"Ang sabi ko kung pwede ba tayong sabay na magrecess mamaya?" nakangiti nitong usal sa dalaga.

"Ah 'yon ba?" pagtatanong ni Nicole bago humalakhak ng husto. "Hahaha! Wag mo na akong biruin ng ganyan Aaron, kahit hindi mo aminin amoy na amoy ko ang pagkamalansa ng hasang mo."

Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Aaron sa sinabi ng dalaga, kaya mabilis niyang sinagot si Nicole nang,

"A-anong ibig mong s-sabihin Nicole? S-sorry pero hindi kita maintindihan." utal-utal na saad ni Aaron at mababatid mo ang kaba sa itsura nito ngayon dahil sa pamumutla.

"Ateng nasasagap ka ng gay-dar ko, 'wag ka nang magkaila." pambubuska pa ng dalaga habang ang ngiti ay abot hanggang tenga.

Huminga naman ng malalim si Aaron bago hinawakan ang dalaga sa braso sabay sabing, "Wag ka maingay 'te. Front ko lang talaga 'yon, dahil alam kong close kayo ni baby Malcolm ko."

Namilog naman ang mata ni Nicole sa kanyang narinig, kaya mabilis niyang kinurot ito sa tagiliran, "Loka-loka ka bakla, aagawan mo pa ako malandi ka." natatawang saad ng dalaga.

"Oh Em! For real bakla? Type mo rin si baby Malcolm?" mahinang turan nito habang nagpalinga-linga pa sa paligid.

"Hahaha!" halakhak lang ni Nicole rito.

Mabilis namang hinila ni Aaron ang buhok ni Nicole sabay sabing, "Bakla ang ingay ng bungangey mo. Tawanan daw ba ako?"

"Eh kasi naman hindi bagay sa'yo ang maging bakla. Ang gwapo-gwapo mo, bakit ka ba nagpapaka-paminta?" pagtatanong niya pa rito dahil kung titingnan mo ang binata ay may itsura rin naman ito kumpara sa iba.

"Nako bakla, gusto mo bang jombagin ako ng Heneral Luna kong pudrabells, kapag nalaman no'ng juding ang unica hija niya?" natatawang saad pa nito bago nagtawanan ang dalawa.

"Nakakaloka ka bakla. Correction lang ahh, Unico Hijo. Hindi ka po hija." pang-aalaska pa ni Nicole rito bago nag-apir ang dalawa.

"Siya BFF pasok na akis sa loob, chika tayo mamaya sa canteen ahh?" nakangiting usal nito bago humalik sa pisngi ng dalaga.

Nang akmang tatalikod na si Aaron ay mabilis naman itong hinablot ng dalaga sa braso sabay sabing, "Teka BFF, may favor sana ako sa'yo eh." nakangiwing sambit ni Nicole habang napakagat labi pa ng kanyang ibabang labi.

"Ano 'yon BFF?"

Ibinulong naman ni Nicole ang kanyang hinihinging pabor sa binata bago ito nagsalita nang, "What the Ef! BFF kilabutan ka nga." nandidiring saad ni Aaron sa pinakamatinis nitong boses.

"Hoy bakla, baka gusto mong ipagkalat ko ang kalansahan mo sa buong FTHS."

"Grabe ka BFF, i-blackmail daw ba ako?" maarteng wika ni Aaron na pabulong.

"Syempre, desperada na ako. Ayoko nang masaktan pa noh. Mas maganda na habang maaga pa ay malaman ko na kung meron ba o wala di ba?" malungkot na turan ni Nicole bago ito napayuko.

Nakita naman ni Aaron na mukang kailangan nga ni Nicole ang kanyang tulong, kaya't mabilis itong nagsalita nang, "Oh BFF, wag ka nang magdrama d'yan. Oo na pumapayag na ako."

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now