"Kung ganoon pala, bakit dinala mo ako dito?" aniya at naupo na rin sa tabi nito.

"Kasi alam kong magiging masaya ka kapag nakita mo ito. At hindi ko magagawang ipagdamot sa iyo ang isang bagay na makakapagpasaya sa iyo. Mula nang maging kaibigan kita, nasaksihan ko ang kaligayahang gumuguhit sa iyo sa tuwing makakakita ka ng magandang tanawin. Parang napakadali lang para sa iyo ang maging masaya by just merely seeing a natural beauty like this. And I somewhat realize that you're a perfect princess for this paradise. A princess that would surely took care of it the way this place deserved."

"Hey, are you okay?" tanong nito sa kaniya dahilan upang manumbalik siya sa kasalukuyan.

"A-ah, yes. T-teka malapit na ba tayo?"

Ngumiti lamang ito at tahimik na uling nagmaneho. Napagpasyahan niyang buksan na lamang ang radyo upang kahit paano ay may pumaimbabaw namang ingay sa loob ng kaniyang sasakyan. Mahirap na at baka maglakbay na naman ang kaniyang isipan at sa kung saang alaala na naman siya makarating. Hindi naman sa sinasabi niyang ayaw niya nang balikan ang mga iyon dahil gusto niyang makalimot kundi dahil ayaw niyang mahalata pa nito kung anong naalala niya.

I've been living with a shadow over head.
I've been sleeping with a cloud above my bed.
I've been lonely for so long, trapped in the past I just can't seem to move on.

Napagpasyahan niyang patayin na lang muli ang radyo dahil para namang nang-aasar ang kantang pumailanlang. Kakatwa lang dahil parang nagsilbing boses niya ang lyrics ng kanta. Paano ba nalaman ng radio dj na iyon ang kasalukuyang nararamdaman niya ngayon? That she's already trapped in the past and is not yet moved on!

"ANONG ginagawa mo?" tanong ni Luke kay Sydney nang mapansing papatayin nito ang radyo. Napangiti naman siya nang makita ang reaksiyon nito. Para itong bata na nahuli ng teacher na nangongopya sa exam.

"Ah... Ang pangit kasi ng kanta. Saka ang ingay, alam mo 'yon? Ang ingay kasi! Tama ang ingay ng kanta kaya papatayin ko na lang."

Mas lalo lamang lumapad ang ngiti niya nang makitang humalukipkip ito sa halip na patayin ng tuluyan ang radyo.

"I've been hiding all my hopes and dreams away. Just in case I ever need them again someday. I've been setting aside time, to clear a little space in the corner of my mind..." wala sa tonong kanta niya. Imbes na mailang sa paraan ng pagkakakanta ay mas naaliw pa siya. Lalo pa ngayong bumabaha na ng mga tawa ni Sydney ang loob ng sasakyan.

"Enough, Luke! Hindi mo kailangang ipamukha how professional singer you are. Matagal ko nang alam na wala kang katulad. Kaya please lang, ibaon mo na sa hukay iyang natatago mong yaman!" anito at nagpatuloy sa pagtawa. Napapahawak na rin ito sa tiyan nito na para bang sumasakit na sa kakatawa.

Those laughters, I miss it too. Pasimpleng nilingon niya ito at nakangiting ibinalik niya ang pansin sa kalsada.

"GUSTO mo bang marinig ang taong tatalo sa kagalingan mo?" nakangising tanong niya nang sa wakas ay hindi na rin ito umulit pa sa pagkanta.

Nakapokus lamang ang tingin nito sa kalsada at hindi siya sigurado kung narinig nito ang suhestiyon niya. Wala kasi itong naging sagot sa sinabi niya kaya pinili na lang niyang manahimik muli at humalukipkip.

All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love.

"Bakit nanahimik ka riyan?" kalaunay tanong nito sa kaniya. Wala sa sariling napatuwid siya nang pagkakaupo dahilan na rin sa gulat na kinausap siya nito. Akala talaga niya ay napikon ito nang pagtawanan niya ito matapos kumanta, kaya nga hindi nito pinansin ang suhestiyon niya kanina.

My Man in the Mirror (✔)Where stories live. Discover now