Chapter 29 - Graduation Speech

181 10 2
                                    

“Ready ka na ba?” tanong ni Aling Merly habang inaayusan ang anak sa pagsuot ng graduation toga.

“Opo ma, kanina pa ako ready. Ikaw lang ‘tong di mapakali na ayusin yung buhok ko eh,” reklamo naman ni Macario.

“Eh bakit ba kasi? Siyempre, aakyat ka ng stage gusto ko maging guwapo ka naman! Itong batang to, minsan na nga lang kitang ayusan eh!” sabi naman ni Aling Merly.

“Guwapo? HA! Ako pa sinabihan mo niyan ma, eh di mo na ako kailangang ayusan pa ng ganyan kasi matagal na akong guwapo no. Oh, tignan mo sa salamin, guwapo ko diba?” sabay pose sa harap ng salamin na animo’y parang action star.

“Wait, wait, nasusuka ako, nasusuka ako,” biro naman ni Aling Merly habang sinasakal ang sariling leeg.

“POGI!” sabi naman ni Ben nang bigla siyang pumasok sa kuwarto ng kanyag kuya habang nakaturo pa ito sa reflection ni Macario sa salamin. “POGI!” ulit ng bata.

“See ma! Maski si Ben oh, sabi niya pogi ko daw!” tuwang-tuwang sabi ni Macario. Dahil dito, pinapunta niya sa kanya si Ben at binitbit. “Sige nga Ben, sino ulit pogi?”

“POGI!” sabi ulit ni Ben habang nakaturo kay Macario.

“Macario,” biglang sabi ni Aling Merly. Napalingon si Macario sa ina ngunit nabigla siya sa nakita. Nakahawak kasi ang ginang sa kanyang noo at animo’y di makalakad ng mabuti.

“Ma?” medyo kabadong tono ni Macario.

“Macario, s-sandali,” medyo nahihirapang sabi ni Aling Merly.

“Ma!”

“Nahihilo ako,” sabi ni Aling Merly at nagsimula ng kapusin sa paghinga. “Nahilo ako.”

“Ma, saglit lang, kuhanan muna kita ng tubig,” binaba niya sa pagkabitbit ang walang kamalay-malay na si Ben tsaka nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Kinakabahan siya dahil di  niya alam kung anong nangyayari sa ina.

“Kuhanan mo rin ako ng gamot sa hilo Macario, nahihilo kasi ako sa kaguwapuhan mo! HAHAHAHAHAH!” sigaw ng malakas ni Aling Merly. Napahiyaw rin naman sa tawa si Ben kahit na di naman niya naiintindihan ang nangyayari.

“Nakakahilo eh sobra!” biro pa ni Aling Merly. Tumawa siya at kinuha niya si Ben upang ayusan ng damit. “Hay nako,” dagdag ng ginang.

“Ma naman eh!” galit na sigaw ni Macario mula sa kusina.

Samantala, sa Don Diego’s Academy ay abalang-abala ang bawat guro, ang bawat janitor at janitress at ang mga event organizers na ayusin ang buong quadrangle na paggaganapan ng event. Ngayon araw kasi idaraos ang taunang graduation ceremony para sa mga magtatapos na estudyante ng grade 12.

Dahil sa asul ang tema ng Don Diego’s Academy, halos lahat na siguro ng disenyo na makikita mo sa paligid ay umuulan ng kulay asul. Ang mga upuan na nakataklob sa asul na tela ay mayroong mga nakatuping crepe paper na puti na pinagmukhang bulaklak ang nakadikit sa mga likuran.

Kung mayroong red carpet, sa Don Diego’s naman ay blue carpet. Ito ay nakalatag sa gitna na naghihiwalay sa dalawang grupo ng mga upuan sa kaliwa at sa kanan. Sa gilid naman ng carpet ay may mga bulaklak na nakalagay sa sosyaling bamboo tiki.

Ngunit ang agaw pansin sa lahat ay ang stage na kung saan ay mas lalong  pinaganda kumpara sa normal na itsura lamang nito. Sa baba ng stage, makikita mo ang sobrang daming bulaklak na nakapalibot ditong kulay asul at kulay puti. Mas lalo pang naging kaaya-aya ito sa mata sapagkat nakaayos ito ng napakaganda.

Ang background ng stage ay isang napakalaking asul na kurtinang madalas mo lamang makita sa mga panteatrong palabas. Sa kanan at sa kaliwa naman nito ay makikita mo ang dalawang patayong banner kung saan nakalagay ang logo ng Don Diego’s Academy. Sa baba naman ng logo ay nakalagay ang pangalan ng eskuwelahan (sa kaliwang banner) at “Graduation Ceremony” na makikita naman sa kanang banner.

TropaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon