HAHA shit. Kailan ba kasi nagging magandang pantago ang juice, di ba?

Lumingon ako, ngumiti, tapos umalis.

Narinig ko ata silang tinukso si Theo na “seenzoned” daw siya. Ako, basta naglakad nang diretso. Hindi ko rin alam kung bakit ginawa ko yon. Para mapansin? Para gumawa ng eksena?

Ewan ko.

Buong araw ko iniwasan si Theo non. Ang nakakainis, ni wala man lang text na nagtataka kung bakit ganon kinilos ko. Hindi rin kami nagsabay ng uwian that time—at umuwi ako mag-isa, kahit hanggang sa dulo ng araw, hinintay kong magtext siya na sabay sana kami umuwi.

Pero wala. Hindi nangyari yon.

Humarap ako sa salamin at pinagpapapalo ko yung reflection ko ng tsinelas.

“Ano bang nangyayari sayo? Dahil sa lalaki, nagiging ganyan ka? Para kang tanga! Tama nga si Eli. Pinaghahanda ko ng kung ano-ano, pinakokopya ko pa ng kung ano-ano—tapos waley?! Tapos yung totoo, wala lang pala ako. Elastosil, bubble gum, panakip butas doon sa batchmate niya. Nakakaasar!”

At sa huling paghampas ko ng tsinelas, biglang nakita ko na tumatawag si Theo sa cell phone ko.

Kinuha ko agad yung phone ko. Huminga muna ako nang malalim dahil baka mahalata niyang excited ako masyado na tanggapin yung tawag niya.

“Hello?”

“Uy,” sabi niya.

Shocks, namiss kita—ito sana yung gusto kong sabihin pero pinili kong di sabihin dahil… ano ba niya ako in the first place?

“Bakit? Inaantok na ako,” sabi ko kahit hindi naman totoo.

“Ay, inaantok ka na? Wrong timing ata ako—”

“Hindi, okay lang, ano ba sasabihin mo?” tanong ko.

“Sungit naman nito. Meron ka?”

“Bakit mo ba sinisisi sa mens ko kung masungit ako? Hindi ba pwedeng masungit ako kahit wala akong regla?”

Narinig ko siyang tumawa. Leche to ah.

“Hoy,” babala ko, “anong tinatawa-tawa mo diyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko?”

“Nagseselos ka no?”

“Hala siya! At saan mo naman nakuha yan?”

“Sabi sa kin nina Allen noong hinahanap kita noong dismissal.”

Sa isip-isip ko, ginugulpi ko na si Allen at Eli. Mga walangya yung mga yon. Mga taksil! Mga traydor! Pero in fairness, hinanap daw niya ako? Kinilig ako bigla.

“Alam mo naman yung mga yon. Hindi yon totoo,” depensa ko.

“Weh?”

“Oo nga.”

“Weh, di nga?”

“Ay nako.”

“Nagseselos ka kay Bea?”

“At bakit?”

“Ewan ko sayo.”

“Anong ewan mo sa kin? Hoy, hindi ako nagseselos.”

“Sabi mo nga.”

“Bakit ako magseselos kay Ate Bea?! Hindi nga!”

“Oo na, hindi ka na nagseselos. Pero hindi eh, nagseselos ka talaga. Ramdam ko.”

“Pakshet ka.”

“Hoy, Maria Natasha, language sa nakatatanda sayo.”

“Eh di sige, sorry po, Kuya Theo.”

Lost and FoundWhere stories live. Discover now