Sweet 1

3.1K 16 2
                                    

PIE'S POV

Tsk almost lunchtime na. Naku baka gutom na si Gene. Si Dane naman kasi nagpahatid pa hanggang terminal.

Magtake out na lang kaya ako ng para sa lunch naming dalawa. Di na ko makakapagluto pa.

Pumasok na ko ng mall. Ang unang bumungad sakin ay Chef d Angelo. Okay na to. Sayang ang oras ko kapag pumasok pa ko sa mall.

Pumunta agad ako sa cashier. Ang daming tao. Medyo mahaba rin ang pila.

Sa wakas! Ako na.

"Good morning ma'am. Can I have your order?" Bati ng crew sakin.

"Isang sampler one and two. Take out."

Inulit ng crew ang order ko at nagbayad na ko. Ang tagal nga lang. Twenty minutes pa raw. Marami pa kasing nauna. Kinuha ko yung number ko at humanap ng mauupuan. Potek naman! Occupied lahat.

Nanlulumo akong tumingin sa unang mesa sa kanan ko. May babaeng nakaupo. Mga mid forties. Mukhang may lahing chinese. Tinignan ko ang table nila. May 3 upuang bakante sa tabi nya.

Lumapit ako sa table. Nahihiya akong magapproach. Tatayo na lang ako siguro sa tabi ng table.

"Hi. You can sit here if you want. Bakante naman ang isang chair. Husband ko lang ang kasama ko. May binili lang sa bookstore." Approach sa akin nung babae nang nakangiti.

Syempre di na ko nagdalawang isip. "Thank you po. Di naman po ako magtatagal. Take out lang po kasi yung sakin." Paliwanag ko.

"Ah. Medyo maraming tao kasi lunchtime na. Anyway, ayan na husband ko."

May matandang lalaki na dumating. Mestisuhin at may katangkaran. Matangos ang ilong at parang may lahing Kastila. Siguro ang ganda ng lahi nila pag pinagsama.

"Ma, madaming tao sa bookstore kaya di makita yung libro na hinahanap ko." Napatingin sa akin ang matandang lalake at ngumiti.

"Sya nga pala. Pinaupo ko muna sya sa table natin tutal bakante naman." Paliwanag nung babae sa asawa nya.

"No worries." Sabay upo ng matandang lalaki.

Pinagmasdan ko sila. Nakakatuwa naman. Kahit may kaidaran na sila ay mukhang okay na okay pa rin sila sa isa't isa. Sana maging ganito rin kami ni Gene.

Dumating na yung order nila. Buti pa sila. Ang tagal naman nung sakin. Naku naiisip ko na naman si Gene. Baka gutom na yun.

"Iha. Kaen ka." Alok nila sa akin.

"Sige po. Inaantay ko pa po yung order ko. Take out naman po yun."

"O sige. Baka kasi mailang ka. Kumakain kami tapos ikaw nag-aantay dyan. Madami naman tong order namin eh." Sabi nung babae.

"Okay lang po. Di pa po ako gutom." Pagsisinungaling ko. Medyo nagpaparamdam na kasi mga alaga ko sa tyan.

Mga ilang minuto rin, dumaring na ang order ko. Magalang akong nagpaalam sa kanila.

Sumakay agad ako ng taxi pagkalabas ko ng mall. Tinignan ko ang oras pagdating ko ng bahay. Twelve thirty. Pagpasok ko sa loob nilapag ko sa mesa ang mga dala ko.

Mukhang tulog pa ang prinsipe ko. Umakyat ako sa kwarto.

Nadatnan ko si Gene na natutulog at yakap pa ang unan ko. Nakatalikod ang mukha nya sa gawi ko. Parang bata. Hehe. Ang cute. Bagay sya sa kama ko. Haha. Ang sarap yakapin at tabihan. Sinuot nya ang jersey ko. Buti naman kasya. Regalo lang kasi sakin ng dating manliligaw ko yun nang malaman nyang idol ko si Tony Parker ng Spurs.

Bumaba ang tingin ko. Nakaboxer nga sya. Boxerbrief naman! Naku maloloka ako. Napaupo ako sa kama. Lunch na. Pakakainin ko muna. Baka kasi kulang yung kinain nya kanina.

"Gene, Gene, Gene gising na. Kain na muna tayo." Sabay yugyog sa balikat nya.

"Hmm..." ungol nya.

"Halika na. Tara na. Gutom na ko." Paglalambing na sabi ko.

Humarap sya sa gawi ko. Dumilat sya. Mukhang inosente ha. May ganung epek sa mga mata nya. "San ka galing?"

"Sa terminal pa kasi nagpahatid si Dane. Nagtake out na lang ako para may lunch tayo. Halika na."

"Hmm...pakiss muna."

Nang-aasar na naman to. Hmp!

"Anu ka ba! Tara na. Gutom na ko." Akmang tatayo na ko ng hilahin ako ng loko.

Napahiga ako ng kama. Wah! Wag ngayon di pa ko naliligo. Hehe.

"Sige na isa lang." Sabi nya tsaka ako niyakap para di ako makaalis.

"Tsk. Bakit may kundisyon pa?! Oy nasa bahay kita. Sexual harassment na yan."

"Sus! Willing victim ka nga dyan eh." Nilapit nya na yung lips nya. In fairness di bad breath. Nagtoothbrush pa ata. Niloloko ako nito eh. Nagtulugtulugan lang nung marinig na umaakyat ako.

"Di kaya. Lika na."

Dumagan na sya sakin. Shit! Anu ba yan! Wala kong energy para sa ganito.

"Sige na. Isa lang. I miss you."

"Sige isa lang."

Hinalikan nya na ko. Una, sa noo. Sa ilong pababa sa lips. Naliliyo na naman pakiramdam ko. He kissed me torridly. Tumagal ng ilang minuto tapos naramdaman kong bumababa na yung halik nya papunta sa neck ko.

"Gene...hmm...tama na. Tama na....kain na muna tayo. Gutom na ko."

Ayaw nya pang huminto. Hinawakan ko mukha nya na nasa leeg ko.

"Gene naman eh! Wag muna. Okay. Gutom na ko." Nagmamaktol kong sabi.

Napabuntung hininga sya at umupo sa kama. Kumunot ang noo nya. "Sorry, di ko mapigil. Namimiss kasi kita. Sobra."

Kinilig naman ako sa sinabi nya. Hay. Lukaret talaga ko. Sobrang baliw na ko sa kanya. Pinipigilan ko lang sarili ko.

"Lika baba na tayo. Kain na tayo tapos matulog ka ulit." 

Tumayo na ko ng kama.

Tumayo na rin sya. Akmang ililigpit ang mga unan.

"Wag mo nang iligpit. Matutulog ka pa ulit mamaya diba?"

"Ok sige."

First Cut...First EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon