“Eh bakit… ano ka ba?”

Oo nga naman. Ano ba kasi ako?

Saka lang nag sink in sa kin na ako yung mali, na ako yung nag assume, na wala nga naman akong karapatan mag gagaganito.

Bigla akong nateary-eyed.

“Uy! Uy! Hala to!” Biglang nag panic si Allen. “Joke lang naman yon!”

“Eh totoo eh,” sabi ko habang umiiyak na teary-eyed na mukha akong ewan. Narinig ako ng ibang mga kaklase ko, at tinanong nila ako kung anong meron. Sabi ko, wala. Pabiro ni Allen na inaway ko daw siya.

“Hala to! Sa apat na taong magkaklase tayo, ngayon ka lang umiyak!” Gulat na sinabi ni Allen. “Ikaw pa ba talaga yan?”

“Seryoso ka ba sa tanong mo?”

“Wala. Nagulat ako na si Theo lang pala magpapabago sayo.”

“Grabe ka.”

Napabuntong hininga ako at naisip ko ulit yung Bea at kung anong ginawa nila after ng intrams. Na baka nag-enjoy sila habang ako, nagngangangawa.

“Eh di sige na, siya na may Bea. Ako na ang siya lang meron ako, na pataasan pa kami ng pride,” sabi ko.

“I think, between you at yung Bea, mas pipiliin ka niya. Ewan ko lang ha. Sa nakikita ko,” sagot ni Allen.

“Alam mo, okay lang naman na hindi niya ako piliin eh. Pero sana, ako pa rin.”

“Usually, yung after ng ‘pero’ yung stronger statement.”

Nginitian na lang ako ni Allen at tinapik yung likod ko at nag-sorry kung medyo harsh (pero totoo) yung sinabi niya.

Pagdating ni Theo, nakita niya ata ako na umiiyak. Tumalikod ako kasi una… anong sasabihin ko sa kanya… na umiyak ako dahil sa kanya?!

Pero nung akala ko papansinin man lang niya ako, hindi man lang niya ako pinuntahan. Andon lang siya kasama yung iba. Si Paul pa yung pumunta.

“Uy, bakit?” tanong ni Paul. Nainis lang ako lalo.

“Wala, wala.”

Bigla niyang bulong, “Tingnan mo cellphone mo mamaya ha.”

Mamaya? Bakit?

Tapos nagulat ako nang bigla niyang tinapik ulo ko na parang bata. Napangiti ako sa ginawa niya, at nagulat naman si Allen sa ginawa ni Paul.

“Huy,” bulong ni Allen pag-alis ni Paul. “May something na ba kayo?”

“Anong something? Mag tigil-tigil ka nga.”
“Eh ano yon? Ano yon?!”
“Alam na ni Paul yung totoo.”
“What the f—?!”

Nag-umpisa na yung klase bago pa man ako nag-explain. Umupo na ulit si Theo sa harap ko, at ganon pa rin, hindi pa rin kami nag-uusap.

Kalagitnaan ng klase, halos bago mag lunch, tuloy-tuloy yung vibrate ng phone ko. Hindi ako usually sumisilip kapag nagkaklase, pero dahil tuloy-tuloy, tiningnan ko na.

Pagtingin ko, si Paul pala.

PAUL
Tinanong niya kung anong problema mo. Sabi ko di ko alam.
11:42

PAUL
Tinanong niya kung ako. Sabi ko baka siya.
11:43

PAUL
Pinapunta niya ako. Tinanong ko bat ako. Bat di siya.
11:43

PAUL
Sabi niya ako kailangan mo. Sabi ko wala naman akong business don baka personal.
11:44

PAUL
Pero sabi niya punta ako. Sabi ko bakit eh ayoko nga.
11:44

Lost and FoundWhere stories live. Discover now