Boom! Part 1

4.8K 22 0
                                    

Boom! Part 1

GENE'S POV

Nakakatuwa naman talaga tong si Pie. Parang bata talaga. Nakasimangot pa tapos parang may gustong sabihin pero di naman masabi. Halikan ko kaya to, ewan ko lang kung di magulat. Ang cute siguro lalo niya. Hehe. Wah. Makapag-order na nga baka kung anu pa magawa ko. Nakakahiya. Ang dami pa namang tao rito.

Pagbalik ko dala ang mga order namin. Natawa ako bigla. Nakaliyad tapos nakataas ang kilay. Haha namimiss ko talaga ang kaartehan nito.

"Bakit nakaganyan ka?" Nang-aasar kong tanung.

"Wala. Masama ba? Kumain ka na lang." Medyo iritableng sabi nya.

"Ikaw? Ayaw mo talaga? Di ba gutom ka na rin. Madami tong order ko kasi I'm sure kakain ka din."

"Abot mo nalang yan sakin, yang fries ko. Kumain ka na. Don't worry okay. Mamaya babawi ako ng kain."

"Fine, eto drinks. Baka mabulunan ka."

"Thanks."

Habang kumakain sya, di ko mapigilang pagmasdan sya. Ang cute nya pag nakasimangot. Ang sarap talaga inisin nito kahit kelan. Isip bata pa rin.

Hindi ko inaasahan na ganun pa rin sya. Natatandaan ko pa nung nakilala ko sya. May pagkapilya. Puro boys ang kaibigan pero sobrang kikay.

Tinanung ko sya kung may boyfriend na sya. Nagmamalaki pa sya nung pinakita nya sa sakin yung picture ng boyfriend nya. Sabi ko,"Ang bata bata mo pa nagboboyfriend ka na. Eh buti di nagagalit magulang mo."

Eto ba naman sagot nya, "Uy, nagseselos ka lang hehe. Tsaka di ko bata! Sixteen na ko! Bata ba yun?! May mens na ko nung 13 palang ako. Wag kang magselos...crush naman kita eh," medyo namula pa pisngi nya nung sinabi nya na crush nya ko.

Hehe natatandaan ko pa yun, simula nung sabihin nya yun ay nailang na sya na kausapin pa ako. Kaya ako mismo gumagawa ng paraan para magkita kami. Sa tingin ko kasi ayaw nya na makita pa ko. Dahil siguro akala nya pinagtatawanan ko sya.

Mabilis naubos ang kinakain nya. Aba gutom naman pala tapos paarte arte pa. Hmm...halos maubos na rin ang drinks nya.

"O eto, kainin mo pa. Wag ka nang maarte. Gutom ka pa. Alam ko." Alok ko sabay abot ng chicken burger sa kanya.

"Eh di ako kumakain ng cheese. Tsaka ng mayo. Pati na yang mga nakalagay dyan."

"Ay oo nga pala. Sige eto nalang chicken nuggets."

"Thanks. Pero kakain pa rin ako mamaya ah. Wag kang madaya. Pangako mo yun eh."

"Oo na. Basta kainin mo muna yan."

PIE' POV

Etong lalaki na to kung makatingin parang kakainin ako ng buhay. Sabagay papayag ako...hehe ang landi ko talaga. Naku matagal ko na syang mahal. Ayoko lang sabihin kasi akala nya crush ko lang sya. Actually first love ko nga sya. Hay. Ang gwapo talaga. Ang sarap kainin...

nung chicken nuggets. Hehe. Kelan ko kaya sya mahahalikan. Grabe! Ang laswa ng utak ko. Tama si Dane, rated SPG daw lagi ako. Hehehe. Ang bruha kong bestfriend pero love ko yun.

"Tapos ka na?" Tanung ni Gene ng matapos akong kumain.

"Yeah and you?"

"I'm done. Pero patake out natin yung mga di natin nagalaw."

"Sure. Tara na," sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko.

Lumabas kami. At sumakay sa motor nya. Nasa kalagitnaan na kami ng pupuntahan namin ng biglang pumatak ang ulan.

"Ay! Wala man lang pasabi ang ulan. Mababasa ako." Reklamo ko agad ng maramdaman ko ang malalaking patak ng ulan.

"Kapit ka lang mabuti. Nasa daanan tayo. Hahanap ako ng masisilungan."

First Cut...First EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon