Chapter Five

60 2 0
                                    

Tri's POV

Friday.

May  something about sa araw na 'to na hindi ko gusto. Naka-fatigue kami ngayon, CAT day eh. You win, Ryan. Pano ba naman kasi tuwing tatanungin ko sa kanya kung anong meron sa Friday, ngingiti lang siya.

"Evo, ano ba problema nun?" Magshu-shrug lang si Evo kada tatanungin ko ng ganun.

"Ikaw ata?" Sagot naman ni Vic. Whaaat. Si Jesse naman, ngingiti lang tapos sasabihin na baka balak akong chiksin ni Ryan. As if naman gagawin ko yun noh. Turns out, apat silang CAT officer kasi may rank sila sa may kwelyo. Lahat sila may isang bilog sa kwelyo eh.

"Anong posisyon mo?" Tanong ko kay Evo nung tumabi siya sakin sa Astro. "Secret. Malalaman mo din naman yun mamaya, wag atat." Sagot niya ng nakangiti.

Tumingin ako kay Miss Paloc. Wala akong ma-absorb sa mga sinasabi niya. Nung isang araw, umiiyak yun eh. Nabalitaan niya kasing wala na si Kris sa EXO. Hanggang ngayon pula pa din yung mata niya na parang laging galing sa iyak tapos may OT12 na pin sa right chest.

"Alam mo dapat nililigawan na kita eh, mamaya maunahan pa ako ni Ryan."

Napatigil ako dun sa sinabi niya. Wag ka mamula, Patria. Wag kang mamula. Pero kahit anong sabi ko sa sarili ko, nararamdaman ko parin yung init ng mukha ko. Nakakahiya.

"Uy, namumula siyaaaa. Crush mo na 'ko noh? Hoy. Bakit ka namumula? Nice."

Inayos niya kwelyo ko, nakangiti pa din siya. Gaaaawd. Bakit ba ganito 'tong lalaking 'to.

"Alam ko naman na crush mo 'ko eh. Okay lang. Sabi sa Reader's Digest, 90% daw ng mga tao pagnalaman nilang may crush ka sa kanila, nagiging crush ka din daw nila. So yeah, malay mo may chance ka sakin." *wink*

"Ulul."

"Labyu."

"Gago."

Tumawa siya ng malakas kaya napatingin samin si Miss Paloc tapos tumingin kay Ryan na natutulog nanaman. "Pre, naka-uniform ka oh." Sabi ni Evo. Biglang nagtransform yung boses niya. Naging Evo-the-officer nanaman siya.

"Hindi naman ako natutulog, nakikinig kaya ako sa landian niyo." Dahil dun, napangiti nanaman si Evo. "Pasalamat ka hindi ko pa 'to inaakbayan, alam ko kasi mga limitasyon ko." Okay. Help me breathe. Uminit nanaman yung mukha ko. Enebe.

H.E.A.S.T.H.E.YWhere stories live. Discover now