Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Author's note: this is just a light drama, at romance po ito. kung gusto niyo ng chill na story baka this is for you. Don't forget to vote and comment oki? Thank you!! </3
—//—
"Baby" bulong ng katabi ko. wait kailan pa ako nagkaroon ng katabi? baka si kuya to at pinagtitripan nanaman ako. Nakakainis kakatulog ko lang ay mang iinis nanaman. Anong trip niya?
"Kuya, lumabas ka sa kwarto ko kung hindi sisipain kita" pagbabanta ko at tumalikod sakaniya para ipagpatuloy ang tulog ko. Kakauwi ko lang galing club. May hang over pa yata ako. Ni hindi nga ako sigurado kung sinong naghatid saakin kagabi. Basta naalala ko nasa club ako.
"Baby wake up" malambing na sabi nito. aba gago yata si kuya at gusto pa yata ng incest. Aba wag ako ang binibiro niya at masisipa ko to
"Kuya naman, lumayas ka sa kwarto ko kundi susumbong kita kay mommy" naiiritang sabi ko. wait hindi naman ganun ang boses ni kuya ha? bakit parang nag iba? hindi si kuya to. May inuwi ba akong lalaki? hinde! hindi ako ganung babae.
"Baby i have work, wake up" gising niya saakin. napatayo nalang ako ng naramdaman kong yakapin ako nito at halikan sa balikat
"Maniac!" Takip ko sa sarili ko ng mapansin na naka bra at panty lang ako. shit sino siya? binigay ko ba ang perlas? mommy sorry huhu
Nakita kong nagulat siya pero sa huli ay tumawa siya. Hindi lang tawa pero parang mamamatay na kakatawa. Kumunot naman ang noo ko. Gago ba siya? Okay hindi ko masisisi sarili ko kung binigay ko nga sakaniya kasi naman pogi siya. Pero bakit ko binigay? Sayang ibibigay ko pa naman sa magiging asawa ko yun
"Baby ikaw maniac sa ating dalawa remember?" Ngising aso niya. Lalapit sana siya saakin pero nagbadya na akong susuntukin siya. Subukan niyang lumapit
"Wag kang lalapit" Iritableng sabi ko. Sa club ba kami nagkilala nitong lalaking ito? Bakit wala akong maalala? Maaga akong umuwi kasi hahanapin na ako pero bakit may nangyari saaming dalawa?
"Baby i need your kiss bago ako pumasok sa trabaho" malambing na sabi nito at yayakap sana saakin. Umiwas ako at naiiyak na. Paano ako aalis dito? Bahay niya ba to?
"Go away. Hindi kita kilala" Sigaw ko sakaniya. Nakita kong natawa lang siya. Nababaliw naba siya? Ano ba kasing nakakatawa?
"Baby after 10 years you don't remember me? it hurts" drama pa niya. Ano daw? 10 years? Aba gago yata to? Baka 10 hours ago? sumasakit ulo ko sakaniya. Una iniisip ko kung bakit binigay ko sa lalaking ito ang perlas. Tapos ngayon binigay ko pa yata sa may sayad! Mommy help me!
"Baliw kana ba? look binigay ko na virginity ko sayo kaya please aalis na ako" Seryoso kong sabi sakaniya. Halatang naguluhan siya pero nangunguna parin talaga sakaniya ang pag tawa. Ayoko na! Mababaliw na ako sa lalaking to!
"Baby college palang tayo ng mawala yun" natatawang sabi niya. what the effing fuck? college? gago mag ccollege palang kaya ako. bakit sa baliw ko binigay? huhu
"Gago kaba? Ni hindi pa nga ako college" Sigaw ko sakaniya. Tatadyakan ko sana siya ng biglang may kumatok. Dali dali naman akong naghanap ng damit. nagtaka ako na may mga pambabaeng damit dito. always ready siya sa mga inuuwi niya ha? Fuck!
Nagsoot lang ako ng dress at tumingin sa salamin. Nagulat ako. Bakit tumanda mukha ko? Hindi naman gaanong tumanda parang ganun parin pero ngayon ko lang ba narealize na stress talaga ako sa school? masyadong mature na mukha ko para sa 18 years old.
Nagulat ako ng biglang pumasok ang isang babae na tantiya ko ay nasa 8 years old na. Yumakap siya sa papa ko. Pilit ko naman tinatanggal ang pagkayakap niya dahil hindi kami close no! Sino ba siya? Kapatid niya? Shit naman
"Hoy alisin mo nga ang kapatid mo sa paa ko" Utos ko ngayon sa lalaki na nakatingin lang saakin kanina pa. Anong balak niya? Titigan ako magdamag? Gago uuwi na ako sa bahay namin!
"Come here ansyl. Tinamaan lang ng kabaliwan si mommy" sabi niya habang tinatanggal sa paa ko ang bata. sandali ano daw? M-mommy? ha? Wag mong sabihin na advance na ngayon? After you do it may baby na kaagad? Oh shit anong nangyayari sa earth?
——
YOU ARE READING
Choosing The Waves
Romance"I was the one during your worst, how come she gets to have you on your best?" DISCLAIMER: THIS IS A FILIPINO LANGUAGE STORY.
