Kabanata 8

3.8K 135 9
                                    

Kabanata 8


"HAY! BUHAY nga naman. Pagkatapos na pagkatapos ng klase, diretso kaagad sa Lion's Den. Imbes na nasa biyahe na sana ako pauwi para makapagpahinga, nakikisabay pa ang isang 'to," mahinang pagkausap ni Skye sa sarili habang nilalakad ang daan papunta sa condo ni Cloud.

Hindi naman siya nagtitipid, nanghihinayang lang siya sa pamasahe na gagastusin niya kapag sumakay pa siya. Likas na kuripot si Skye kaya nanghihinayang siyang gumasta gayong puwede naman niyang lakarin na lang papunta sa condo ni Cloud. Exercise na rin 'to. Saka hindi naman kasi siya mayaman. Kumbaga, sakto lang, gano'n. Pero kung ikukumpara siguro kay Cloud na pa-condo-condo pa, walang-wala siguro siya.

"Ang dami ko pang gagawin. Sana makauwi ako nang maaga," muling bulong niya sa sarili.

Nako, dahil kay Cloud, baka magkasakit pa siya sa isip. 'Di ba kapag daw madalas kausap ang sarili, senyales na medyo lumuluwang ang turnilyo sa utak?

"Hop in," anang tinig sa bandang kanan niya na siyang pumukaw sa kanyang pag-iisip.

Binalingan ni Skye ang nagsalita at ang bumungad sa kanya ay ang nakangiting si Cloud. Nakadungaw ang ulo nito sa bintana ng kotse nito. Sosyal din ang isang 'to, ah. Pa-kotse-kotse pa, eh, malapit lang naman ang condo nito sa SVU. Sabagay, if you have it nga naman, why not flaunt it? Pinagyayabang siguro ang kotse.

Hay. Naging past time na rin niyang husgahan si Cloud. Daig pa niya ang judge.

"Salamat," aniya saka sumakay sa kotse nito. Sa may passenger's seat siya pumuwesto.

Hindi na siya nagpakipot pa dahil gusto niyang makarating kaagad sa condo nito para matapos na ang mga dapat niyang gawin. May gagawin pa kasi siyang layout na kailangan i-submit bukas ng umaga. At malamang sa malamang, baka hindi na siya makatulog dahil lang sa layout na iyon. Tantyado na niya kasi ang oras kaya alam niya kung kulang siya o hindi sa oras.

Halos dalawang oras kasi ang biyahe mula sa condo ni Cloud papunta sa bahay niya. Pero kapag ganitong pagabi na't hindi traffic, minsan inaabot lang ng isang oras. Tapat na 'yong isa't kalahati. Idagdag pa 'yong isang oras at kalahating pagsisilbi niya kay Cloud sa condo nito. Kulang na kulang talaga sa oras.

Bakit kasi twenty four hours a day lang ang meron? Hindi ba puwedeng extension paminsan-minsan? Minsan kasi hindi sapat ang twenty-four hours!

"You look so tired," puna sa kanya ni Cloud kaya agad niya itong binalingan. Nakatingin ito sa kanya at talaga namang nagulat siya nang mapansing may bahid ng pag-aalala sa mukha nito.

"Marami lang kaming ginawa kanina," simpleng sagot niya at iniiwas na ang paningin dito.

Ilang sandali lamang ay nakarating na sila sa condo nito. Pagkapasok na pagkapasok ay dumiretso kaagad siya sa kusina para magluto ng pagkain nito. Wala siyang dapat na sayanging oras dahil nga marami pa siyang gagawin. Kapag nagpatumpik-tumpik pa siya'y malalagot siya. Baka pumasok siya bukas sa SVU na walang tulog kapag ganoon.

"Why are you in a hurry?" muntik pa siyang mabanlian sa sobrang pagkagulat dahil sa biglang pagsasalita ni Cloud. Dahil tutok siya sa ginagawa at sa pagmamadali na rin kung kaya't hindi na niya namalayang nakasunod pala ito sa kanya sa kusina.

"Wala lang. Masama bang magmadali? Huwag ka ngang epal dito. Alis!" asik ni Skye sa lalaki at ipinagpatuloy ang pagluluto. Hindi siya magpapa-distract sa isang ito!

Mas importante ang mga school works niya kaysa lalaki!

"Fine. Ang sungit mo talaga, Skyeisha. Parang nagtatanong lang naman," anito at naramdaman niya kaysa sa narinig ang paglabas nito sa kusina.

Love So Sweet (Tennis Knights #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now