Chapter 29 - Graduation Speech

Start from the beginning
                                    

Sa enteblado, kapansin-pansin naman ang apat na upuan para sa matataas na tao sa eskwelahan kabilang na nga dito ang principal. At sa bandang unahan, sa gitna, ay nakatayo doon ang podium na may logo rin ng Don Diego’s Academy sa harapan habang napapalibutan rin ng mga puting bulaklak.

Ilang sandali pa, matapos ang pagurang pag-aayos ng disenyo, ng lights, ng sound system at technicalities, ay nagsidatingan narin ang mga magtatatapos na estudyante ng Don Diego’s Academy habang nakasuot ng kulay asul na toga. May iba, suot-suot na agad ang graduation caps, ang iba naman ay hawak-hawak lang ito.

Sakto naman sapagkat dumating narin si Tommy kasama naman ang nanay at kapatid nitong si Henry. Lumingon siya upang hanapin ang mga kaibigan ngunit si Pierre lang ang kanyang nakita. Dali-dali naman siyang nagpaalam upang puntahan ang kaibigan.

“O sige, dun lang kami ng kapatid mo uupo,” sabi ni Mrs. Acas.

Agad namang lumapit si Tommy kay Pierre at kinamusta niya rin ang mga kasama nito.

“Ma, ito nga pala si Tommy,” sabi ni Pierre.

“Oh! Hello Tommy,” mabait na pagbati ng nanay ni Pierre kay Tommy. “Pogi mo pala ha.”

“Salamat po,” masaya namang sagot ni Tommy.

“Huy, nasan na yung iba? Nakita mo ba?” tanong ni Pierre.

“Di pa nga eh. Ikaw palang nakikita ko,” sagot naman ni Tommy. “Hanapin kaya natin sila?” anyaya niya.

Pumayag naman agad-agad si Pierre at nagpaalam muna sa kanyang mga magulang. Pagkatapos nito’y umalis na sila ni Tommy upang hanapin pa ang kanilang mga kaibigan.

At doon, sa bandang gilid ay natanaw agad ni Tommy si Armand na kasama naman si Orli. Dala ng tuwa ay dali-dali nilang pinuntahan ang dalawa na labis rin namang ikinatuwa nila Orli. Nag-usap sila, nagkamustahan, pinakilala ang mga magulang sa kaibigan, ngunit sa huli ay iisang tao parin ang kanilang hinanap, si Macario.

“Saan na nga pala yung kumag na yun?” tanong naman ni Orli.

“Alam mo naman, graduation, valedictorian, siyempre maghahanda yun ng todo. Mga ganitong klase ng okasyon, siyempre di niya uurungan ‘to,” sabi naman ni Pierre.

Nagtawanan naman silang lahat pagkatapos nito. Maya-maya, biglang napasigaw naman sa tuwa si Armand nang nakita niya si Raisa papasok sa school gate kasama ang mga magulang nito at dalawa niyang kapatid na lalaki. Sa excitement ay dali-daling pinuntahan ni Tommy ang dalaga na nagdahilan naman para mapahinto sa paglalakad ang pamilya ni Raisa.

“Hi,” medyo nahihiyang kamusta ni Tommy.

“Oh, Tommy!” sabi naman ni Raisa na may kasamang ngiti.

Ang nanay ni Raisa ay nagulat ng marinig niya ang pangalang “Tommy.” Dala narin siguro ng curiosity kung bakit bigla siyang sumingit sa kamustahan ng dalawa.

“Tommy? Siya ba yun?”

“Opo,” medyo nahihiyang sagot ni Raisa.

Si Tommy na kinabahan rin sa tono ng nanay ni Raisa ay napalunok ng laway. Bigla rin siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan at pakiramdam niya’y nalunok niya rin ata ang kanyang sariling dila. Mas lalo pa siyang kinabahan lalo pa’t mukhang inoobserbahan siya ng mabuti ng nanay ni Raisa.

“Hmmm..., guwapo ha. Ang galing mong pumili,” biro pa ni Mrs. Diaz.

“Ma!” sabi naman ni Raisa.

Natuwa si Tommy sa sinabi ng ginang at napangiti. Ngunit di parin nawawala sa tono ng pananalita niya at kaba at takot. “Good afternoon po,” sabi niya naman.

TropaWhere stories live. Discover now