Bangtan after 20 years💔 (Bonus Chapter)

2.1K 45 15
                                    

Now Playing: Spring day

(Iplay niyo yung Spring day para mas madama niyo🙂)

Naka upo ka sa bench ng isang park sa South Korea at suot suot mo ang favorite mong T shirt na may nakalagay na BTS and ARMY forever.

Hawak hawak mo ang litrato ng pitong lalaking minahal mo ng lubusan, nagpakilig, nagpatili, nagpasaya, at inidolo mo. Habang tinititigan mo ito pumatak sa litrato ang luha mo. Naalala mo yung panahong sama sama sila, nagtatawanan, nagbibiruan, naghaharutan, nagdadamayan.

Lahat ng ginawa nila noon unti unting bumabalik sa isip mo. Sa puntong iyon di mo na napigilan ang pag iyak mo kasi sobrang miss na miss mo na sila. Miss mo na lahat sakanila. Habang umiiyak ka may pitong lalaking lumapit sayo at hinawakan ni Namjoon ang balikat mo at tinanong niya kung Ok ka lang.

Dahan dahan mong inangat ang ulo mo at nagulat ka dahil nakita mo ang pitong lalaking minahal mo ng husto na nasa harap mo.

Sinagot mo si Namjoon na Ok ka lang ngunit ang totoo ay hindi. Nakita nila ang damit mo at sinabi nila sayo patawad. Patawad kasi di nila natupad yung pangako nilang sila habang buhay. Humagulgol ka ulit at sinabi sakanilang "sana bumalik ulit kayo"

Tumungo lang sila at humingi ulit ng tawad at sinabing hindi na pwede. Hindi na pwede dahil masyado nang komplikado ang lahat. May kanya kanya na silang pamilya at anak at masaya na sila sa buhay nila. Mas lalong lumungkot ang muka mo at sinabi sakanilang "ano pa nga bang magagawa ko?! May kanya kanya na kayong pamilya at alam kong mahalaga sila para sainyo kaya tatanggapin ko nalang na di na ulit kayo mabubuo"

Natandaan mo pa na pinanatili mong empty ang ring finger mo para sakanila pero di naman ikaw ang napangasawa nila, ganon mo sila kamahal.

Di mo na kinaya ang sakit na nararamdaman mo at tumigin ka sa kanila at nag sorry ka at biglang tumakbo.

Tumakbo ka sa isang parte ng park na walang tao kundi ikaw. Damang dama mo ang lungkot sa paligid mo. Umiyak ka ng umiyak hanggang sa napagpasyahan mong umuwi na.

Habang naglalakad ka sa park nakita mo ulit sila at sinabi mong "I will love you no matter what happens. BTS and ARMY foreverrr!!" Nilapitan ka nila at niyakap ka nila, ganon din ang ginawa mo.

Nagpasalamat sila sayo sa pag suporta mo sakanila kahit anong mangyari, Sa pagmamahal mo sakanila ng taos puso, at sa pagiging ARMY.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Author's Note:
Naiiyak talaga ako habang sinusulat ko to,kasi alam ko mangyayari din to isang araw,na magkakahiwalay-hiwalay sila. BTS and ARMYs Forever<3

Bangtan Imagines (ONE SHOTS) // TagalogWhere stories live. Discover now