Kabanata 7

3 0 0
                                    

Kabanata 7



"Huy! Tulala na naman? Sino bang iniisip mo? Gwapo ba yan? Varsity? Talented ba? Matalino yan? Baka puchu-puchu lang yan ha? Pakilala mo nga ako," tinignan ko muna siya nang matalim bago umikot ang mata ko.

"Galing ka ba talaga sa America? Parang sa kabilang syudad ka lang nagpunta sa paraan ng pagsasalita mo," at dahil bestfriends kami, ginaya niya ako sa pag-ikot ng mata. Kinuha niya ang tinidor at sinimulan kainin ang cake na inorder namin.

Yes. I'm with my bestfriend, Kersley Barrinuevo. Kakauwi niya lang kahapon after almost four years. Umalis siya after ng graduation namin ng senior high at bumalik siya ditto dahil pinagkasundo siya sa isang lalaki which is schoolmate ko. It's already four in the afternoon at kakatapos lang naming ayusing ang requirements niya para sa paglipat sa school namin.

"Of course! Pero siyempre, updated pa rin ako sa mga kaganapan dito. Except lang sayo," I arched a brow while taking a sip on my coffee. Bago pa man ako makapagsalita ay may naidagdag na siya.

"Care to explain? Hmm?" Hindi ko siya pinansin ako naman ang kumuha ng tinidor para simulan ang pagkain sa cake ko. I lost my communication with her when Sean and I started our secret relationship. Kung hindi ako nagkakamali, ang huling sinabi ko sa kanya ay may boyfriend na ako. After that, nagdeactivate na ako at gumawa ng dummy account. Kaya hindi ko siya masisisi kung naghahanap siya ng impormasyon tungkol sa akin ngayon.

"I have nothing to explain,"

Ibinaba ko ang tinidor at sumandal sa upuan. I took my phone out of my bag to search for her name on Facebook. Hindi naman ako nahirapan at agad na pinindot ang "Add Friend" button.

Nagulat ako nang biglang may humablot ng cellphone ko. Mumurahin ko na sana kung sino man 'yon nang makita kong hawak na ni Kersley ang cellphone ko. Matapos niyang makita ang ginagawa ko sa cellphone ko ay nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Buti naman at naisipan mo pang magfriend request?" natahimik ako sa sinabi niya at muling humigop sa tasa ng kape. Ibinaling ko ang tingin ko sa glass wall ng coffee shop kung saan hindi ko na makita nang ayos ang nasa labas dahil sa matutulis na patak ng ulan sa salamin. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mahinang beep na mula ata sa Messenger ko. Buti na lang at wala kaming kalapit dito sa pwesto namin sa coffee shop. Hahablutin ko na sana ang cellphone ko nang ilayo niya ito. Epal!

"From Shanaiah Choi, may meeting daw kayo sa Monday at 8am about the movie since nasa kalahati naman na daw kayo ng shooting. Hmm...friend request from..." natagalan siya sa pagsasalita kaya hahablutin ko na sana ulit nang, "Von Gabriel Lienzo."

Von Gabriel Lienzo? Si Ironvon?

"Anong sabi?" mula sa pagkakasandal ay tumuon akong muli sa table. Nagtaka naman ako sa paraan ng pagtingin niya sakin pagkatapos ay tumawa.

"What's with this guy, Lois? You look so interested on him. Kaya ka ba tulala dahil sa kanya?" nasundan pa 'yon ng tawa na puno ng pang-aasar. Tss...

"What makes you think that I'm interested on him?" panghahamon kong tanong.

She did the same. Tumuon din siya sa lamesa. With her elbows on the table and her chin in the palm of her right hand, She stares at me as if she can see through me. Iisipin ko na sanang seryoso siya kung hindi lang siya biglaang tumawa.

"Nung binanggit ko yung message nung Shanaiah, you're giving me that bored look of yours. Then what? You're suddenly leaning on the table after I mentioned the guy's name! Siya ba ang boyfriend mo?" she giggled as her eyes went back to my phone. May kaunti pa siyang pinindot at nagpabalik-balik na ang tingin sa akin at sa cellphone ko.

Burning ROSES (ON-GOING)Where stories live. Discover now