Kabanata 16

4.1K 147 17
                                    

Kabanata 16


HINDI napigilan ni Cloud ang sarili at nasuntok niya ang pader sa kanyang gilid. Hindi na niya pinansin pa ang pagdurugo ng kamay at patuloy pa rin sa pagsuntok sa walang kamalay-malay na pader. Sa ganoong paraan man lamang ay mailabas niya ang lahat ng galit, sama ng loob, at sakit na nararamdaman niya.

Hindi niya alam na posible pa lang makaramdam ng ganitong sakit. Nilunok niya ang pride niya nang aminin niya kay Skye na mahal niya ito dahil gusto niya. Nilunok niya ang pride niya nang magmakaawa siya kay Skye dahil iyon ang gusto niya. Pinagmukha niyang tanga ang sarili niya dahil nagmahal siya. At ngayon, ano ang napala niya?

"She's not the right woman for you, Cloud."

Nilingon niya ang nagsalita at bumungad sa kanya ang mukha ng nanay niya. Sa likuran nito ay ang tatay niya. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng sakit, galit, at hinampo sa mga magulang lalo na nang maalala na ang mga ito ang may kasalanan kung bakit nilayuan siya ni Skye ngayon.

"What did you tell her?" tanong niya sa mga magulang. Hindi nga niya nakilala ang tinig dahil parang gawa iyon sa yelo sa sobrang lamig. Para ngang hindi niya magulang ang kausap niya ngayon. It wasn't the right thing to do but he was hurting.

"We just told her that she's not good enough for you," sagot ng tatay niya.

"Not good enough for me? Ano ang alam ninyo kung ano ang dapat para sa akin? You just throw away my happiness. I almost had her. Pero ano ang ginawa ninyo? Pinagtabuyan niyo siya palayo sa akin. Tinulak niyo palayo sa akin ang babaeng mahal na mahal ko. Ang nag-iisang babaeng minahal ko," sigaw niya sa kanyang magulang dahil hindi na niya makontrol pa ang kanyang emosyon.

"We wanted what's the best for you, Cloud," mahinahong wika ng nanay niya.

"The best for me? Do you even know what's the best for me? Si Skye lang. She's the best that I want. Siya lang. Pero ano ang ginawa ninyo? You pushed her away from me. At sinasabi niyong anak niyo ako? Na magulang ko kayo? Like hell!" Kaagad niyang tinalikuran ang mga magulang upang itago ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay may luhang pumatak sa kanyang mga mata. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi siya nahiyang aminin sa sarili niya na nasasaktan siya.


"ANO ANG problema, Skye?" tanong sa kanya ni Airin.

Kasalukuyang nasa library si Skye kasama ang mga kaibigan. Simula noong gabi na kinausap siya ng mga magulang ni Cloud at nang magtapat ito sa kanya ay hindi na siya bumalik pa sa condo nito. She decided that their master-servant contract was not null and void. Tapos na. Hindi na rin siya nag-abala pang contact-in ito. Para saan pa, eh, nasaktan na siya. Hindi na rin naman siya tinawagan ni Cloud kaya hindi na rin siya nag-abala pa. Sa wala rin naman hahantong ito. Saka isa pa, hindi na siya nito hahabulin. Hindi na rin naman siya magpapahabol.

"I'm in love," simpleng sagot niya sa tanong ni Airin.

"You're in love? Bakit parang mukha kang namatayan?" kunot-noong tanong nito pero napansin naman niya ang pagkislap ng mga mata nito sa hindi niya malamang kadahilanan. Nasaktan na nga siya, parang natuwa pa ito. Sadista.

"Namatayan naman talaga ako. Namatay ang puso ko."

"Ay! Ang corny."

"Ewan ko sa 'yo, Airin Nessa. Brokenhearted ako kaya lubayan mo ako," asik niya sa kaibigan.

"Kanino naman? Kay Charlie?"

"Hindi. Kay Cloud."

"Cloud? Iyong kaibigan ni Les?"

Love So Sweet (Tennis Knights #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now