DISCUSS...

DISCUSS...

DISCUSS...

DISCUSS...

Then BOOM dismiss!!!

Tumayo na ako at inayos yung gamit ko. Biglang may kumalbit saakin.

"Hey." Walang ganang tawag niya kaya nilingon ko naman siya at---Pok! Nabigla ako nang sinundot niya ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya. Asar! Ayan na naman. Sinimangutan ko naman siya.

"Ayan ka nanaman diyan, ha. Umayos ka, Torres." Banta ko. Ngumiwi lang siya saka ako inirapan. Ang taray, ah!

"Tss. Makaalis na nga." Cold na sabi niya. Saka naunang maglakad sa may pinto. Napabuntong hininga lang ako saka walang ganang sumunod pero bigla siyang napahinto dahilan para mauntog ako sa likod niya. Grabe para talagang matigas na pader 'tong taong ito. Tumama tuloy 'tong kawawan ilong ko. Aray!

"Problema mo ba? Tumabi ka nga riyan. Paharang-harang e." Inis kong sabi sabay hilot ko sa ilong ko.

Napansin ko namang hindi parin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya at nakatutok lang ang atensyon niya sa labas. Kaya bahagyang tinulak ko siya at inilusot sa may labas ng pinto ang ulo ko. Napasinghap ako saglit dahil hindi ko inasahan ang nakita. Yria is currently standing infront of Glaire.

Nanatili lang silang nagtititigan. At tila parang hinihintay nila kung sinong unang kukurap sakanila.

Umusog naman itong si Glaire para bigyan na ako ng space para makadaan kaya kinuha ko kaagad yung opportunity para makalabas.

"Go ahead. Sabihin mo na lang doon sa maingay mong kaibigan na may kailangan akong gawin."
Seryosong sabi niya kaya naman iniwan ko na sila doon. Teka, magkakilala ba yung dalawa? Talagang hindi pa namin lubos na kilala yung Glaire na iyon. Ang weird lang kasi ng pagkatao niya.

Mga ilang minuto lang ay narating ko na rin yung tagpuan namin nila Cheyenne. Tanaw ko na rin siya mula sa malayo. Ngiting ngiti nanaman. Pero mukhang may hinahanap siya at nung makumpirmang wala yung si Glaire ay mukhang nabagsakan siya ng maraming palanggana sa ulo. Ay na-disappoint ang gaga.

"Hoy! Nakabusangot ka ata riyan? Hinahanap mo nanaman yung si Glaire, ano?" Nang-aasar na sabi ko. At hindi pa rin nagbago yung mukha niya naka-NGUSO pa rin.

"Iyon ba? E kanina sinundo siya nung Yria tapos balak ata silang magtanan." Biro ko tapos mukhang umepekto. Bigla kasing lumaki ang mga mata niya na parang papatay na ng tao. Itinuloy ko pa rin ang pangaasar.

"Teka, mga bading ba iyang mga crush mo? Parang may affair e?"

Sobrang matatawa na talaga ako. Iba na klase iyong mukha niya e. Lumalaki na yung butas ng ilong niya.

"Ahahaha--Aahahahahaha!!! Wahhh!!" Hindi ko na napigilan ang paghagalpak ng tawa ko. "Look at your face!"

"Grrr! Nakakainis ka naman Cielle e. Pero seriously totoo iyon?" Nag-aalalang sabi niya.

"Pffft...Ano ka ba? Joke lang iyon. Para kang sira. Uto-uto ka naman." Sabi ko habang nagpipigil pa rin ako ng tawa. Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag.

"Hay, akala ko totoo na e. Kainis ka, Cielle a. Hindi magandang joke yun." Sabi niya talaga na mukhang nabunutan ng tinik.

"Tch. Engot! Hindi na raw siya sasabay sayo. Napaka-ingay mo raw kasi." Dagdag ko pa.

"I hate you na talaga! Iyong totoo nga kasi?" Naka-pout na siya.

"Oo na. Ang totoo kasi niyan biglang nagkita sila nung Yria. E pinauna niya na ako dahil may gagawin pa raw siya. Para saakin, okay lang iyon para matigil na muna ang pang-aasar niya saakin."

Heiress(Part One:COMPLETED) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt