[36] Friendship

Magsimula sa umpisa
                                    

Mas lalo silang natawa dahil sa sinabi ko. Ughhh! Pinapainit nila ang ulo ko!

Nalipat ang tingin ko sa lalaking hindi nakikisama sa pagtawa nila. Seryoso lang siyang nakatingin sa mesa sa harapan niya at hindi ako tinitingnan. He’s obviously ignoring me.

“Summer, tama na ‘yan. Ihahatid na kita,” bulong ni Storm sa tabi ko.

“Ayoko sabi ehhhh!” saad ko at saka lumapit kay Israel.

Katabi niya si Jack Frost kung kaya’t madadaanan ko muna si Jack bago makapunta sa harapan niya. Pero imbes na huminto sa harapan ni Israel ay huminto ako sa harapan ni Jack. Tiningnan ko muna si Jack bago ko inilipat ang tingin kay Israel at inilahad ang kamay ko sa kanya.

“Dance with me.” Seryosong saad ko.

Naramdaman ko na lang na may kung anong mainit na luha ang nagbabadyang tumulo sa sulok ng mga mata ko. Siguro marahil ay dahil iyon sa pagbabalewala ng lalaking nakaupo ngayon sa harapan ko sa akin. Hindi ako sanay na hindi niya ako kinakausap. Kahit na lagi siyang galit sa akin, kinakausap niya pa rin ako. Pero ngayon, he’s completely disregarding me….and I didn’t know it’ll hurt like this.

Mukhang napansin ni Israel na maiiyak na ako ng tuluyan kung matagal pa akong mananatiling nakatayo roon kung kaya’t tuluyan na siyang tumayo at hinila ako palayo sa mesa nila. Dinala niya ako sa pinakagitna ng dance floor at mukhang sinadya niyang doon kami pumwesto para matakpan kami ng ibang nagsasayaw at hindi makita ng mga kaibigan niya.

“Now you can cry here.” Mahinang bulong niya.

Pagkasabi niya noon ay tuluyan nang tumulo ang luhang kanina pa nagbabadyang pumatak. Nanatili lang kaming nakatayo at magkaharap sa isa’t-isa at hindi sumasayaw.

“Nababaliw na ata talaga ako,” nakangiting saad ko at pinunasan ang nabasang pisngi ko.

Napabuntong hininga siya bago malamig na sumagot. “Epekto lang ‘yan ng alak,” saad niya. “Kapag umiinom ka, nawawala ka sa sarili mo at nasasabi ang mga bagay na hindi mo dapat masabi. Kaya nga may ibang umiinom para magkaroon ng lakas ng loob.” Eksplenasyon niya.

“Ah…ganoon pala.” Sagot ko at saka tumango-tango.

“Bakit kasi umiinom ka kung hindi mo naman pala kaya?” tanong niya.

“Galit ba siya sa akin?” malayong sagot ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya at iniwas ang tingin. “Ayokong maging comforter. Magpahatid ka na kay Storm.” Saad niya.

Hahakabang na sana siya para umalis pero natigilan siya nang hawakan ko siya sa may braso.

“Hindi mo ba ko pwedeng samahan kahit saglit lang? Ayokong maging dependent kay Storm. Parati na lang siyang nandyan para sa akin…ayokong maging abuso.” Saad ko at may luhang muling tumulo mula sa mga mata ko.

Frustrated siyang napahawak sa noo niya at muling bumalik sa harapan ko. Halata sa itsura niya na napipilitan lang siya pero kahit na ganoon ay alam kong behind his action, he cares.

“Thank you,” saad ko. “Thank you dahil hindi ka umalis kahit na ayaw mo sa akin.”

“Huwag mong isipin na dahil dito ay kaibigan na ang turing ko sa’yo.” Diretsong sagot niya.

Ngumiti ako at dahan-dahang tumango. “I know.” Nakangiting sagot ko.

Napatitig siya sa mukha ko at bigla na lang nag-iwas ng tingin. “Huwag mo akong ngitian ng ganyan. Baka magbago ang isip ko at iwan ka.” Saad niya.

Kaagad akong sumimangot pagkasabi niya noon. Nanatili kaming nakatayo at magkaharap habang patuloy sa pagtugtog ang romantikong tugtog. Patuloy lang sa pagsayaw ang mga tao sa paligid namin habang kami naman ay tahimik lang na nakatayo.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon