Chapter 2- Unmasking her

4.6K 161 4
                                    

Mataas na ang araw nang magising si Diego. Bumalik sa kaniyang balintataw ang magandang mukha ng babaeng nakita niya sa batis kahapon.

"What is happening to you, Diego? You are cheating Zarah now."

Kahit pilit winawaglit ng binata ang imahe na iyon mas lalo pa iyong nagsusumiksik sa kaniyang isip. Mas lalo siyang nahiwagaan kung sino iyon lalong lalo na nang malaman niyang naligo rin pala si Ysabelle doon. Ipinikit ng binata ang mga mata at napaisip. Ang bulto ng babaeng nakita niya sa batis ay parehong pareho sa dalagang katulong na bago pa lang niya nakilala. Ngunit taliwas ang pagmumukha ng dalawa.

"Imposimble na si Ysabelle siya."

Bumangon na lang si Diego at gaya ng kaniyang nakaugalian ay tumungo siya sa kusina para magkape. Bago pa siya tuluyang makapasok ay may narinug siyang tinig na umaawit. Si Ysabelle naghuhugas ng mga pinggan na ginamit sa pagluluto. Tumikhim siya para maagaw ang pansin nito. Nagulat ang dalaga nang makita siya.

"Magandang umaga sir!"nakangiti niyang bati. Mediyo napatitig ang binata sa kaniya na animoy pinag-aralan ang buong pagmumukha niya.

"Bakit po?"takang tanong niya rito.

"Ah wala naman. Nasaan si Manang Krising?" ibinaling ni Diego ang paningin sa lalagyan ng mainit na tubig.

"Tumawag po kasi ang anak niya, kaya ayun siya sa labas."

Tumalikod si Ysabelle at nagpatuloy sa paghuhugas sa lababo. Doon nagkaroon ng chance ang binata upang mapag-aralan ang hubog ng katawan nito. Katulad ng nakita niyang babae kahapon, maputi rin ang dalaga at makinis ang balat. Kaya mas lalo siyang nahiwagaan sa pagkatao nito. Habang titig na titig si Diego sa naghuhugas na katulong ay biglang pumasok ng kusina si Manang Krising na halatang namumula ang mga mata palatandaan na umiyak ito.

"Magandang Umaga sir."malungkot na wika ng matanda at tumabi kay Ysabelle.

"Oh, manang, bakit ka umiiyak? Namumula iyang mga mata mo?"baling ng dalaga sabay sipat sa mga mata ng ginang at hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Diego.

"May problema po ba kayo Manang Krising?"nag-aalalang tanong ni Diego.

Humihingos na nagsalita ang matanda at pigil ang mga luha na nagbabadya ng dumaloy.

"Namatay iyong isang apo ko sir. Samakalawa na raw ililibing."tuluyan ng umagos ang luha nito.

"Naligo daw sa ilog na hindi nagpaalam. Akala ng mama niya pumunta sa bahay ng kaklase ngunit sumama pala sa kapitbahay nila at naligo sa ilog. Eh, nung isang araw ay bumaha raw sa kanila at mataas pa rin ng tubig kaya nalunod."nagpatuloy sa pagkuwento ang ginang at seryoso namang nakikinig ang dalawa.

"Condolence po manang. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay dahil alam mo naman na dumanas rin ako sa ganiyan. Huwag kang mag-alala papayagan kitang umuwi muna sa inyo sa loob ng limang araw. Bibigyan na rin kita pera para may maiabot ka sa pamilya pagdating mo roon."wika ni Diego.

"Hindi na lang po siguro sir, walang kasama si Ysabelle sa mga gawain dito."nahihiyang sabi nito.

"Naku, hindi manang. Okay kang ako kaya ko naman lahat ng mga trabaho dito. Bata pa naman ako wala kang ipag-alala."sabat ng dalaga habang pinupunasan ang mga pinggan upang matuyo.

"Oo nga manang. Sige na mag-empake ka na at ihahatid kita sa sakayan ng bus."wika ng binata at tumayo na matapos maubos ang kape nito.

"Naku, salamat sir. Napakabuti ninyo po talaga."natutuwang wika ng matanda.

His Forgotten Heart (A New Complete Story)Where stories live. Discover now