Chapter 21

29.2K 678 14
                                    

Sa Greenhills ay hindi na malaman ni Anya ang gagawin nang malamang wala pa sa bahay si Nadja pagdating niya.

"Alas-onse na ng gabi, Yaya Melba. Saan daw ba sila magsu-swimming ng kaibigan nito?" May panic sa tinig niya. Palakad-lakad sa tabi ng telepono.

"Wala siyang sinabi, Anya. Kinakausap ko pa siya nang dumating ang sundo niya. Pero sinabi niyang kaibigan ng kuya ni Karen ang sasamahan niya. Bra...Brandon yata ang pangalan nito..."

Nagsalubong ang mga kilay ni Anya. Brandon? Pagkatapos ay umiling. Mabilis na pumanhik ng silid ng stepdaughter. Hinalungkat ang mga gamit upang hanapin ang telepono ni Karen. Nakita niya iyon sa bag ni Nadja. Mabilis niyang idinayal ang linya.

Ginising lang si Karen at nagulat pa ito nang sabihin ng maid na si Anya ang nasa linya.

"Karen, wala pa si Nadja. Ang bilin niya rito ay kasama siya ng kaibigan ng Kuya mo. Kilala mo ba kung sino ang kaibigang iyon at kung nasaan sila?"

"Ang... Kuya Brandon po siguro ang kasama ni Nadja, Tita Anya. Hindi ko po alam kung nasaan sila dahil hindi naman sinabi ni Nadja sa aking magbi-beach sila. Tawagan po ninyo ang kuya Mike sa istasyon...opo... heto po ang number..."

Si Mike mismo ang sumagot sa telepono. "Speaking. Sino ito?"

"Si Mrs. dela Merced ito... Anya dela Merced."

"Anya..." isang mahabang paghinga ang pinakawalan ni Mike.

NAG-IISA na lang si Nadja sa kama paggising niya. Mabilis siyang kumuha ng t-shirt sa knapsack at isinuot. Pagkatapos ay lumabas. Wala si Brandon.

Lumabas siya sa balkonahe nang matanaw niya ito sa dalampasigan. Nakaupo ito sa buhangin at nakaharap sa dagat. She smiled at bumalik sa loob ng silid.

Her body sore pero hindi kayang mangibabaw noon sa nadarama niya para kay Brandon. Nagliligpit siya ng higaan nang matuon ang mga mata sa CP ng binata sa tokador. Kinuha iyon at mabilis na idinayal ang numero ng bahay nila.

"Nadja! Oh, hija, saan ka naroroon?" Si Anya. Bakas ang pag-aalala, panic, at galit sa tinig. At narinig ng dalaga ang paghikbi nito.

"Mommy, I'm sorry. Hindi ko nagawang magpaalam sa inyo..."

"Sabihin mo sa akin kung nasaan ka at pupuntahan kita ngayon din!"

Umiling ang dalaga. Tumatanggi ang isip. "Please, Mommy, walang masamang nangyayari sa akin. Magkasama kami ni..."

"Brandon Brazil," agap ni Anya. "Oh, darling, I'm so sorry." tuluyan na itong napaiyak.

"Mommy, what's wrong..." nagtatakang tanong niya.

"Listen, Nadja. Kung kaya mong umalis sa lugar na iyan ay umalis ka ngayon din. Hindi alam ni Mike kung saan kayo nagtungo ni Brandon..."

"Mom, I'm all right. Wala kayong dapat ikatakot."

"Makinig ka, Nadja, sa ipagtatapat ko. And I hope you will try to get out of that place kung saan man iyan..." kung gaano katagal nagpaliwanag ang madrasta ay hindi na alam ng dalaga. Shock was an understatement sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Nanlambot ang mga binti niya at napaupo siya sa stool ng tokador.

"K-kayo ang dahilan kung bakit ganoon ang kaliwang pisngi ni Bran, Mommy!" May akusasyon sa tinig niya kasabay ng matinding pagkabigla.

"At naghihiganti si Brandon, hija. At ikaw ang napili niyang paghigantihan. Oh, I could kill him! Kasalanan kong lahat ito, Nadja." patuloy sa pag-iyak si Anya.

"Mommy... please..." aniya nang makabawi sa pagkabigla. "Huwag kayong mag-alala, walang ginagawang masama sa akin si Brandon, maniwala kayo. Sumama ako sa kanya nang kusang loob. Hindi niya ako pinilit at uuwi din kami. Maaaring bukas o sa isang araw. No, hindi ko sasabihin sa inyo kung nasaan kami. Mommy, please, calm down." napatuon ang pansin niya sa may pinto. Nakatayo roon si Brandon. Walang emosyon ang mukha at nakatitig lang sa kanya. Pagkatapos ay tumalikod ito.

Midnight PhantomWhere stories live. Discover now