Reaksyon

3.1K 18 2
                                    

"Abnormal kang Piandra ka! Nasisiraan ka na ba?! Bakit pumayag ka?! Wala ka na bang isip?'" Gigil na reaksyon ni Dane nang ipagtapat ni Pie ang mga nangyari.

"Grabe ka naman! Wag ka ngang ganyan! Di lang naman ako ang gumawa ng ganitong kabaliwan." Depensa ni Pie.

"Eh parang pinatunayan mo na rin na wala kang pinagkaiba sa mga ganung babae. Tsk. Masyado kang nagtiwala agad. Paano kung mabuntis ka?!"

"Eh...bahala na. Wag mo kong itulad sa kanila. Nadala lang naman ako ng pagkakataon. Tsaka diba alam mo naman na love ko sya dati pa. Hay. Wag mo na ko sisihin. Tsaka if ever na buntis ako. Papalakihin ko naman sya kahit walang ama."

"Nasan ang utak mo ha...Piandra? Masyado kang kampante na kaya mo yang akuin mag-isa. Nag-iisip ka pa ba? Tsk! Basta simula ngayon wag na wag ka nang makikipagkita dyan sa herodes na yan! Magpregnancy test ka after two weeks para malaman natin. Tigilan mo na yang love love na yan. Kung seryoso yan sayo. Sya mismo gagawa ng paraan para makita ka. Pabayaan mo na sya!"

"Ang hirap naman! Paano kung nabuntis nga ako? Kawawa naman baby ko. Palibhasa never ka pang nainlove Dane."

"Hoy FYI! Nainlove na ko dati. Nagkataon lang na ginamit ko utak ko kaya mas lamang ko sayo. Basta. Wag ka na munang makipagkita. Antayin muna natin ang resulta. Or else isusumbong kita sa magulang mo. Intiendes?!"

"Yes, madam!"

PIE'S POV

Dapat di ko na sinabi kay Dane. Ayan tuloy...daig pa Martial Law sa higpit eh. Paano na ang love story ko?! Huhuhu. Mauuwi pa ba sa happy ever after to?! Grabe naman ang sitwasyon ko. Namimiss ko na agad si Gene. Grabe di na naman ako makatulog!

(Nagring bigla ang cellphone ko)

Tinignan ko ng oras 11:30pm na pala. Sino ba tong gumugulo sa pag-iisip ko?

Ay naku ayaw naman tumigil. Masagot na nga lang.

Speaking of the angel. Si Gene ang tumatawag. Sinagot ko na.

"Hello."

"Hi. Nakaistorbo ba ko? I miss you." Lambing nya.

Kinilig ako syempre.

"Ahm...gising pa naman ako eh. Tsaka nag-iisip kasi ako."

"Ah iniisip mo ko noh?"

"Hindi ah. Kapal nito. Iniisip ko yung report ko." Tanggi ko.

"Weh?! Namimiss mo na rin ako noh? Ayi..."

"Hoy! Kung mang-aasar ka, wag ka na ngang tatawag! Feeling nito!"

"Galit agad? Sorry na. Hay. Topakin naman ang bata. Tara treat kita bukas. Name it. Akong bahala."

Bigla kong naalala ang bilin ni Dane. Wah! Anu ba to? Blackmail yun ha. Ang daya. Pero may point naman kasi si Dane eh. Kung gusto nya ko...sya mismo gagawa ng paraan.

"May gagawin ko. May klase kasi ako. Tsaka maglalaba ko pag-uwi ko tapos may report ako sunud sunod na subject." Palusot ko.

"Ah ganun ba. O sige tutulungan kitang gumawa ng report at maglaba. Sige na...please." Pagmamakaawa nito.

Hay Gene. Gustong gusto ko pero yari ako kay Dane na bruha.

"Er...wag na kaya ko naman eh. Tsaka may next time pa naman diba."

Narinig ko syang bumuntong hininga. "Hay...o sige. Next time ha. Ingat ka. Good night."

"Nyt."

*Kinabukasan*

Shit! Nalate na ko ng gising. Napuyat kasi ako ng kakaisip eh. Hay. Mabuti naman nakaluto na ang bruha. Salamat naman.

Ligo.

Kain.

Alis.

*Sa school*

"Oy...di kita ginising kasi alam ko namang mantika ka na naman matulog. Ang swerte mo walang prof ngayon." Sabi ni Dane na pinuntahan ako sa upuan ko.

"Kahit kelan bruha ka talaga. Panu kung nagsurprise exam ngayon? Hmp!"

"Kasalanan ko bang malate ka. Nakanganga ka pa nung paalis na ko. Grabe ha. Anu bang ginawa mo pa? Eh maaga ka naman pumasok ng kwarto mo kagabi."

"Ah...eh...kausap ko si...Ge...Jen! Tama si Jen regarding sa report namin next week." Palusot ko.

"Ah...akala ko yung alak na naman na yun ang kausap mo! Ang weird noh?! Generoso pangalan...lasenggo ba magulang nun? Hahaha. Weird. Tsk. Wag ka na makikipag-usap muna dun. Hayaan mo muna."

"Opo madam! May magagawa ba ko ha? Eh mukhang kakatayin mo ko pag sumuway ako."

"Halika alis muna tayo. Makapag-unwind muna. Eh 3pm pa next subject natin. Ten thirty palang oh. Tara. Mall?" aya nya.

"Game!" Nakangiti kong sabi.

First Cut...First EverythingWhere stories live. Discover now