Chapter 23 - Stepdad

Start from the beginning
                                    

Di na nakapagsalita pa si Tommy. Ang mata, mukha at tenga niya ngayon ay nakasentro lamang kay Ben.

“Alam kong alam mo kuya Tommy ang tungkol kay Kuya Macario. Alam mong di kami tunay na pamilya niya diba? Pero minsan ba sumagi sa isip mo kung bakit siya pina-ampon at nasa ampunan?”

Umiling si Tommy.

“Buti na nga lang at masayahin na lumaki si Kuya Macario. Mabuti nalang at sanggol pa siya ng iwan siya sa tapat ng bahay ampunan noon. Kasi alam mo kuya Tommy, kung sakaling may edad na siya nung araw na yun, maaring di siya ang Macario na nakilala mo noon; ang Macario na walang problema at walang iniisip na kung ano-ano...

“Bakit ba siya iniwan?” medyo mahinahon ng tanong ni Tommy.

“Kasi isa siyang anak sa pagkakasala....”

Umulan ng katahimikan sa buong kuwarto. Tanging ang electricfan nalang ang maririnig mo  sa puntong ito. Anak sa pagkakasala? Paano naging anak sa pagkakasala si Macario? Ano pang mga bagay na dapat malaman ni Tommy?

“Nung araw na pumunta yung tunay niyang ina nung araw na yun, pinaliwanag niya ang lahat. Maari ngang mura pa ang edad ko nun pero naitindihan ko. Pinaliwanag niya sa amin na bago pa man niya ipagbuntis noon si Kuya Macario, mayroon na siyang fiance. Ayaw daw ng nanay ni Kuya Macario sa fiance niya dahil pinagpilitan lang naman siya ng mga magulang niya nun. Buong buhay niya nalang daw, lagi siyang nakikinig sa mga magulang niya. Pero di siya papayag na maski sa pagpili ng taong mamahalin niya ay susundin niya parin ang magulang niya. Hanggang yun na nga—limang araw bago ang nakatakdang kasal, nagrebelde ang nanay ni Kuya Macario. Tumakas siya isang gabi at uminom para makalimot sa problema niya.

“Di niya raw napansin na sobra na siyang nalasing hanggang sa may isang lalaking nagmagandang loob na ihatid siya. Ang buong akala niya, nagmamagandang loob ito. Yun pala, may masamang balak sa kanya. Hanggang sa di napansin ng nanay ni Kuya Macario na may nangyari na pala sa kanila nung lalaki dahil bigla nalang siyang nagising sa isang kuwarto habang wala ang mga damit niya.

“Pinilit niya itong itago sa lahat kahit na pakiramdam niya ay nababoy at nabastos ang pagkatao niya. Hanggang sa ikasal na nga siya sa fiance niya at pagkatapos ng isang linggo, doon na nila nalaman na buntis na siya na labis na ikinagalit naman ng asawa niya,”

“Anong sumunod na nangyari?” tanong ni Tommy.

“Lubos palang seloso ang napangasawa ng nanay ni Kuya. Pakitang tao lang pala na kunwari, tanggap niya ang pinagbubuntis ng asawa niya. Pero hindi. Nang humiwalay sila sa mga magulang ng asawa ng nanay ni Kuya, doon na nito nilabas ang galit niya. Kahit na buntis ang nanay niya, minamaltrato siya ng asawa niya. Isa raw siyang madungis na babae at walang kuwentang nilalang. Tiniis ito ng nanay ni Kuya hanggang sa ipanganak na nga siya. Natatakot siya na baka kung anong gawin ng asawa niya kay Kuya Macario kung kaya’t kahit na labag na labag sa loob niya, iniwan niya sa tapat ng bahay-ampunan noon si Kuya kung saan doon na siya nagka-isip at nagtanong kung sino ba ang mga tunay niyang magulang.

“Apat na taong lumipas, dumating na nga sila mama sa buhay ni Kuya para ampunin siya. Naging masaya noon si papa at si mama hanggang namatay nga si papa at pinanganak naman ako. Akala namin, masaya na kami hanggang sa dumating nga itong tunay na nanay ni kuya na nagpabago ng lahat,” paliwanag pa ni Ben.

“Anong nangyari Ben?” tanong ni Tommy.

Sa puntong ito, sa wakas ay si Aling Merly na ang nagpaliwanag. “Tinanong ko ang babaeng yun kung bakit ngayon lang niya hinanap si Macario. Ang sabi niya, matagal na niya na raw siyang hinahanap. Buong buhay daw niya, si Macario lang ang naiisip niya. Di lang daw niya mapuntahan ang ampunan kung saan niya iniwan si Macario dahil lagi siyang binabantayan ng asawa niya...

TropaWhere stories live. Discover now