at 3rd year college siya nun. I’ve seen some pictures of her after giving birth.. nakakaasar, parang hindi man lang ako dumaan sa buhay niya. Ang payat niya!

Sobrang close kami ni Mima. Ang dami na naming pinagdaanan simula nung mamatay si Papa kaya ganun. Idol ko ‘tong nanay ko eh. Sa kanya ko nakuha yung kakapalan ng mukha, pagiging madaldal, matapang (In a way, though. She’s fiercer than me) at free spirited. Unang tingin mo sa’min para kaming identical twins! Kaso hindi ko namana ang cooking genes niya, hanggang taga-lamon lang talaga ako.

Kung anu-ano ang pinagkwentuhan namin: pagkain, mga crush niya (kaso ayaw na niyang mainlove, kay Papa lang daw siya forever), hilarious moments sa resto, studies ko, sina Nana at San Ignacio.. wala kaming natapos na iisang topic sa sobrang daldal niya. Ate-Mama ko talaga ‘to eh!

The Spaces In BetweenWhere stories live. Discover now