Chapter 4-His Admission

4.3K 156 4
                                    

Maagang nagluto ng masagang agahan si Manang Krising. Ito ang unang agahang kasalo ulit nila si Ysabelle mula nang magkasakit ito. Nagluto siya ng afritadang karne ng baka at chopseuy. Nagblend din siya ng preskong pinya na mula pa sa mismong farm ng Del Rosario. Sabay na dumulog sa mesa sina Dexter at Diego na maaga rin nagjogging sa labas.

"Tatawagin ko muna si Ysabelle."ani Manang Krising.

Pagbalik nito sa hapag ay kasama na nito ang dalaga.

"Good Morning Ysabelle. Halika." Tumayo si Dexter at ipinagbuhat siya ng upuan sa tabi nito. Nakangiting umupo ang dalaga. Sa pagkakataong iyon, nagtama ang kanilang mga mata ni Diego na nasa tapat nila nakaupo. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. Nalilito tuloy siya kung likas ba itong suplado at pakitang tao lang pakikiramay nito sa kaniya kahapon nang marinig nito ang kuwento niya. Sabay silang apat na kumain. Halos mawalan ng gana ang binata nang makitang masigasig na inaalalayan ni Dexter si Ysabelle mula sa pag-abot ng ulam at pagsalin nito ng juice sa baso. Ngitngit na ngitngit siya kaya hindi siya sumasali sa pagkukuwentuhan nila kasama ang matanda.

"Manang Krising ang sarap ninyo talagang magluto."nakangiting wika ni Dexter.

"Naku Sir, kung natikman ninyo lang ang luto niyang pininyahang manok sigurado akong makalimutan ninyo ang pangalan ninyo."natatawang wika ng dalaga. Mas magaan ang loob niya sa binatang ito. Dexter is a gentlemay type. May sense of humor at palakaibigan. Actually he's handsome like Diego ngunit magkaiba lang ang kanilang tindig. He's gentle and unlike the other man that seemed to be dangerous.

"Hindi naman sir. Nasanay lang talaga akong magluto ng piniyahang manok sa mahabang panahon. Tinuruan ako noon ng pumanaw kong asawa."nakangiting sabi ni manang.

"Ang sarap talaga ng buhay may asawa siguro ho ano manang Krising?"tanong ni Dexter na nagbigay ng makahulugang sulyap sa dalaga. Hindi iyon nakawala sa sulok ng mga paningin ni Diego na nakikinig lang.

"Sabi nila, kahit gaano ka raw ka mayaman kung wala kang asawa at pamilya hindi ka pa rin raw magiging masaya."wika nito.

"Hayaan mo manang Krising, pakiramdam ko nahanap ko na ang magiging asawa ko."pilyong wika ng binata. Biglang tumayo si Diego pagkatapos ay tinungga ang juice at lumisan doon. Masakit sa teinga niya ang kanilang pag-uusap roon.

"Hayy, ang pinsan ko talaga. Ang wierdo." Napailing nalang si Dexter.

Nagbilin si Diego kay Manang Krising huwag munang pagtrabahuin si Ysabelle sa buong buwan. Baka raw mabinat ito. Nagtataka nga ang matanda sa sinabi ng kaniyang amo ngunit may lihim siyang interpretasyon sa mga kilos nito. At sa kaniya na lang muna iyon.

"Manang Krising, tulungan ko na po kayo sa pagwawalis dito sa bakuran." Biglang dumating ang dalaga na may dala-dalang walis tingting.

"Naku hija, huwag na baka magalit pa si Sir. Magpagaling ka muna, huwag ka munang magtrabaho. Bawiin mo muna ang lakas mo."nakangiting sermon ng matanda sabay kuha sa walis mula sa kaniyang kamay.

"Hindi po kasi ako sanay na nakatunganga lang."wika niya sabay upo sa malaking ugat ng punong kahoy na naroon.

"Huwag kang mag-alala, ikaw ang pagtrabahuin ko sa lahat ng gawain kapag nakita kong okay na okay ka na."

"Hahaha ano ba iyan manang parang pinaparushan ninyo naman ako niyan."
Napahinto silang dalawa nang makitang umalis si Diego sakay ng sasakyan nito. Naka dark sunglasses ang binata at nakaputing tshirt na hapit sa katawan nito. Bakat sa mga braso nito ang matipuno nitong katawan. Lumingon ito sa gawi nila at nakatitig rin siya dito.

"Ang guwapo niya talaga." Sinundan niya ng tingin ang sasakyan hanggang sa mawala na ito sa kaniyang paningin.

His Forgotten Heart (A New Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon