Kabanata 5

5 2 0
                                    

Kabanata 5




Patakbo kong tinungo ang parking lot ng school. Ni hindi ko na naisukbit ang bag ko sa balikat at hawak na lamang ito gamit ang kaliwang kamay habang ang kanan ay nanginginig at hawak pa rin ang rosas at ang kasamang sulat nito.

I was about to open the door when I saw a familiar body built of a guy standing near to my car. Naaninag ko si Sean na patakbong lumalayo. Siya ba ang nagbigay? Why would he even do that? For what? Laro na naman ba 'to?

Agad na tumama ang isang soccer ball sa kanang pisngi ko. Parte ito ng script. Natapos na ako sa paglalakad at simpleng pananamit.

"Sorry miss! Hindi sinasadya!" patakbo akong pinuntahan ni Ironvon sa pwesto ko. Suot niya ang jersey na katulad ng sa mga players naming ditto sa school. Nasusunod na ang script.

Ipinakita ang isang ekspresyon na tila nagpipigil ng galit dahil sa nangyari. Medyo nahihilo ako dahil sa pagtama ng bola pero pinigilan ko 'yon. Muli kong inalala ang aking linya at binigkas.

"Sa susunod kase, mag-ingat ka! Masyado naman atang malayo ang pagsipa mo ng bola at umabot pa sa pwesto ko? Kainis!" pagsusungit ko habang tinitignan siya ng masama. Hinawakan ko ang parteng natamaan at ramdam ang sakit doon. Hinaplos ko iyon kahit hindi naman nakasulat sa script. Normal lang naman na gawin ko 'to dahil masakit talaga.

"Kaya nga nagsosorry, miss. Pasensya na. Hindi talaga sinasadya ng kaibigan—"

"Kaibigan? O baka naman ikaw talaga ang nakatama? Ginagawa mo pang dahilan ang kaibigan mo?" napakamot siya sa likod ng ulo niya dahilan kung bakit nagulo ang buhok niya. Hindi ko pinansin kung paano siya lalong naging appealing sa ginawa niya. Nevermind. I need to focus here.

"Kaibigan ko talaga, miss. Kahit tanungin mo pa siya," may panghahamon ang boses niya at ngumiti. Pinapaikot niya ngayon ang bola sa isang daliri. Umirap ako at hindi na nagpakita pa ng emosyon. Nanatiling blangko ang aking mukha.

"Sa susunod ay mag-ingat ka. Hindi lahat ng tao, kayang magpasensya," lumakad na ako palayo at hindi na siya nilingon pa. Alam kong nakaawang ang bibig nya ngayon at tulala dahil sa ginawa kong pagtalikod sa kanya. Tumugma ang lahat ng ginawa namin sa script.

"And cut!" sigaw ni ma'am at saka ako naglakad pabalik.

"Break muna ng 10 minutes. Review your lines for the next scene first," agad kong nilapitan ang gamit ko sa ilalim ng puno ng Acacia malapit sa soccer field. I brought out my copy of script then reviewed my lines. Sa eksenang ito ay makikita niya akong umiiyak sa tagong parte ng campus dahil sa isang lalaking pinagpalit ako at sasabihin ko sa kanya lahat ng hinanakit ko.

Kukunin ko na sana ang highlighter ko sa bag nang makita ko ulit ang rose at ang note na hindi ko pala naalis sa bag ko kahapon. I rest my back on the trunk of the tree. Pumikit ako. Hindi ko alam kung sino ang dapat paghinalaan. Huling kita namin ni Sean ay enrolment pa. Bakit ngayon ko lang siya na kita ulit? Did he did it on purpose for me to see him again? Bakit? Siya ba talaga ang nag-iwan ng rose? For what? Muli kong binuklat ang papel at binasa ulit.

Let me give you a clue that your heart will break into two...

Kung siya talaga 'to, bakit? What is the meaning of this note with a rose? I can't see any reason to be broken. Nasira na niya ako. May susunod ba siyang gagawin?

"Stand by na! We will shoot the second scene!"

Bumalik ako sa ulirat nang marinig ang sigaw ni ma'am. Hindi ko masyado nareview ang mga linya ko!

"Take 1, scene 2, action!"

Agad kong napalabas ang luha ko nang walang kahirap-hirap. Nakaupo ako ngayon sa Bermuda grass sa likod ng isang building at umiiyak. Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng mga yapak palapit. I made my sobs a little louder to make it more effective.

"Miss? Anong problema?" naramdaman ko ang pag-upo ni Ironvon sa tabi ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko mula sa pagkakatukod sa aking mga braso na nakapatong sa aking tuhod. Ilang minuto pa lamang nung umiyak ako pero basa na agad ang buong mukha ko. But I don't care about it anymore. I forgot my lines!

"W-Wala kang pakialam!" sabi ko at agad na yumuko ulit. Magwawala na naman yan dahil mukhang malayo yung sinabi ko sa tamang dialog. Hindi naman masamang magkamali basta malapit sa totoong linya ang isa-substitute mo.

"Cut!" marahan niya akong tinapik kaya napa-angat ulit ako ng tingin.

"Reviewhin mo ulit yung linya mo. Two minutes," agad na akong tumayo at bumalik sa gamit ko. I immediately checked my lines for that scene and found out that I shouldn't have an angry expression. Dapat ay mahinahon lang na pagtataboy. Trying to act cold but obviously hurt. Okay...

Pabalik n asana ako sa puwesto ko kanina nang makita ko ulit si Sean malapit sa puno na pinaglalagyan ko ng gamit ko. Nang makita niyang nakatingin ako ay umalis na siya. Agad akong nanlamig. Pano kung siya nga? He's just making my conclusion turn into a real accusation.

Inulit kong muli ang pag-iyak pero halos hindi ako makapagconcentrate dahil sa nakitang lalaki kanina. Hindi na kasing lakas ng pag-iyak ko kanina ang nagawa ko ngayon.

Dahil wala ang focus ko ay nai-angat ko agad ang ulo ko at magsasalita n asana pero napigilan ko. Nakita ko ang pagka-irita sa mata ni Ironvon dahil nagkamali na naman ako. Wala na akong oras para hanapin pa si Ma'am Ruiz at magdahilan na hindi naman siya ang head director.

"Ano bang problema? Pwede bang ayusin mo? Nasasayang ang oras! Kung may problema kang sarili, wag mong idamay ang shooting. Be professional, Lois. Ilang eksena pa ang kailangan i-shoot. I-eedit pa yan at madami pang kailangan gawin. Akala ko ba ikaw ang pinakamagaling dito?" nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. How can he say that! Sumobra na siya ah!

"Alam kong nagkamali na naman ako but you have no right to talk to me like that. Sino ka ba sa akala mo? Don't talk as if you've been here for a long time! And just to remind you, hindi ako ganyan makitungo sa staffs kapag ako ang director. Matuto kang makisama. You're the newbie!" ang kaninang iritasyon niya ay tuluyan nang nagging galit. Who cares?

"Ako yung bago at nakikisama ako. At wala akong pakialam sa paraan ng pakikitungo mo sa staffs mo kapag ikaw ang director. Whether I am a new here or not, learn to respect! Learn to follow my rules kasi iba akong director sa nakasanayan ng lahat. Hindi dahil ako yung bago, ako lang ang makikisama.kayo din dapat. Dapat mag-adjust din kayo! I may not be the head director of this project but I still have the right to question your actions specially your acting skills na palpak,"

"Yan! How dare you to question my acting skills? Hindi dahil sa nagkakamali ako ay hindi na ako effective! Don't act as if you know everything here. Sino ka para insultuhin ako at sabihing palpak ang acting skills ko? Do you really know how to direct? Imbes na ikaw ang magmotivate sa actors mo dahil sa mga pagkakamali nila eh ikaw pa ang nagda-down!"

"I don't have to know everything just to be an effective director. I'll do it in my own way. Ayusin mo kasi yang pag-arte mo. Hindi yung nagmumukha ka lang nag-iinarte,"

"Fuck off, Lienzo!"

"Iyan ba ang nakasulat sa script? Wala pa rin kayong natatapos?" nagulat ako nang marinig ang galit na boses ni Ma'am Ruiz.

"Imbes na magtulungan ay nagawa niyo pang magbangayan?! Bumalik kayong dalawa sa auditorium at huwag kayong lalabas nang hindi niyo naaayos yan! Nagkakaintindihan ba?!" wala ni isa sa amin ang sumagot. No way in hell!

"Nagkakaintindihan ba?!" mas malakas na sigaw ni ma'am. I sighed heavily then went back to my things. Agad kong sinukbit ang bag ko at dumiretso na sa auditorium. Hindi ko alam kung sumunod bay un o hindi. Bahala siya.

Pagdating sa auditorium ay walang ibang tao bukod sa akin. Nakarinig ako ng mabibigat na yapak sa likuran ko. Nang tumabi na siya sa akin ay kumalabog ang pinto pagkasara.

"Walang magtatangkang lumabas hangga't hindi yan naaayos! Mga bata ngayon, sakit sa ulo!"

Agad akong dumiretso sa stage at nag-indian seat. Nilabas ko ang kopya ng script at nagsaulo. Bahala siya sa buhay niya. I'll never start the conversation. Pride na kung pride. Bwisit!

"Sorry," napatingin ako sa kanya na nakaupo sa isang monoblock chair malapit sa stage. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What for? I'm not accepting that,"  

Burning ROSES (ON-GOING)Where stories live. Discover now