Author's Note

30.4K 590 36
                                    

Ang kuwentong ito ay hango sa pag-iibigan ng dalawang tao na may parehong kasarian. Lalaki sa lalaki, boyxboy, man to man, o kung ano pa ang ibang katawagan. Kaya kung hindi ka komportable sa ganitong uri ng kwento, maaari mo na itong iwan.

Bubuksan ko ang panibagong kuwento na sana ay makapagbigay-aral sa inyo. Hindi ako magaling na manunulat dahil baguhan lang po ako, kaya sana ay maunawaan ninyo kung may makikita man kayong mga pagkakamali sa spelling, grammar at kung ano-ano pa. Ang tanging hangad ko lamang naman ay bigyan ng kasiyahan, aral at inspirasyon ang mga mambabasa. 

Ang mga pangyayari at lugar na mababanggit sa istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Kung may katotohanan man dito, iyon ay tanging mga pangalan lamang na hiniram ko mula sa aking ilang mga mambabasa bilang maging karakter o tauhan.

Mahalagang paunawa: Kung may mga pagkakahawig man ang ilang senaryo rito sa mga kuwentong nabasa na ninyo, hindi ko po iyon sinasadya. Maaaring pareho lang din ang takbo ng aking isip sa isang manunulat na gumawa rin ng sariling niyang akda. Tandaan, ang experience ng ibang tao ay maaaring maging experience ko o maging experience mo. 'Wag solohin ang moment. Charot!

Kung may mga nais kayong i-correct o kaya naman ay itanong, 'wag po sana kayong mahihiya. Hindi po ako nangangagat. Hahahaha! Hangga't kaya rin po ng schedule ko, sumasagot din naman ako sa mga comments na iiwan ninyo. Alam 'yan ng mga taong nakabasa na ng mga isinulat ko. Doon tayo mag-chikahan. Chaarr!!

So, 'yon po, sana ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. Maraming salamat po!

#LoveWins

---- cold_deee

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon