Chapter Three

70 2 0
                                    

Nagising ako around 5:30 AM. 8 kasi pasok namin sa school pero 7:30 palang dapat nandun na kami para sa flag ceremony. Tinignan ko yung schedule ko na pang Tuesday.

Values Education

Social Studies

Literature & Creative Writing

Break

Music

Math

Lunch

Astronomy

Physics

Physical Education

Seryoso? Values Education ng umaga? Ano ba naman 'tong schedule ni Ryan oh. Sana Creative Writing nalang kasi super favorite ko yun. Ngayon na din ako kukuha ng dorm. Ang sabi ni Jesse, wag daw Building D. Kaya sa Building C nalang daw ako sabi ni mommy. May vacant daw kasi dun tapos sariling CR at sayo lang yung kwarto.

"Mom, una na po ako!" Sigaw ko kay mommy. Quarter to six na hindi pa ako umaalis. Baka malate pa 'ko neto. Hay nako talaga. Pag may dorm kasi mga 10 minutes lang lalakarin ko para makapunta sa school.

"Hindi ka na ba magpapahatid?"

"Hindi na po."

Tapos lumabas na ako at sumakay ng jeep.

Pagkadating ko sa school pumunta ako sa may registrar tapos nag-inquire ng dorm. Sabi nila pwede na daw ako lumipat as soon as possible sa room ko. Building C,  room 346. Third floor. Wow. Tapos may balcony pa daw yung room ko. Ayos. Kaso dalawang room daw yun sa edge ng building so bale may ka-share ako ng balcony. Binigay din yung passcode ng pintuan ko.

Music.

Katabi ko nanaman 'tong epal na 'to. As usual. Bakit kasi naging Roque pa apelido neto eh. Ang tahimik niya. Mabobored ako neto ng isang taon. Ugh. Pero kailangan ko pang ilakad si Kathleene dito sa epal na 'to. Haaaay. Tumingin siya sa'kin tapos nag-sigh.

Muntanga talaga 'to. Tapos na alala ko.. "Uy thanks for the add ha."

Nagsmirk lang siya tapos tumingin nanaman siya sakin. Yung mga tinginan na sa mata mo talaga nakatingin. Ang ganda pala ng mata niya. Okay. Wag ganun, Tri. Bad yan.

"Thanks for the add? Ano ka jejemon? Tss." Tapos bumalik ulit siya sa pagtunganga sa teacher. Tapos hindi nanaman kami nag-usap. Ogag talaga 'to. Ugh. Bakit ba kasi ako tinabi sa ganitong klaseng tao. Grr.

Diniscuss ni Sir B. yung tungkol sa mga Western Music tapos pinagtry kami ng rhythm eklabush tapos pinagnotes kami.

"Feel ko lang kasi na i-add ka. Masama ba? Tsaka alam ko naman na tinatry mo akong i-add kagabi." Biglang sinabi ni douchebag pagkatapos niyang picturan yung nasa board. Ugh. Ang kapal niya talaga fiveever. Tss. Pero totoo naman kasing tinatry ko siyang i-add kagabi.. pero kahit na ba! Kafal padin.

Ay oo nga pala. Yung board namin dito, touchscreen tapos laging nakapowerpoint presentation yung mga lectures. Tuwing Math lang may whiteboard at pati sa Physics Lab at Astro. Pwede din magdala ng gadgets dito, mas preferred nga nila na magtake down notes sa laptop or tablet or phone o kaya pwedeng picturan mo nalang kung malinaw cam mo.

"Ry--"

"Ay oo nga pala. Friday is CAT day kaya mag-avail ka na ng fatigue mo sa bookstore."Ang dami namang gastos netong school na 'to. Yung CAT namin, once a week lang parang Music, Arts, Health, Computer at PE pero yun lang yung subject na magkakasama lahat ng seniors.

H.E.A.S.T.H.E.YDove le storie prendono vita. Scoprilo ora