"Oh? PDA much kayo doon ah!" Sabi ni Jaymie sinamaan ko naman sya ng tingin. Syempre hindi sya nagpaawat pero sya pa rin ang unang umiwas

Umupo na lang ako sa back seat kasi si Leo na ang na daw ang magdri-drive. Nakakahiya daw sa Bride =__=

Katatapos lang ng August At Sept. 3 na ngayon sa Sept. 5 ang kuhanan ng sports ng S.A kaya laking tuwa naman namin at maaabutan namin ang sports doon

Ang alam naman ng 143 sa amin ay lilipat kami ng school sa ibang bansa kaya hindi na namin sila pro-problemahin.

"Pst! Xia!" Malakas na bulong ni Gia

"Bakit?" Tanong ko

"Kailangan ko ng bumalik sa Guardian's Realm Bukas ng Hapon! Kailangan daw ako nina Zaiden doon!" Nagpapanic na sabi nya. Pasimple naman akong lumingon kina Ruster at Dalhia. Pero mukhang busy sila kakacellphone

"H-Ha? Sige! Pumunta ka mamaya sa kwarto ko paguusapan natin iyan!" Sabi ko

"Were Here!" Muntik na akong tumalon palabas ng sasakyan ng sumigaw si Amber. Pero ang nangyare? Nauntog ang ulo ko sa taas ng sasakyan

"Awww!!! It hurts! Huhuhu!!" Sabi ko at hinaplos ang taas ng ulo ko

"Luh?! Xia okay ka lang?!!" Nag aalalang tanong ni Gia/Sofia

"Masakit ang ulo ko!! Huhu!!" Sabi ko

"Yan kasi! Bakit ka kasi tumalon jan? Alam mo namang may bubong dyan tapos tatalon ka pa! Ano ngayon bagong taon?" Sabi ni Raven

"Nagulat kasi sya sa pagsigaw ni Amber kaya napatalon sya sa gulat" paliwanag ni Gia

"Ano bang iniisip mo at ang lalim? Halos mahukay mo na ang bedrock sa lalim e,??" Tanong ni Leo

"Iniisip ko lang kung anong sports ang sasalihan ko doon" palusot ko naman

"Ano nga bang sports ang sasalihan mo?" Tanong ni Summer

"Iniisip ko pa nga" sabi ko at binuksan ang pintuan ng Van. Agad akong lumabas at binuksan ang bahay

Nakita ko namang lumalabas na sila sa Van. Agad kong nilapitan si Jaymie at yumuko sa kanya

"Jaymie, may dugo ba?" Tanong ko

"Huh? Wala naman. Mag ingat ka kasi lagi At Xia punta ka at ni Gia mamaya sa kwarto ko may paguusapan tayo" sabi nya. Nagangat naman ako sa kanya ng tingin

"Ahh okay!" Sabi ko at pumunta na sa kwarto para magbihis ng pambahay

Pagbaba ko nadatnan kong kanya-kanyang gawain nanaman sila. Tsk!Tsk!Tsk!

"Xia. Tara magusap tayo" muntik na akong tumaob sa Railings ng Hagdan sa Pagsulpot ni Gia/Sofia

Uso bang manggulat ngayon? Nakakasura na ah! Papatayin na nila ako sa gulat!

"Sa kwarto tayo ni Jaymie mag usap tara!" Sabi ko at hinila sya sa kwarto ni Jaymie. Kumatok naman ako

"Pasok!" Sigaw ni Jaymie

Pumasok naman agad kami at sinarado ang pinto at ini-lock ito.mahirap na mamaya may pumasok tapos mapakinggan nila yung pinaguusapan namin

"Ano ang paguusapan natin Jaymie?" Tanong ko

"Sino yang nagpapanggap bilang Gia?" Tanong nya

"Si Sofia!" Sabi ko at ngumiti

"Waaa Sofia pahula naman oh!" Sabi ni Jaymie

"Huhulaan kita kapag tutulungan mo ako!" Sabi ni Gia/Sofia

"Ano ba yun?" Tanong nya

"Babalik na kasi sya sa Guardian Realm kaya kailangan nya ng tulong" paliwanag ko sa kanya

"Madali lang namang bumalik doon ah!" Sabi ni Jaymie

"Hindi! Ang ibig nyang sabihin. Babalik ako doon pero paano si Gia? Ano na lang ang gagawin natin para mabalik si Gia?" Pagpapaliwanag nyang muli kay Jaymie

"Sabihin mo lilipat ka ng ibang bansa" Simpleng sabi ni Jaymie

"Pipilitin nila si Gia na makasama natin sya pabalik sa
S.A Jaymie, Pipilitin nilang sumama sya sa atin hanggang sa mapilitan na sya" sabi ko

"Umalis ka sa bahay na ito ng walang paalam sa dis oras ng gabi" sabi ni Jaymie

"Pagaalalahin mo sina Leo Jaymie, at pag nagalala sila pwedeng ma belayed ang ating pagpunta sa S.A sa kakahanap sa kanya" sabi ko

"Sige! Bahala ka! Ako na nga ang tumutulong sayo tapos babarahin mo pa? Bahala ka!" Sigaw ni Jaymie

Naamoy ko naman agad ang hangin nina Dalhia at Ruster na parang napasok sa loob ng kwarto ni Jaymie

Binigyan ko naman ng 'shh' sign sila Jaymie at Gia at tinuro ang pinto mukhang naintindihan nila

Pumasok na ang hangin sa kwarto ni Jaymie at halos hindi na kami makahinga para hindi kami mapakinggan ng hangin na iyon

Nakita ko naman sa Air Vision ko na gagamit yung Hangin ng Silent eye. Ang silent eye ay yung makikita nila kami gamit ang hangin

Agad kong hinila si Gia sa kama ni Jaymie at hinila si Jaymie pahiga ng kama ng walang ingay.

Ay! Meron palang Ingay! Kaya nga nagmamdaling magtransform yung hangin na maging mata

"Anong problema mo?" Mahinang bulong ni Jaymie at mukhang napakinggan ni Gia kaya lumapit sa amin

"Silent Eye" sabi ko na lang ng makita ko sa Air Vision ko na naging Korteng mata na yung Asul at Pink na hangin ang asul ay kay Ruster at ang pink ay kay Dalhia

Nagkunwari naman kaming tulog at ramdam na ramdam ko ang matang nakatingin sa amin. Binigyan ko na rin sila nfmg Air Vision para makita nila yung mga mata

Naramdaman ko namang gumalaw si Jaymie kaya binuksan ko ng konti ang mata ko. Nakita kong haharap sya sa akin kaya kunwari ako'y tulog na humarap kay Sofia. Pero si Sofia naman ay humarap sa kabila kaya lahat kami nakatingin sa Pakanan. Tapos nasa kaliwa naman yung dalawang mata.

Bigla namang lumipat sa harap ni Sofia yung mga mata. Agad namang humarap sa akin si Sofia. Humarap naman ako kay Jaymie pero humarap naman sa kabila si Jaymie kaya pa kaliwa naman ang tingin namin.

Bigla namang lumipat yung pink na mata kay Jaymie humarap naman sya sa akin. Humarap naman ako kay Sofia. Humarap naman si Sofia sa kabila pero sandali lang iyon dahil bigla syang dumapa sa higaan kaya nakita ko yung asul na mata sa kanan nya agad naman rin akong dumapa. Naramdaman ko namang dumapa na rin si Jaymie kaya pareho na kaming nakadapa

Lord! Kung nakikita nyo kami ngayon tulungan nyo po kami!!

Sparkler Academy: School Of Magic UsersWhere stories live. Discover now