Chapter 17

16.8K 200 0
                                    


NAPAPAGOD na ibinagsak ni Belle ang sarili sa kama. Hinubad ni Grace ang stilettos niya.

"I taught you to love your job. Hindi ko sinabing huwag kang magpahinga," wika ng kanyang ina.

"Gusto ko nang magpahinga, Mom." Nag-fetal position siya.

Sinasadya niyang pagurin ang sarili sa mga performance at rehearsal para sa concert niya sa Cebu upang hindi mabakante ang isip niya. Inuubos din niya ang oras sa studio. Dahil tuwing titigil siya sa kahit na anong ginagawa ay pilit na nagsusumiksik si Walter sa isip niya. At tuwing nangyayari iyon ay nasasaktan siya at napapaiyak.

"Don't be too hard on yourself, darling. Hindi ganyan ang tamang paraan para makalimutan siya. But the question is: are you willing to forget him?"

Napadilat siya. Bahagyang nawala ang pagod niya at napalitan ng inis. "I was betrayed, in case you've forgotten."

"He never meant to do it. At gumawa na siya ng paraan para ayusin ang gulong nangyari. He did his part to save you. Nakita ko na ang last issue ng MuNt. The title of the cover is 'The Editor's Cut.' Siya ang cover." Iniabot ng kanyang ina ang sinasabi nitong magazine.

Hindi niya napigilang haplusin ang cover niyon kung saan naroon ang larawan ni Walter. Pagkatapos ay nanginginig ang mga kamay na binuklat iyon.

The cover was written from his point of view. Tungkol lahat iyon sa pagsisimula at sa pinagdaanan ng magazine. Sinagot niyon ang dahilan kung bakit kailangang magpaalam ng magazine.

Then he talked about her. His side of the story. Nagkuwento ito tungkol sa kung paano sila nagkakilala at nagsimula. Ipinagtanggol siya nito sa mga paratang sa kanya. He described her as dignified. He denied the allegations about his own state of mind. His words were true and heartfelt.

Dahil sa ginawa nito ay maraming nalinaw hinggil sa mga nais niyang ipahayag. Marahil iyon ang dahilan kaya natigil ang mga negative write-up tungkol sa kanya. pati ang news updates ay naging maayos na rin. Tinotoo ni Walter ang ipinangako nito sa kanya. Nararapat na pasalamatan niya ito sa ginawa nito ngunit ang sakit na idinulot ng nangyari ay naroroon pa rin.

"Sweetie, sigurado ka bang kaya mong tagalan ang hindi siya makita at makausap? Tigilan mo na ang ginagawa mo. Do something. Huwag kang magmatigas at magmukmok. Talk to him and tell him how much you miss him," payo ng kanyang ina.

"Sinaktan at niloko niya ako, Mommy."

"Pag-isipan mo muna. Saka ako magdedesisyon kung babalik ka pa ng New York o hindi. Sleep for now."

Kahit nais pang magprotesta ng isip niya ay tinalo pa rin iyon ng pagod at antok kaya pumikit na muli ang mga mata niya nang makitang lumabas na ang kanyang ina.

My Gossip Girl COMPLETED(Published by PHR)Where stories live. Discover now