Meet Daniella

3.2K 14 2
                                    

"Masarap ba?" Tanung ko kay Dane habang kumakain kami ng luto ko.

Buti na lang 7pm sya dumating. So nakapagluto na ko ang dumating sya. Nagreklamo agad na gutom na ang bruha.

"Masarap. Parang ganado ka atang magluto. Mas masarap sya ngayon." Papuri ni Dane.

"O sya sya sya. Kumain na tayo. Nang maaga makapagpahinga."

"Oy. Mag kukwento ka pa. Lulusot ka pa ha. Di porket nagluto ka ngayon eh makakalimot na ko."

"Wala na kong sinabi. O sige basta ikaw maghugas ng pinggan mamaya ang kwento. Okay."

"Okay. Mabuti at nagkakaintindihan tayo."

Napakahigpit naman nito. Daig pa magulang ko. Sabagay sa kanya ko binilin ng mga magulang ko bago kami payagang magrent ng apartment. Yan ang gusto ko kay Dane. Ang lakas ng convincing power. Walang sinabi si wonderwoman...da best sya!

Daniella dela Cruz ang full name nya. Laking Laguna pero daig pa taga Manila sa sobrang daming alam dito. Business ng family nila handcrafting at wood carving. Tapos bukod dun, may pagawaan din sila ng Buco pie at mga ibat ibang sweets. Mayaman ang pamilya nila. Pero mas gusto nya maging independent. Sabi nya pagkagraduate namin magbusiness daw kaming dalawa. Ang gara...advertising course namin. Dapat diba business management nalang kinuha namin. Hehe. Teka ako bida dito ha. Bakit kinukwento ko si Dane?

Ayun. Basta sya ang taong alam lahat sa akin. Wala naman kasi kong nililihim dyan. Kahit kung anu anung binabansag nya sakin eh love ko yan. :)

Minsan tinawag akong Piantot, Piang Papaya, Piandrang May Sapak, Pie na malandi, tapos recently tinawag akong Piandrang Kerengkeng.

Pero pag galit sya tinatawag nya ko sa buo kong pangalan. Hahaha. Maria Piandra!

Grabe noh? Samantalang ako BRUHA lang tawag ko sa kanya.

Ang lovelife nya? Eh...abangan nyo sa next story ni Author.

First Cut...First EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon