Chapter 16

16.9K 209 0
                                    


MALAKAS na sampal ang isinalubong ni Belle kay Jed nang makalapit siya rito. Mas maaga itong dumating sa oras na sinabi nitong darating ito sa bahay nila. Ngunit hindi niyon maiibsan ang galit at sakit na nararamdaman niya.

Dahan-dahang humarap ito sa kanya sapo-sapo ang nasaktang pisngi. "Nakikiusap ako sa 'yo, pakinggan mo muna ako. Magpapaliwanag ako. Belle—"

"Damn you, Jed. After what you did? Ang kapal pa ng mukha mo para itanggi ako. Right then and there? And the pictures? Hindi ko alam pero pakiramdam ko, may kinalaman ka sa pagkalat n'on."

"Puwede bang pakinggan mo muna ako? Please. It was Jed."

"Oo nga, ikaw 'yon. At niloko mo ako. I will not be surprised if you would tell that you are a fake. Na kaya ka lang nakipaglapit sa akin ay para makakuha ng interview sa akin."

"Si Jed 'yon at hindi ako."

"Really? At ano? Sasabihin mo na may split personality ka at hindi ako kilala ng katauhan mong 'yon? Or that you have a twin."

"I do."

"What?"

"Oh, dear. Huwag mo 'kong tingnan nang ganyan. Listen to me first. May kakambal ako. Si Jester David, si Jed. He is the skater. Siya rin ang dapat madadatnan mo sa resort. Pero napaaga ang alis niya papunta sa China. At naiwan ako. Then you came along. At... at nagpakilala akong siya."

"You—"

"Alam kong mali. Hindi ako dapat nagpakilala ng gano'n. Inisip ko na kung malalaman mo na wala si Jed do'n, aalis ka. At mawawalan ako ng pagkakataong makilala ka. Kailangan kasi kita."

"Why?"

"My magazine is on its last issue. Binigyan ako ng ultimatum ng publisher na kung hindi papatok ang next cover namin ay ipu-pull out ang MuNt, my magazine."

"How dare you, stupid jerk! Malinaw na ang lahat. Nangyari ang lahat ng ito dahil pinlano mo. Nagpakilala kang si Jed para hindi ko malaman ang totoong motibo mo. You tried to get close to me and convince me to be on your cover. Kasi naman eskandalosa ako, eh. People are eager to read the gossip about me. Good choice, 'di ba? My real story will save your ass! Ginamit mo ako!" umiiyak na bulyaw niya.

"Hindi totoo ang sinasabi mo." Sinubukan siya nitong hawakan ngunit itinulak niya ito. Muli siyang hinawakan nito. Nahagip nito ang mga braso niya at mahigpit na hinawakan ang mga iyon. "Belle..." Nagsusumamo ang tinig nito. "All right, I admit. My initial plan was to do just that. Pero sa una lang 'yon. It was against my will to do it. Kahit iyon pa ang tanging paraan para maisalba ang propesyon ko. Ang akala ko, magagawa ko kaya nakipaglapit ako sa 'yo. pero nang makasama kita, ang daming nagbago. I forgot what I was looking for because of you. Ang mahalaga na lang para sa akin ay makasama ka, ang makita ka. Belle, maniwala ka... hindi ko sinasadyang saktan ka. I would give my heart para mapatunayan na totoo ang sinasabi ko."

Pagkasabi niyon ay pinaglapit nito ang mga noo nila. Hindi siya binibitawan nito. Hindi rin siya gumagalaw. Ngunit kahit gaano man ito kalapit sa kanya, pakiramdam niya ay napakalayo na nila sa isa't isa. Bigla ay hindi niya ito kilala.

"Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Bakit ako? Hindi mo kayang maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sinira mo ang tiwala ko sa 'yo. Ang akala ko ay totoo ang lahat ng ipinakita mo. But I only found out that I'm only a job," luhaang wika niya. Pinilit niyang kumawala rito. Hindi niya gusto ang isang damdaming pilit nagsusumiksik habang malapit siya rito. Naroroon pa rin ang pagmamahal niya para dito kaya marahil lubos siyang nasasaktan ngayon.

"Umalis ka na kung sino ka man. Nakuha mo na ang gusto mo kaya iwan mo na ako." pagkatapos ay naglakad na siya palayo.

"Belle, sandali," pigil nito. Nahabol siya nito at hinawakan ang braso niya ngunit nagpumiglas siya.

"Don't touch me, you fool!"

"Itawag mo na ang gusto mong itawag sa akin, pakinggan mo lang ako. I knew about the pictures."

"Damn it! Umalis ka na." Itinulak niya ito ngunit sadyang mas malakas ito.

"No!"

Napamulagat siya sa ginawa nito. He looked so serious and angry. Ngunit mabilis ding napalis iyon nang makita siya nitong nagulat.

Nagbuga ito ng hangin. "Si Anton ang nagkalat ng mga larawan. Isa siya sa team ko. He took the pictures. Nagalit ako. Nag-away kami kasi nga plano ng magazine na kunin ka para sa cover pero ayaw kong pumayag. Hindi ko sinabi sa kanila na magkakilala tayo dahil alam kong mangyayari ito. Ang akala ko ay hindi niya gagawin. Umalis na siya sa magazine. Online gossip site ang tinawagan ni Anton para ikalat ang mga larawan. Hindi MuNt ang naglabas ng mga 'yon. Paraan din 'yon ni Anton para makaganti sa akin. I'm so sorry kung lalo akong nakagulo. Aalis na ako. Aayusin ko ang gulong ito." Binitawan siya nito.

Nag-iwas siya ng tingin. Kahit ano ang gawin niya ay ayaw tumigil sa pagpatak ng mga luha niya.

"I'm Terrence Warrick Ongpauco. Walter for short. I'm the editor in chief of MuNt Magazine. I'm not a jerk. I just fell in love. 'Yon lang 'yon, Belle. Patawarin mo ako kung nasaktan kita. Pareho lang tayong nasasaktan ngayon. I'm so sorry." Pagkatapos ay mabibilis ang mga hakbang na naglakad na ito palayo.

Luhaang pinanood lang niya ito. Hanggang sa makita niya ang kanyang ina na palapit sa kanya.

"Mom..."

Walang salitang hinila siya nito paakyat sa malaking hagdan habang inaalo siya.

My Gossip Girl COMPLETED(Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon