Napatigil lang ako ng makarinig ng mga nag-uusap sa gilid. At dahil tahimik ang buong paligid ay rinig na rinig ang usapan nila.

"Babe, come on. I'll wait you tonight in my condo," nagtaasan ang balahibo ko ng marinig ang malanding tinig ng isang babae. Tila nang-aakit.

"Please, babe. I'm horny now, and you are only the one who can satisfy me... please," dugtong pa nito. Nanlamig ang kamay ko.

Ahm... dapat may turn off ang tenga no, para hindi ko marinig ang usapan ng kung sino man.

Kahit kinakabahan ay nagawa kong sumilip sa direksyon kung saan nanggagaling ang tinig.

I almost stumble when I recognized the guy.
It's my Andrew! And they're kissing torridly now!

Nakalingkis ang kamay ng babae sa batok ni Andrew, habang si Andrew naman ay nakahawak sa magkabilang bewang ng babae.

They are too close... so close.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin saka muling nagtago sa pinagtataguan ko kanina. I inhaled, I felt out of breath with the sight of him kissing other.

Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko kaya napahawak ako sa dingding bilang suporta. My smiled turn upside down.

Sa isang iglap lang nagbago agad ang mood ko ngayon.

Naghintay ako ng ilang minuto na nakatingin sa kawalan. Nang makarinig ako ng yabag papalayo ay saka pa lang ako nagkarooon ng lakas sumilip sa kinatatayuan ni Andrew kanina.

Laking pasasalamat ko na wala na ang babae. Mag-isa na lang siyang nakasandal sa kaniyang mamahaling kotse.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at walang kurap na tumitig sa kanya. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang nasa mukha ko. Pero sigurado akong malayo iyon sa nakangiti ko kaninang mukha.

Napansin niya na siguro akong papalapit sa kanya kaya ngumisi ito... but I didn't smile at him.

Hindi ko kayang ngumiti sa kanya ngayon.

Nalukot ang mukha nito habang sinusuri ako,
"What happened to you?" kumurap ako ng isang beses.

Anong pinuputok ng butsi mo ngayon Aaliyah? Nakita mo lang may kahalikang iba gaganyan ka na? You should still be thankful dahil hindi ito sumama sa babae kanina.

I sighed. "What we'll gonna do now?" sambit ko, pag-iwas sa tanong niya.

He smiled before he motion his hand showing his expensive car, "get in," hindi na nito hinintay ang sagot ko dahil tuluyan na itong pumasok sa driver seat.

Natulala ako ng ilang segundo bago ko muling narinig ang boses niya.

"Hindi ka pa ba sasakay? O gusto mo pang buhatin kita papasok dito?" sabi niya habang nakadungaw sa bintana nakakunot ang noo nito at magkasalubong ang kilay.

Halatang naiinis na siya kaya wala na akong nagawa. Binuksan ko ang pinto ng front seat at doon naupo.

And for how many times since I got the chance to stay close to him, his scents invade my nostril once again. Nakakawala ng bad mood kung ganitong amoy ang maamoy ko palagi.

His car smell just like him.

He maneuvered his car swiftly. I can see his protruding veins everytime he would turn the wheel to any directions.

My eyes landed on his lips. It's swollen and red, probably from the kissing that I've witness earlier.

Napayuko ako. I think I shouldn't meddle with his business, I'm out of it. We're not even in a relationship to even act just like how I acted earlier.

As if I'm heart broken seeing him cheating on me. I don't even have a right to feel that way.

It's his happiness. I should support him.

"Where are we going?" basag ko sa nakakabinging katahimikan.

"You'll know later," sumulyap ito ng isang beses bago muling itinuon ang atensyon sa kalsada.

Siguro kung hindi ko lang nakita 'yung halikan nila nung babae, kikiligin na sana ako ngayon. Siguradong mas mago-good mood pa ako... pero wala e, nangyari na.

Ilang minutong katahimikan ay nakarating na rin kami sa pupuntahan namin. "We're here," huminto kami sa isang high-end condiminuim. Napakataas ng building kaya napatingala pa ako.

Nauna nang naglakad si Andrew kaya sinundan ko na lang. Binati pa siya ng receptionsist na may malagkit na tingin sa kanya. Nang mapatingin sa akin ay biglang napasimangot. Palihim ko itong inirapan.

Tahimik ulit kami sa elevator. I saw him stealing glances at me, kikiligin na sana ako pero tuwing naaalala ko ang halik ay napapasimangot ako.

Napausal ako ng salamat nang tumunog na ang elevator tanda na nakarating na kami sa tamang palapag ng condo unit ni Andrew.

Lumabas na kami ng elevator kaya sinundan ko si Andrew na nasa unahan ko. Huminto ito sa isang pinto may pinindot muna ito bagontuluyang bumukas ang pinto.

Kahit naiinis pa rin ako dahil kanina ay hindi ko pa ring mapigilang matuwa at maexcite dahil unang beses kong makakapasok sa condo niya. This is just one of my imagination pero tignan mo nga naman, nangyayari na!

Sikreto akong napangiti ng tuluyan ng makapasok sa loob. Pero nawala rin ang tuwa ko nang ilibot ko ang tingin sa buong silid.

My eyes almost popped out when I examined his whole place. His room were in a messed...
everything were messy.

I felt my head throbbed. Papanawan yata ako ng ulirat habang nakatingin sa nakakalat na mga gamit.

Nagkalat na gamit na medyas sa sahig, sapatos na nagpakalat-kalat, labahin na isang bundok, hugasin na nasa lamesa, sofa, sahig at nasa drawer. Mga bote ng beer na naka kalat, may basa pang sahig dahil sa natapon na sauce, karton ng pizza. At marami pang iba.

Andrew, meron pa bang igugulo 'tong condo mo? Kung meron pa ang masasabi ko lang...

Don't worry. I'll take care of this... like how will I take care of you in the future.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now