Chapter 8

24.6K 685 7
                                    

"Ipagpaumanhin mo, Miss dela Merced, pero kailangan ko nang bumalik sa mikropono..."

"Oh, please..."

Napatingala si Brandon. He couldn't resist the plea in her voice. He sighed. "Nice talking to you, Nadja..." at ibinalik sa receiver ang telepono nang mabigat ang dibdib.

Matagal nang nakababa ang telepono ay nakatitig pa rin dito ang dalaga. "You can't get away that easy, Midnight Phantom. Ipinangangako kong magkikita tayo," determinado niyang sinabi. Ibinagsak ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. "...kung paano ay hindi ko pa alam." isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago muling itinuon sa radio ang pansin. On the air na ang DJ at muli ay nangarap ang dalaga.

SA istasyon ay kausap ni Brandon si Mike sa pagitan ng commercial break.

"She's beautiful, Bran. Hindi ko na sinabi sa iyo dahil ano naman ang silbi? I warned Karen pero mukhang naipakita pa rin sa kanya ang litrato mo. She was so excited nang malamang I worked here. Wala namang unusual doon. Tulad din ng ibang mga listener mo," paliwanag ni Mike na nagtataka sa kuryusidad ng kaibigan.

"Gusto ko siyang makita, Mike..."

"What?"

"I was intrigued by her. And I like the sound of her voice."

Natawa si Mike. "Hindi siya ang unang babaeng tumawag sa iyong may magandang boses, Bran. Why the curiousity?"

Nagkibit ng mga balikat si Brandon. Hindi niya kailangang sabihin sa kaibigan na sa dalawang pagkakataong nakausap niya sa telepono ang dalaga ay parang may kung anong bagay ang bumubugbog sa dibdib niya and also the sudden tightening of his stomach.

"Gusto mong makita ka niya?" Hindi maiwasan ni Mike ang bahagyang excitement at galak sa tinig. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng mga taon ay nagkaroon ng interest sa ibang babae ang kaibigan.

Umiling si Brandon. "No. I will attend the graduation rites. Tamang-tama dahil naroon ka rin para kay Karen, 'di ba?" nagsasalubong ang mga kilay na tumango si Mike "I will see her from a distance. Hindi ako magtatagal. Gusto ko lang masatisfy ang curiousity ko."

"Oh, you will be satisfied, Bran, dahil maganda ang classmate na ito ni Karen. Young and beautiful..."

Muling nagkibit ng mga balikat si Brandon at ini-on ang mikropono upang bumalik sa ere.

Midnight PhantomWhere stories live. Discover now