Third Person's POV
Taas-noong tinitigan ni Athena ang higit isanlibong talampakang talon na unti-unting nawawalan ng kislap.
Ang Daydream Waterfall na dating kasing-linaw ng araw at malakristal na tubig nito'y bumabagsak na parang itim na tintang nakababawas sa kalinawan ng paligid. Para sa kanya, napakasakit panoorin ang unti-unting paglabo ng tubig ng talon. Paano ba naman, ito ang nagsisilbing palipasan ng oras ng mga Lovelies sa Loveland. Ang talon ang nagsisilbing panaginip nila habang gising.
Kanila lamang tititigan ang kanilang imahe sa malinaw na tubig nito't makikita nila ang nais nilang makamtan ngunit malabo na itong mangyayari para sa kanila.
"Nagaganap na ang unang yugto sa propesiya, Athena" sambit ni Jin, isa sa mga Lovelies na siyang itinuring niyang bestfriend. Nababatid ni Athena na may pag-aalala sa mga mata ni Jin para sa Loveland. Hindi nalalayong pareho sila ng nararamdaman.
"Malapit nang mag-alas dose ng gabi..... dapat magsaya ka"
"Paano naman ako magiging masaya?"
"Wag mong sabihin sakin na wala kang naaalala?" di niya makapaniwalang tanong na tinugunan lamang ni Athena ng isang kunot-noo.
"Ano ba ang dapat kong alalahanin?" wala sa puwang niyang tanong.
Napakamot na lang ng batok si Jin sa sobrang makakalimutin ni Athena. 'Ano ba yan, eighteen palang ulyanin na'
Bago pa man din siya magsalita ay lumuhod siya sa harap ng talon at hinawi ang itim na tubig gamit ang kanang kamay. Muli siyang bumalik sa pagtayo nang wala siyang anumang nakitang imahe ng kanyang panaginip at pangarap.
"Di na talaga pwedeng managinip nang gising sa talon na ito. Sana maging maayos parin ang selebrasyon mamayang alas-dose.... Sana maging masaya ang kaarawan nating lahat"
Mula sa sinabi ni Jin ay saka niya lamang napagtantong ikalabing-apat ng Pebrero ang kaarawan nilang mga Lovelies sa lupain ng pag-ibig. Higit pa sa selebrasyon ng kaarawan ay ang pagkakaroon ng bagong tauhan o rebirth ng mga taong busilak ang puso na namatay sa lupa at magiging ganap na people of Loveland o samakatuwid ay magiging ganap na Lovelies. Tuwing Ikalabing-apat ng Pebrero ay higit sa lima o sampu ang naisisilang muli at marahil lahat ay excited sa pagkakaroon ng bagong mga kapatid.
"Tama ka Jin! Dalawang minuto na lang at kaarawan na nating lahat. Kailangan na nating magtipun-tipon sa Rebirth Hall!"
Sa mga oras na iyon, nagsimula nang tumunog ang kampanang nakasabit sa itaas ng limandaang talampakang orasang ginto. Lahat ng mga lovelies ay nagtipun-tipon sa harap ng golden watchtower sa kalagitnaan ng Heart of Floresmus o ang bulwagang hugis pusong napapalibutan ng bulaklak. Hindi sila magkamayaw sa sobrang tuwa na binabati ang bawat isa ng maligayang kaarawan.
"Happy birthday, Athena" bulong ni Jin na ipinakita ang nagniningning niyang ngiti.
"Happy birthday too, Jin" pabalik niyang bati saka niyakap nang mahigpit ang pinakamatalik niyang kaibigan.
Agad din nilang binitawan ang isa't-isa nang tawagin ni Mrs. Sweet Pea ang atensyon ng lahat ng lovelies na magarang nagsuot ng kulay puting mga damit. Si Sweet Pea ang natitirang tagapamahala ng buong loveland. Bago pa man mag-umpisa ang selebrasyon ay binati niya ang lahat ng isang maligayang kaarawan. Naging mahaba ang talumpati niya para sa mga lovelies. Hanggang sa muli niyang tinanggal ang pulang bato sa pendant ng kanyang kwintas.
"Magdiwang kayo! Sapagkat makikilala na nati ang mga bagong kapatid na magtatakdang palaganapin ang pagmamahal sa mundo!"
Sabay-sabay na pumalakpak at humiyaw ang mga lovelies nang inilapat ni Pea ang pulang bato sa hugis pusong butas sa pinto ng golden watchtower. Unti-unti namang nagliwanag ang kabuuang estruktura ng orasan.
YOU ARE READING
LOST ARROWS
RomanceLove hasn't been the authority when it comes to feelings. Other emotions seemed to rule most of the people's hearts making them drown to being the bad version of themselves. Hatred. A contagious feeling and an enormous emotion taking over the world...
