His Smile❤-Jin

283 10 1
                                    

Hawak hawak niya ang kamay mo habang dinadala ka niya papunta sa stall ng Ice Cream. Pagkadating niyo sa stall umorder kaagad siya ng tatlong ice cream. Nagtaka ka kung bakit tatlong ice cream ang inorder niya.

Tinanong mo siya kung bakit tatlong ice cream ang inorder niya. Tumawa siya ng napaka lakas sabay hawak sa tyan. Y/N edi dalawa sakin sayo isa. Ahahahahaha. Wala ka nang nagawa dahil napaka takaw ng boyfriend mo kaya umoo ka nalang.

Pag kaabot ng ice cream sainyo kinuha niya kaagad ang dalawang ice cream samantalang iniwan niya yung sayo. Nainis ka kase di niya inabot sayo yung ice cream mo. Kaya kinuha mo nalang kay Ate ang ice cream mo.

Minamasdan mo siya habang kumakain ng ice cream. Para siyang bata kase ang amos-amos niya. Di mo napigilang tumawa habang siya abalang abala sa pagubos ng ice cream. 1 minuto lang ang lumipas ubos na kaagad niya ang ice cream niya samantalang ikaw wala pa sa kalahati. Tumingin siya sayo na parang gusto pang hingin ang ice cream mo pero dinedma mo lang siya.

Naglakad lakad muna kayo sa park habang inuubos mo ang ice cream mo. Hawak hawak niya ang kaliwa mong kamay habang naghahanap ng bench.Nang makahanap kayo umupo siya at ganon ka den.

Sa wakas naubos mo na rin ang ice cream mo. Tinignan ka niya at hinawakan muli ang kamay mo. Tumingin ka sakanya. Ngumiti siya sayo at ganon din ang ginawa mo.

Nakaakbay siya sayo habang hinihintay niyong lumubog ang araw."Y/N mahal ba ako?!"Tumingin ka sakanya at sinabing"Mahal na mahal"

Nginitian ka niya at hinalikan ka niya sa noo.Sa halik niyang yong pinaparamdam niya sayo kung gaano ka niya pahalagahan,ingatan,at proteksyonan.

Salamat sa lahat Y/N.Sa pag intindi sakin kahit makulet ako,sa walang sawang pagmamahal mo sakin. Promise ko sayo tayo hanggang dulo. Nginitian ka niya ulit at niyakap ka niya ng napakahigpit,yung damang dama mo na ang tibok ng puso niya na pangalan mo ang sinisigaw.

Y/N mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko. Pangako ko sayo ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Ngumiti ka at naisip mo na napaka swerte mo kay Jin."Mahal na mahal din kita Jin",sabi mo sakanya.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Author's Note
Sorry guyss kung matagal akong di nakapag update medyo busy ako eh.Hahaha.Sorry kung maikli.Love lotss ARMYs<3

Bangtan Imagines (ONE SHOTS) // TagalogWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu