• KABANATA 10 : Nightmare •

333 8 1
                                    


-Reggie's Point of View-

Classes starts again dahil hinayaan na nila ang mga pulis ang humanap sa mga kaklase namin kahit na ganon di parin ako mapalagay dahil kahit anong oras ay pwedeng may mangyari .

--BELL RINGS--

At nagumpisa na ang klase namin first period History walang may pakialam sa subject na ito kaya wala narin akong inaasahan na may makikinig manlang as usual lahat ng mga kaklase ko ay tulog o may nakalagay na mga headphones sa tenga
at ang guro namin wala rin namang pakialam samin pera ang gusto nila para saan pa at ini-enroll kami sa magandang eskwelahan diba .

Narinig kong parang may tumawag sakin mula sa likod .

Akala ko ay guniguni ko lang kaya di ko pinansin maya maya pa narinig ko nanaman.

"Reggie.."

Kaya lumingon ako kung saan nanggagaling ang tumatawag nakita ko na may nakasilip sa may pinto kaya agad akong pumunta dun nagtataka ako bakit walang nakakarinig lumabas ako ng room at nakita ang taong naka maskara sinundan ko siya kahit ngayon palang ay nanginginig na ako sa takot .

Sa hallway walang tao at medyo madilim bigla siyang lumiko at diretso sa paglakad kaya sinundan ko ulit pagkaliko ko nakita ko siya nakatingin sakin at bigla nalang nagpatay bukas ang ilaw sa hallway maya maya pa humahakbang na siya papunta sakin gusto ko na tumakbo nun palapit na siya ng palapit kaya tumakbo na ako hingal na hingal na ako sa kakatakbo at naramdaman kong walang ng sumusunod sakin tinignan ko ang paligid .

Nang may tumulak sakin at napasandal ako sa pader hinawakan niya ako sa leeg na katitig na siya sakin

"Reggie ." Tinawag niya ako iyon pinakanakakatakot na boses na narinig ko .

"Reggie DIE!." At tumawa ,may nakita akong batang lalaki sa likod niya na tumakbo may dugo ang damit at nagtago .

"Reggie Reggie Reggie." Tumawa siya ng sobrang lakas at akma na niya akong sasaksakin .

"WAG!?!."

"REGGIE! Natulog ka na nga sisigaw ka pa sa klase ko !" sabi ng prof.

Pawisang pawisan ako panaginip lang ang lahat halos lahat sila nakatingin sakin nakita ko si Ashley para siyang naguguluhan since nasaharap ko siya, panaginip lang ang lahat pero takot na takot ako .

Isinarado ko ang libro ko at agad na umalis sa classroom agad akong pumunta sa restroom at naghilamos medyo gumaan ang loob ko ng maramdaman ko ang tubig sa mukha ko napapaisip ako at natatakot sa panaginip na iyon parang totoo ang lahat hindi ko inaakalang nakatulog lang ako .

_________________________________


The Class 111 Where stories live. Discover now