Chapter Twenty-three

26.9K 878 93
                                    

"EH, GIRL, sino ba 'yang asawa mong 'yan? Ano'ng work?"

Hindi na nakayanan ni Daleng ang emosyon, kaya naikuwento niya ang lahat sa pinsang si Aurora. Kamag-anak naman niya ang babae, kadugo. Umaasa na lang siyang sana, hindi nito sabihin sa kanyang ina. Hindi niya ikinuwento kay Aurora na model si Sophia at sikat na make-up artist si Taylor.

"Nagtatrabaho sa kompanya dito. Iyong babae nga, kinuha niya para doon din mag-work."

"Hay, ganyan talaga ang mga lalaki. Kahit anong lahi, iisa ang hulma. Kaya kung ako sa 'yo, mag-ipon ka na lang at huwag ka na uling mag-asawa. Magpa-annul ka na. Iyan din ang sinasabi ko kay Nanay. Na wala akong pinagsisisihan kahit nakipag-divorce ako nang walang anak sa asawa kong babaero. So what kung walang anak? Kaysa naman madamay pa ang bata sa kaguluhan ng buhay naming mag-asawa? Naku, tama ang ginawa mo. Bakit hindi mo lalayasan at bakit ka magtitiis? Ang kapal ng mukha ng girl, nagpunta pa talaga sa bahay ninyo."

Iyak lang siya nang iyak si Daleng. Lalong lumakas ang loob niya at nakumbinsi na tama ang kanyang ginawa. At least, nakaka-relate pala sa kanya si Aurora. Kahit paano, nagawa niyang magpahinga. Hindi man lang tumawag sa kanya si Taylor, nagpadala lang ng message at sinasabing padalhan daw niya ito ng message kung okay lang daw ba siya.

Nang hindi magpadala ng message si Daleng ay tumawag ang lalaki pagkaraan ng dalawang oras.

"How's Atlantic City?" bungad agad ni Taylor pagkasagot niya ng tawag.

"Wala na ako doon."

"Where are you?"

"Nasa New York."

"Oh, really? Hindi ka pa uuwi?"

"Gusto kong umuwi. Umuwi sa Pilipinas."

"What?"

"Narinig mo ako. Uuwi na ako sa Pilipinas. Ipa-adjust mo ang ticket ko."

"You're kidding, right?"

"Kidding your face. Nabubuwisit na ako dito sa New York, wala akong magawa. Isa pa, mukha namang okay na kayo uli ni Sophia. Nakita ko nga siya sa bahay mo kanina, eh."

"She just dropped by to pick up some stuff she left long ago."

Sinungaling! Mukhang handang magdahilan si Taylor. Sa isang banda, naisip ni Daleng na baka may koneksiyon sa pagbubuntis niya. Iyon ang mahalaga kay Taylor, ang kasama sa kanilang usapan umpisa pa lang. Siguro, ayaw mabuntis ni Sophia. Siyempre, model. Sa pagkakaalam ni Daleng, hindi puwedeng magbuntis nang wala sa oras ang mga model. May time limit din ang mga modelo. Kapag medyo tumatanda na ay nawawalan na ng proyekto. May deadline din siguro si Taylor kaya ang sabi, sa loob ng dalawang taon, dapat may anak na sila.

Ang kapal ng mukha nito! Napakasinungaling!

"Wala akong paki. Uuwi na ako."

"Tell me what's wrong. We'll talk about it."

"Nababagabag ako ng konsiyensiya ko."

"Say what?"

"Ipinagbili ko ang moral ko. Hindi pa ako nakontento, pati magiging anak ko, ipinagbili ko rin. Ayoko na. Hindi ko kaya." Isang malaking katotohanan pero bahagi lang ng kuwento. Handa siyang sumubok dahil mahal niya si Taylor. Baka may mabuong tama. Pero kung nakikita niyang wala, bakit niya ipagpapatuloy?

Matagal bago nagsalita ang lalaki. "I'm sorry you feel this way."

"Alam ko ang tanong mo, kung paano ang pera. Isasauli ko."

"No... What? How?"

"May paraan ako."

"I'm not gonna ask you to return it anyway. I will ask you one thing though. Can you come to the launch?"

Pusong Mamon (Completed)Where stories live. Discover now