“Do you think what you’ve just done is right? Hindi mo lang ginago ang kapatid mo, binaboy n’yo pa ang pamamahay na ‘to. Nasaan na ang respeto mo sa amin ng Daddy mo?”

  Binalingan ni Mayreen si Raquel. “At ikaw babae, akala mo ba ay nakatisod ka ng ginto? You’ve got the nerve to play with my sons! Anong klaseng babae ka?”

  “Mahal ko po ang anak n’yo.”

“Really? Which one? Wait, don’t even bother to answer, because you won’t be getting either one of them.”  

“I love her, Mommy.” Matatag na sabi ni Karlo.

“I don’t care! Get that bitch out of my house, now! Hinding-hindi ko 'yan matatanggap sa pamilyang ito.”

“You won’t see me again,” pananakot ni Karlo, bago ito lumabas ng bahay na iyon.

  Karlo dropped out from school. Hindi na ito muling umuwi at nagpakita sa kanila. Their Dad blocked his ATM and bank accounts, para mapilitan sana itong umuwi, pero wala pa ring Karlo na dumating. He had always been rebellious even as a child. Lagi na ay sangkot ito sa mga away. He had tried everything, from cigarettes, to weeds and then shabu. Masyado silang nag-alala na lalo lang itong mapasama sa lansangan.

One night ay bigla na lamang dumating si Raquel sa condo niya. Umiiyak ito at naghihingi ng isa pang pagkakataon. Sabi nito ay siya daw ang talagang mahal nito. Natukso lamang daw ito kay Karlo dahil sa pagiging maalaga ng lalaki dito, bagay na hindi nito naramdaman mula sa kanya. Sabi nito ay nagkulang siya ng panahon dito, dahil abala siya masyado sa pag-aaral at basketball. Hindi raw nito naramdaman na mahal niya ito. Such an awful way to justify her infidelity.

  He loved her, dahil kung hindi, hindi naman siya masasaktan sa kataksilang ginawa nito.

  Ang mas nakakabigla ay nang sabihin nitong buntis ito at siya raw ang ama ng bata. Who the hell in his right mind would believe that? Higit dalawang buwan na itong nawawala kasama si Karlo, and even when they were still together ay pinagsasabay na nito silang magkapatid. How could he be so sure na kanya nga ang dinadala nito? Worst, paano kung may ibang lalaki pa na nakisawsaw dito?

  “Are you kidding me? How can I even be sure na isang Salvador nga ang dinadala mo?”

“Maniwala ka sa akin, Ahrkhei. Anak mo ang dinadala ko.”

“You can’t fool me again. Try that drama on Karlo. I’m sure he’s pretty dumb to believe anything you say.”

“Ahrkhei, please. Ikaw ang mahal ko. Mag-umpisa tayo ulit.” 

Paano pa niya ito matatanggap pagkatapos ng ginawa nitong gulo sa pamilya nila? How could he still love and trust that kind of woman? Hindi niya ito tinanggap. Pinagsarhan niya ito ng pinto nang mismong oras din na ‘yon.

  Nang pabalik na ito kay Karlo ay naaksidente ang sinasakyan nitong bus. She died on the spot. Doon pa lamang lumitaw si Karlo. He was so devastated when he found out that she was six weeks pregnant, at hindi man lang sinabi ng babae dito.

That time he felt both relieved and guilty. Nakahinga siya sa confirmation na hindi siya ang ama ng bata, kaya tama lang na hindi niya tinanggap ulit si Raquel. Pero kasalanan niya kung bakit naaksidente ito nang gabing iyon. Kung hindi niya ito ipinagtabuyan, sana’y hindi ito nakasama sa malagim na vehicular accident na iyon.

Hindi niya sinabi kahit kanino ang tungkol sa pagpunta ni Raquel sa kanya. It would hurt Karlo even more. It would enrage him, at lalo lamang itong mapapasama. Lalo lamang lalaki ang hidwaan nilang dalawa. Up until this moment ay dala-dala niya iyon sa dibdib niya.

  Nang magkita sila ni Karlo sa isang photo exhibit four years ago ay niyaya niya ito na maging photographer sa bubuksan niyang photo shop. Napapayag naman niya ito. Maybe because he had finally moved on, at dahil hilig nilang pareho ang photography.

They treated each other like nothing happened in the past. Pero hindi pa rin ito humaharap sa mga magulang nila. Karlo somehow blamed their parents for his misery in life. Kung hindi ito pinalayas, siguro ay hindi ito naghirap. Siguro ay hindi rin sana naisip ni Raquel noon na bumalik na lang sa piling niya.

Itinanim niya sa isip na hindi na dapat mangyari ulit ang gan'on. Naging maingat na siya para hindi na siya maloko ulit. Iniwasan niya na magkaroon ng attachment sa kahit na sinong babae. Iniwasan din niya na ma-involve sa mga babae na nasa sirkulasyon nilang magkapatid, for fear na maulit ang nakaraan.

  Nang makilala ni Karlo si Cherry ay natigil ang pagpapalit-palit nito ng babae. Naisip niya na natagpuan na ni Karlo ang babaeng papalit kay Raquel sa puso nito.

Nang makita naman niya si Deejay sa party ay nakuha agad nito ang atensyon niya. The way she walked so gracefully made him watch her every move. Nang magpakita rin ng interest si Karlo dito ay umatras siya. But there was something about Deejay that kept on pulling his eyes back on her.

And when they shared that kiss, he felt like it was such a natural thing to do, like those luscious lips had been meant for him alone. He instantly felt their deep connection, like they had always been meant for each other. Right there and then, he swore that he would never let go of this woman, no matter what happened.

Iniwasan niya na magkrus ang landas nina Deejay at Karlo. Dahil kapag nagkataon, hindi niya alam kung makapagpapatawad pa siya ulit. Karlo could have every woman in the world, but not his Deejay. What he felt for Raquel back then was nothing compared to what he felt for Deejay now.  Kahit ilang buwan pa lamang niya itong nakasama, he felt like he had loved her forever.

  Nang ibalita ni Karlo na engaged na ito kay Cherry ay doon pa lamang siya nakahinga nang maluwag. He could finally let go of his worries. Kaya talagang nabigla siya sa mga narinig niya sa shop.

NAGBALIK sa kasalukuyan ang atensyon ni Ahrkhei nang abutan siya ni Karlo ng beer.

  “How about Cherry? Don’t you love her?”

“I love Cherry. Nagkaroon ulit ako ng focus nang makilala ko siya. But, I don’t know, parang may kulang,” natawa pa ito sa sarili nito.

“And yet, you are marrying her.”

Nagkibit lang ng balikat si Karlo. Inihilamos nito sa mukha ang isang palad. “I’m tired of being alone, bro. I want to have a family.”

And you can’t have that with Deejay, man! No way!

  “Maybe it’s time for you to come home, Karlo. Mom and Dad have been so worried about you for a decade now. Ilang beses ka na ba nilang sinadya dito, pero pinagtataguan mo sila.”

Tumahimik si Karlo. Halatang nag-iisip ito kung susundin nito ang payo niya. Tinitigan niya ang kapatid. Ipinagdasal niya na sana naman ay hindi na sila magkaproblema ulit dito. Lalong-lalo na siya, sa mga panahong ito.

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon