Kabanata 3

6 1 0
                                    

Kabanata 3


Matapos kumain ay tumakbo na ako palabas at pumara ng taxi. Shit! Alam kong rude but... nahh. Mamamatay ako dun ng maaga. Sa susunod na lang kami mag-usap. Tsaka punishment? Asa!

Monday ngayon at nagmamadali akong mag-ayos dahil limang minuto na lang at magsisimula na ang unang klase ko para sa araw na 'to. Sino ba kasing nagpauso ng 7 am classes? Ang mahirap pa ay wala namang maid na maghahanda ng pagkain ko dahil sa condo unit na ako nakatira. This time, I brought my own ride with me para mas mabilis.

It is very unusual to see a clear road in a Monday morning. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para magpatakbo ng mabilis. Natigil lang nang makita ko ang pulang ilaw ng traffic light malapit sa kanto na lilikuan ko papunta sa school. Agad na nagsunuran ang iba pang sasakyan sa likod ko. Fifty... forty-nine... forty-eight seconds. Ang tagal! Wala na. Late na ako!

There! Green na! Immediately, my car roared into life as I stepped on the gas. Agaran ang ginawa kong pagliko at di manlang nagslow down. I maintained that speed even after I entered the main gate of the campus. Hindi alintana ang ninenerbyos na mukha ng mga guard.

Hindi ko na pinansin kung nai-park ko ba ng ayos ang sasakyan. Agad kong hinugot ang susi at lumabas na. Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko at nalamang alas otso na. Kung kanina'y nagmamadali ako, ngayon ay hindi na. I walked towards the AVR room as if I still have an hour before my class starts. What's the use of running? Mapapagod lang ako at pagpapawisan. Sa huli ay late pa rin. Hindi tulad ng ganito. Late man o hindi, maganda pa rin. I'm so great.

Walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pinto ng AVR room. Ang alam ko ay may papanoorin kaming video para sa subject na ito at gagawan namin ng reaction paper. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mukha ng professor kong puputok na ang malaking pisngi sa sobrang galit. Maging ang butones ng uniform niya ay mukhang puputok na rin. Ang salamin nito sa mata ay nanliliit sa sobrang laki ng mukha niya. Lalong nawala ang singkit na mata nito gamit ang galit na ekspresyon.

"Ms. Endrina—"

"I am late. I'm sorry, ma'am. Traffic po kasi. And I admit I woke up late because I had to fetch my brother in the airport last night. Thank you for your kind consideration, ma'am. I appreciated it," liar!

"And you still have the guts to cut my words?! Did I asked you to explain? Out! Get ou—"

"Ma'am, excuse po kay Ms. Endrina. May appointment po kami sa Glee Club," thanks, Shanaiah! Nice one! Pinigilan ko ang pag ngiti dahil baka batuhin na ako ng prof namin. Lalong namula ang mataba niyang pisngi. Hala, baka pumutok! Just kidding...

"OUT!" Agad na akong kumaripas ng takbo at hinila si Shan paalis 'don. Tumigil lang kami nang malapit na kami sa auditorium. Umalingawngaw ang tawa namin sa paligid dahil wala naman nang mga estudyante sa paligid.

"Grabe president! Ginalit mo!" Lalo lang ako natawa sa sinabi ni Shan. Maya-maya pa ay kinalma ko na ang saril ko. Pagpasok sa auditorium ay bumungad sa akin ang tawanan ng members ng club kasama si Ironvon. Now, I'm dead...

"Oh, andito na pala ang president niyo. Come on, Lois. We will have an important meeting right now. We need to be productive starting this day. Madaming kailangan gawin for this school year. Lalo na't celebration ng centennial year ng school. We are a big part of that," tumango na lamang ako kay Ma'am Ruiz nang hindi ibinabaling ang tingin sa iba pa at baka ibang tao pa ang makit ko. Umupo ako malapit sa upuan ni ma'am. Nagsi-sunuran naman ang iba pang officers sa mesa kung saan gagawin ang meeting.

"As I've said, we will celebrate the centennial year of our school this upcoming December. Our principal requested us to produce a movie instead of a theater show which is lagi naman nating ginagawa. That's the reason why I was the one who held the audition for Ria's position, together with their own manuscripts,"

Burning ROSES (ON-GOING)Where stories live. Discover now