Shoot 32 "Interview"

Magsimula sa umpisa
                                    

Another staff walks on the lobby at napasilip sa amin ni Raydin. "Ay ma'am, kalaro ninyo pala si sir Raydin. Alam ninyo ma'am, nag-compete si sir ng chess sa iba't-ibang bansa." Pagmamayabang nung staff habang ako ay mapanlisik na tumingin kay Raydin.

"Bakit hindi mo sinabi ang tungkol doon, ha!" Reklamo ko.

"Nagtanong ka ba?" He checked his wrist watch at tumayo. "I still have a paper works sa taas. Hintayin mo ako rito sa lobby after the interview." Sabi niya at naglakad paalis.

Umayos ako ng pagkakaupo sa couch. "Bwisit ka talaga, Raydin. Kasumpa-sumpa talaga 'yang kayabangan mo. Sana pinahid ka na lang sa kumot ng tatay mo e." Mahina kong reklamo dahil sa inis. Nakakainis talaga siya!

"Miss Danica Espino," isang babae na naka-office attire ang tumawag sa akin itinaas ko ang aking kamay para makita niya ako. "I-interview-hin na po kayo." Nakangiti niyang sabi.

Bago ako pumasok sa may meeting room ay nagpunta muna ako sa CR para mag-ayos, naglagay muli ako ng lip balm sa aking labi at inipit ito upang maayos. Naglagay din ako ng foundation and I spray some perfume.

Hindi ako yung babae na pala-ayos, sadyang kinakailangan lang dahil interview ngayon. I MUST look presentable... At utos ni Raydin dahil bawal daw ang pangit sa kumpanya niya.

Self proclaimed siya na sa kanya itong Stargame, anak lang naman siya ng may-ari. Kaltukan ko siya e.

As I enter at the Meeting room ay tumambad sa akin ang isang matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid-50's na. He's wearing a tux at medyo may katabaan din siya. He looks like a well respected man here at the company. "Good afternoon miss Espino, have a seat. I am Greg Cruz, your job interviewer"

It's just a normal job interview, tinanong lang nila ang capabilities ko at ni-review ang mga nilagay ko sa resume.

"Miss Espino, alam mo naman na competent ang Stargame pagdating sa gaming industry. Hindi lang kami basta-basta tumatanggap na mga interns na magaling lang mag-codes o mag-math. Gusto rin namin ng mga interns na may kasanayan sa paglalaro ng games," paliwanag ni si Greg sa akin. "So do you have gaming experience?"

I smiled on him. "Of course I do, during my highschool days ay naglalaro ako sa computer ng mga online games. I used to be a guild master and it becomes a number one in overall ranking. I love playing online games especially the rpg type of games." Paliwanag ko.

Mukhang may magandang naitulong ngayon ang madalas na paghahatak sa akin ni Jace na maglaro ng kung ano-anong games.

"As of now, anong nilalaro mo?" Mukhang mas naging interesado si sir Greg.

"I am playing School War Online po this past few months."

Pinagkwento ako ni sir Greg patungkol sa gaming experience ko. Hindi naman ako tinamad magkwento dahil gusto ko rin naman yung topic. "It's nice meeting miss Espino. Tatawagan ka na lang namin if you made it," iniabot sa akin ni sir Greg ang kanyang kamay na akin namang tinanggap.

"It's a pleasure to meet you, sir." Sagot ko.

After the interview ay naglalakad na ako papunta sa lobby nung makatanggap ako ng isang chat galing kay Mateo. naki-connect kasi ako sa wifi ng kumpanyang ito, pinilit ko si Raydin na ibigay ang password.

Mateo:
Nasa stargame ka 'diba?

Danica:
Paano mo nalaman?

Mateo:
Secreeet. 😛

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon