Ini-off ng dalaga ang CP. Kung gaano siya katagal nanatiling nakaupo ay hindi niya alam. Sinikap tanggapin ng isip at damdamin ang natuklasan. Nasasaktan siya dahil ginamit siya ni Brandon sa paghihiganti nito kay Anya at nagagalit siya rito. Ano ang kinalaman niya roon?

Ang kabilang bahagi ng isip at puso niya ay umiibig dito. Umuunawa at nagpaparaya. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at lumabas ng silid. Nasa balkonahe ang binata.

"Gusto mong iuwi na kita ngayon?" tanong nito na hindi lumilingon. Nasa magkabilang bulsa ng maong ang mga kamay. Walang emosyon ang tinig.

"Hindi."

Doon lumingon si Brandon. Matagal siyang tinitigan.

"Kung kailan mo pinlanong aalis tayo rito ay saka tayo umuwi, Bran," marahang wika niya. Sinisikap kontrolin ang pagbagsak ng mga luha. "Let's go back to the beach, Bran. Let's swim and make love under the sun. That is if you're still capable after last night..." sinikap niyang haluan ng biro ang sinasabi sa kabila ng panginginig ng tinig.

"Nadja..." halos magbara sa lalamunan nito ang tinig.

"I love you, Brandon. That is all that matters." tumalikod siya upang huwag makita nito ang namumuong luha sa mga mata. "Magpapalit lang ako ng pampaligo..."

Si Brandon ay mahigpit na kinuyom ang mga palad at tumingala at pinuno ng hangin ang dibdib. Ano ba ang ginawa niya sa sarili sa loob ng sampung taon? Si Anya, nasa dibdib pa ba niya ito? At si Nadja, ano ang ginawa niya rito?

Nang lumabas si Nadja ay nakabihis na ito ng maiksing shorts na maong at midriff.

"Let's go," nakangiting anyaya ng dalaga pero nakita ni Brandon ang pamumula ng mga mata ni Nadja. May patalim na tila humiwa sa dibdib nito.

Nagpatiuna ang dalaga sa pagbaba sa hagdang bato. Sinundan siya ng tingin ni Brandon. Nasa dagat na si Nadja nang makarating ito sa dalampasigan.

"Hey! Halika masarap ang tubig," sigaw niya.

Naghubad ng suot ang binata at natira lamang ang briefs nito. Lumusong sa tubig.

"Let's race," masiglang salubong ng dalaga. Itinuro ang drift wood na nasa di-kalayuan. "Ang matalo magluluto at maghuhugas ng pinagkainan sa maghapong ito."

"Call," nakangiting sagot ni Brandon bagaman hindi umabot sa mga mata.

Parehong lumangoy nang mabilis ang dalawa patungo sa nakalutang na kahoy. Nauna lang si Nadja ng isang dipa sa binata. Humihingal na nilingon niya ito.

"You—made me won." tumaas-bumaba ang dibdib niya.

"Mabilis ka talagang lumangoy," wika nito na hinawi patalikod ang buhok ng dalaga na tumabing sa mukha niya. "Sino ang gustong magluto at maghugas? Definitely hindi ako."

"Hmp..." umirap siya at lumangoy patungo sa dalampasigan. Sumunod si Brandon. Hinapit nito sa baywang ang dalaga at bumagsak sila sa buhangin.

"Nadja..." bulong nito bago lumapat ang mga labi sa mga labi ng dalaga. She kissed him back tenderly, painfully. She wanted to treasure these moments with him. Baka bukas ay wala na si Brandon sa buhay niya.

"Love me, Bran... dito..." aniya sa pagitan ng mga halik.

Unti-unting binuksan ng binata ang mga butones sa midriff niya. Then pulled her shorts down. Pagkatapos ay ito naman ang nagtanggal ng trunks. Nakatitig si Nadja dito. Enchanted by his masculinity, by the contrasting beauty.

Bumaba ito at mariin siyang hinagkan sa mga labi. Pagkatapos ay bumaba sa dibdib niya and she almost stop breathing as he caressed her breast while his hand teased and roamed her body.

Ibinubulong nito ang pangalan niya habang hinahagkan siya, as if hypnotizing her. Those clever hands and lips made her stop breathing. Sa pagkakataong iyon, Brandon was gentle and taking all the time in the world. He was teasing her body with aching pleasure that when he joined her she thought she'd die of unbelievable pleasure.

Sa loob ng maghapong iyon at magdamag pa na pinanatili nila sa isla ay hindi pinahintulutan ni Nadja na mangibabaw ang anumang pag-uusap na maaaring makasira sa panahong magkapiling sila. Ipinasyal siya ni Brandon sa paligid ng ibang isla sakay ng lantsa. They made love anywhere, everywhere, to satisfaction, to exhaustion. And yet wanting more.

Pagkagising niya kinabukasan ay nasa lantsa na lahat ang mga gamit nila. Inabutan siya ni Brandon ng mainit na kape.

"I thought you'll never wake up," nakangiting bungad nito. "Isasakay na sana kitang tulog..."

"Uuwi na ba tayo ngayon?" Gumuhit ang lungkot sa mukha niya. Hindi ipinahiwatig ng binatang ngayong umaga na sila aalis. Nag-alis ng bara sa lalamunan ang binata. Kinabig siya at niyakap. Hinagkan sa ibabaw ng ulo.

"Anuman ang dahilan at narito tayo, Nadja Ann, gusto kong paniwalaan mong ang mga araw na magkasama tayo rito are the best things that ever happened in my life..." bulong nito, his voice in agony.

She tried to choke a sob. Marahang kumawala. Tumingala sa binata. Kumikislap ang mga luhang namumuo sa mata.

"Ang sabi mo sa akin, you will only have to kiss me and I will follow you barefoot to the ends of the earth. Tama ka, Bran. I love you and I want to be with you...."

"Nadja..."

"Please, let me finish," awat niya sa sasabihin nito. "Gusto kong ihingi ng tawad ang ginawa sa iyo ng Mommy Anya. Hindi ko alam kung bakit nangyari iyon. I guess, siya lang ang makapagpapaliwanag sa iyo. Hindi ko gustong kumpirmahin sa iyo ang dahilan ng pagdadala mo sa akin dito. It would hurt so much. I love you, Brandon, and I always will anuman ang mangyari. I wanted to be your freedom... gusto kong sumama sa iyo kahit saan, kahit kailan. But you will have to ask me, Bran. At sa sandaling sabihin mo iyon, tiyakin mong totoo. Hindi dahil may gusto kang panagutan..."

"I—don't deserve you..."

"Marahil. Pero hayaan mong ako ang magpasya niyon." tumalikod siya at nagpatiunang lumakad patungo sa lantsa hoping against hope na hindi bibigay ang mga luha niya.

MsoNos

Midnight PhantomWhere stories live. Discover now