Chapter 1: New World

12.9K 355 19
                                        

10 years. Sampung taong pag lalaro at sampung taong pag kakaibigan, bigla nalang naglaho.

Divine Glory!

Ito ang huling salitang naaalala ni Ace  matapos niyang matalo ang Final Boss.

You received 789,999 damage.

You died.

Hindi lubos maisip ni Ace na sa huling oras na matalo niya ang final boss ay ito na din ang kanyang huling araw.

Ganon paman bago pa mag dilim ang kanyang paligid ay nagawa niya pang tumingin sa kanyang likuran.

Supremacy.

Isang salita ngunit napakalaking bagay nito kay Ace.

Binuo niya ito bilang isang normal Guild hanggang sa maging isang Divine Guild at ito ang pinaka- unang Divine Guild sa buong mundo.

"Bakit?".

Tanong ni Ace sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan.

"Dahil hindi kana kailangan." Ito lamang ang sinabi ng lalaki at agad na nagdilim ang buong paligid ni Ace.

*****

'Nasan ako?'.

Ito ang unang tanong ni Ace nang makita ang lugar na kanyang kinalalagyan.

'Ito ang luma kung kwarto!'.

Hindi makapaniwalang napatayo si Ace sa mga oras na iyon habang tinitingnan ang buong lugar.

11/23/2090

'November 23! Hindi to maari!'.

Agad na tiningnan ni Ace ang buong lugar hangang makita niya ang kanyang lumang cellphone.

'5th Generation!'. Gulat niyang sambit.

Habang sa mga oras na iyon ay walang ibang maisip si Ace at hindi makapaniwala sa kanyang sitwasyon. 

'Transmigration! Nag balik ako sa unang panahon! 10 years to be exact.'

Isang malaking ngiti ang agad na lumitaw sa bibig ni Ace at dito ay agad na lumabas sa kanyang lumang kwarto.

Nagtungo siya agad sa sala at nakita ang kanyang mga magulang. Nasa edad 30 plus palang ang tunay na edad nang mga ito ngunit sa mukha ng mga  ito ay tela mga nasa edad 45+ na sila. Kita ang pagod sa mukha ng mga ito.

Agad na yinakap ni Ace ang dalawa na ikinagulat at ikinataka naman ng kanyang dalawang magulang.

18 years old na si Ace sa taong iyon at ngayon palang ang unang beses na nakita at ginawa ng kanilang anak ang ganitong klase ng bagay.

Sa pagkakatanda ni Ace dahil sa kanyang mga maling nagawa sa dati niyang buhay ay hindi nakayanan ng dalawa niyang magulang ang stress at pagod, dahilan para maagang mamatay ang mga ito. Kaya naman sa pagkakataon na iyon ay ipinangako ni Ace na mabubuhay sila ng masaya at sagana sa lahat ng bagay. 

"Anong nakain mo anak?" Pagtatakang tanong ng Mama ni Ace ngunit umiling lamang si Ace dito at makikita ang ngiti sa kanyang labi.

"Birthday muna bukas anak at dahil diyan meron kaming regalo ng iyong mama sayo." Sabi ng Papa ni Ace habang inilahad nito ang kanyang kamay at makikita ang isang papel sa palad nito.

Dito agad na naalala ni Ace na kanya na ngapalang kaarawan bukas. Tiningnan ni Ace ang papel sa kamay ng kanyang papa at makikita dito ang isang kulay silver na papel.

Pamilyar na pamilyar and actually alam na alam ni Ace ang special na papel na ito.

'New World Ticket.'

New World Where stories live. Discover now