CHAPTER TWENTY-ONE

Start from the beginning
                                    


"Hinahanap mo ba ko?"

Lumingon ako sa kanya – dahan-dahan.

"Anong ginawa mo kay Kathy?" Sa totoo lang, wala akong pakialam kung anghel o demonyo ang kaharap ko ngayon.

"Oh, she's fine. Actually kasama ko siya sa lobby kani-kanina lang." Nakangisi niyang sabi sakin.

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

"Nakakaawa ka ..."

"Ako? Nakakaawa?" Saka siya humagalpak ng tawa. "Bakit? Sino ba sa ating dalawa ang ayaw mahalin ng babaeng mahal niya? Ako ba?"

"Kung si Kathy lang ang dahilan, hindi mo na sana ginawa yan."

Bigla niyang ipinakita ang tatlong numero na naka-marka sa kanyang kanang kamay.

666

"Tama naman ang itim na anino. Bakit ko kailangang pigilan ang totoong nararamdaman ko? Just because I'm an angel?" Muli niyang itinago ang markang iyon. "Kagaya mo, kaya ko ring isakripisyo ang lahat para sa taong mahal ko, para sa kanya."

"Well then, goodluck and welcome to hell. I wish you could protect her more than I could." Sabi ko sa kanya.

"Why do I need to protect her? When she could be with me in hell?" Saka siya ngumiti sakin.

Hindi ko na napigilan ang galit na nararamdaman ko, nasuntok ko si Erick sa mukha. Nawalan siya ng balanse kaya siya bumagsak sa sahig.

Agad naman kaming pinalibutan ng mga estudyante.

"Baka sakaling magising ka sa katotohanan." Pagkasabi ko noon ay umalis na ako. Iniwan ko si Erick na pinagpipiyestahan ng mga tao.



[KATHY'S POV]

"Kathy ..."

Kulang na lang ay tumakbo ako, wag lang akong maabutan ni Erick.

"Kathy!" Muli niyang tawag sakin. "Kalimutan mo na siya dahil balewala ka na sa kanya! Bumalik na ulit sa kanya si Julia. Wag ka ng umasa pa!"

Natigilan ako bigla ng marinig ko iyon.

"Wala nang Damon ... wala ng ibang poprotekta sa'yo kundi ako."

Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala si Erick. Unti-unting tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Pakiramdam ko'y nawalan ako bigla ng halaga sa mundo.

Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga kamay ni Erick sa pisngi ko, pinupunasan ang mga luha na hindi na yata mauubos.

"Sa akin ... hindi ka iiyak. Mamahalin kita. Hindi kita ipagpapalit. Hindi kita iiwan."

Hindi ako kumibo.

"Don't worry ... hindi na mauulit yung kanina. Just be with me Kathy ... just let me love you."

Tumingin ako ng masama kay Erick saka buong lakas ko siyang itinulak. "Lumayo ka sakin! Nandidiri ako sa'yo!"



Hindi ako makahinga. Paulit-iyon ang pangyayaring iyon sa utak ko. Paulit-ulit ang sinabing iyon ni Erick.

Wala akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko. Parang kailan lang sinabi ko sa sarili ko na pagsisisihan ko ang desisyon kong ipagtabuyan si Damon. Eto na yata ang araw na yon.

Tumakbo ako.

Gusto kong lumayo ... malayong-malayo sa lugar na 'to. Malayong-malayo sa lahat. Gusto kong makalimot. Gusto kong malimutan lahat kahit ngayong gabi lang na ito.

Napahinto ako sa isang park kung saan walang tao. Napaupo ako sa isang bench sa ilalim ng isang malaking puno.

Umiyak ako ng umiyak.

Ang sakit-sakit!

Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan. Parang binubuksan ang dibdib mo habang unti-unting nilalabas ang puso mo, nang walang anesthesia. Mas masahol pa doon. Mas masakit pa.

Biglang humihip ng malakas ang hangin.

Naramdaman kong humaplos yun sa mukha ko.


"Kathy ..."



Dahan-dahan kong iniangat ang mukha ko. "A-anong ... anong ginagawa mo dito?"

"Bakit? Bawal na ba ako dito?"

Nagmamadali kong kinusot ang mga mata ko bago pa niya mapansin na kanina pa ako walang tigil sa pag-iyak.

"Hindi ka ba napapagod sa pag-iyak?" Bigla niyang tanong sakin.

"W-wala 'to. Napuwing lang ako." Alam kong gasgas na ang palusot na yon pero ano pa bang pwede kong idahilan sa kanya?

"Alam kong may nangyaring hindi maganda kanina. At wala ako doon para protektahan ka."

"K-kasalanan ko naman." Yumuko ako. Nagbabadya na naman pumatak ang mga luha ko. Bakit ba hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak? "A-alam ko naman na kasama mo siya ..."

"Yeah ..." Narinig ko ang kanyang pagbuntung-hininga. "She had been through a lot, hindi ko siya pwedeng iwan."

Muli na namang pumatak ang mga luha ko.

The Devil's SonWhere stories live. Discover now