• KABANATA 12 : Special Test •

214 3 0
                                    


- Third person point of view -

"Gusto ko lang naman na sumunod ka sa kasunduan natin mahirap ba yun?"

"Di ko na kaya ang pang-ba-blackmail mo ayaw ko na ."

"Haha sige sasabihin ko sa principal ang ginawa mo mahuhuli ka at wala ng sinuman ang tatangkilik sa sinungaling na kagaya mo! Matalino? Nagpapatawa sila ayaw mong natataasan ka ng iba . Ang top sa klase ng 'class 111' Ay isang sinungaling at mandaraya gusto mo bang maging headline yun?"

Nagdilim ang paningin niya at dahan dahan na lumakad palapit sa babae.

"Teka anong ginagawa mo dyan ka lang!"

Pero lumapit parin siya at napahinto ang babae na nasa kanyang harapan ng mapansin nito na nasa railing na siya ng rooftop.

"Anong gagawin mo ha? ".."Di mo na ulit ako maloloko Cristine nakikita mo ba yang patag na sementadong sa baba, yan ang magsisilbi mong huling hantungan ."

"Tinatakot mo ba ako ?"

"Hindi kita tinatakot Cristine ang sinasabi ko lang Ay totoo ."

Lumapit pa siya ng lumapit hangang sa wala nang maaring ihakbang ang babae at unti unti nang bumigay ang pagkakahawak nito sa railings .

"Wag parang awa mo na hindi na kita guguluhin muli wag mo lang akong hayaang mahulog."

"Alam mo nakakatuwang panoorin ka mag makaawa sa harapan ko Cristine ganito rin siguro ang naramdaman mo nung paulit ulit akong nag makaawa sayo! ."

"Wag please ,wag maaawa ka "

Tinulak niya ito at wala siyang ni isang narinig kundi ang sigaw ng mga istudyante sa baba ,dali dali siyang umalis sa rooftop at nag punta sa C.R .Nanginginig ang buo niyang katawan 'Kailangan mo gawin yon wala kang kasalanan' sabi niya sa kanyang sarili.

Masama ako ? Ginawa ko rin yun para sa taong pinaka mamahal ko masisi ba nila ako .

- Ashley's Point of View -

Naalala ko ang balita kahapon totoong meron ngang namatay si Alex di ko siya gaano kakilala dahil lagi lang itong tahimik sa isang sulok sa silid .

Pagbaba ko ng hallway may nakita akong butterfly lumapit Ito sa akin hindi ko alam parang gusto nitong sundan ko siya kaya sinundan ko ito palabas sinundan ko ito ng tingin habang lumipad ito pataas .

Ang ngiti ko'y nawala ng titigan kong mabuti kung ano iyong bagay na nahuhulog  palapit na ito ng palapit sa aakin na diskubre ko na hindi pala ito bagay, ibon o ano man.

Para bang nag slow motion' ang lahat pati na ang pagbagsak niya .

'AHHHHHH!'

'AHHHH!'

'MAY NAHULOG TULONG'

'TULUNGAN NIYO SIYA !'

Sigaw ng lahat ang aking narinig totoo ba ito? ,nanghina ang aking mga tuhod at paa at  na pa upo purong takot ang aking nadama
tinitigan ko siyang mabuti ang dugo niya ay dumaloy sa sahig at ang mukha niya ay di na mamukhaan dahil sa pinsala ng pagkabagsak niya.

The Class 111 Where stories live. Discover now