Chapter 26 - Ang Kuwento ni Henry

Start from the beginning
                                    

Maya-maya, nang di na mapakali sa loob ng kuwarto si Tommy ay napagdesisyunan na niyang lumabas. Bumaba siya at doon ay nagulat siya sa kung anong nakita niya; walang lutung ulam, nakasara pa ang pintuan sa kanilang sala. Halatang walang ni-isa sa ina at kapatid ni Tommy ang bumaba. Pare-parehas pala silang nasa kuwarto ng buong umaga.

Naupo si Tommy at binuksan ang t.v. ngunit nabagot rin siya agad kung kaya’t pinatay niya rin ito. Nahiga siya sa sofa pero biglang napaupo ulit dahil di siya mapakali. Binuksan niya ang pintuan, umupo sa garahe pero pumasok rin ulit.

Di na alam ni Tommy ang gagawin. Kumatok kaya ako? Sabi niya sa kanyang sarili pero di niya magawa dahil may kung anong pumipigil sa kanya.

Tumingin si Tommy sa orasan. Ilang minuto nalang at tanghalian na pero wala paring pagkain ang nakahain sa kanilang mesa kung kaya’t nagdesisyon siyang siya nalang ang magluto ng tanghalian. Ang problema nga lang ay di marunong magluto si Tommy ng kahit ano. Tanging mga prito katulad ng itlog, hotdog lang ang kanyang kayang lutuin. Pero pagdating sa mga tunay na ulam, walang-wala siyang alam.

Pagkatapos magluto ni Tommy ng medyo sunog na itlog, kumuha siya ng dalwang plato, nilagyan ito ng tigtatalong sandok ng kanin at saka nilagyan niya rin ito ng kanya-kanyang ulam. Ito’y ibibigay niya para sa kanyang kapatid at kanyang ina.

Unang kumatok si Tommy sa pintuan ng kuwarto ni Henry. Masuwerte siya dahil pinapasok siya ng kanyang kapatid sa loob. Pagbukas ni Tommy ng pintuan, nakita niyang nakaupo mula sa isang bedside table si Henry habang nakadungaw sa may bintana.

“Kain na kuya,” mahinahong sabi ni Tommy.

Napalingon si Henry at nagtanong, “Ikaw nagluto niyan?”

Tumango si Tommy. “Di ko alam na marunong ka palang magluto,” sabi pa ni Henry.

“Sunog nga eh,” kamot naman sa ulo ni Tommy sabay lapag ng pagkain sa lamesita ni Henry.

“Pasensiya na ah. Di ko kasi alam na kailangan na palang hinaan yung apoy pag lagay mo ng itlog sa kawali eh. Pero sigurado akong—,”

“Kamusta naman si mama?” putol ni Henry kay Tommy.

Nabigla naman ang binata sa tanong ng kanyang nakakatandang kapatid pero sa totoo lang, di niya alam kung anong isasagot. Naintindihan naman agad ito ni Henry at biglang sumubo ng isang kutsara sa pagkaing binigay ni Tommy.

“Hmmm, nasobrahan ka sa asin,” sabi ni Henry.

Natawa nalang silang dalawa sa sinabi nito.

Sumunod namang kumatok si Tommy sa pintuan ng kuwarto ng kanyang ina at katulad ng inaasahan, di ito sumagot. Naisip ni Tommy na siguro’y hanggang ngayo’y wala parin ito sa mood. Pero kumatok pa ulit ng isang beses si Tommy at katulad parin kanina, di parin sumagot ang kanyang ina.

Walang nagawa ang binata kung hindi ang dalhin nalang ang di nagalaw na pagkain sa kusina at takpan ito upang di galawin ng langaw. Pagkatapos ay umupo nalang si Tommy sa sala, nanood ng t.v at nahiga sa sofa.

Dumating ang kinagabihan. Di napansin ni Tommy na nakatulog pala siya kanina. Pagkagising niya, may kung ano siyang naamoy na mabangong ulam mula sa kusina. Pagsilip niya, si Kuya Henry niya ito na nagluluto ng sinigang.

“Di parin ba lumalabas si mama sa kuwarto niya?” tanong ni Tommy na ikinagulat naman ni Henry sapagkat di niya inaasahang nasa likod niya lang pala ang binata.

“Di pa eh. Nababahala na nga ako,” sabi ni Henry.

“Sige, ako nalang magdadala ng pagkain sa kuwarto niya,” sabi naman ni Tommy na agad namang sinang-ayuan ni Henry.

TropaWhere stories live. Discover now